Michael V encourages Chariz Solomon, Sef Cadayona to write skits for Bubble Gang

Nov 15, 2019
Comedienne Chariz Solomon (right) says Michael V (left) encourages all mainstays of Bubble Gang to develop their talent for writing skits: “Gusto niya sana yung mga future comedians ay marunong din talaga gumawa ng sarili nilang materyales."
PHOTO/S: Noel Orsal

Tuluy-tuloy ang pagtuklas ni Michael V. ng mga bago at mahuhusay na komedyante para sa katuparan ng kanyang pangarap.

“Gusto niya sana yung mga future comedians ay marunong din talaga gumawa ng sarili nilang materyales,” sabi ni Chariz Solomon, isa sa mga mainstays ng longest-running gag show na Bubble Gang, na headlined ni Bitoy.

“Yun yung pangarap niya para sa comedy, para sa industriya,” sabi ni Chariz, matapos ibalitang nagsusulat na rin siya ng script para sa Bubble Gang—sa udyok ni Bitoy.

Si Bitoy ang isa sa original cast at ngayon ay creative director ng gag show ng GMA 7.

Kuwento ni Chariz, lahat sila sa show ay hinihimok ni Bitoy na magsulat ng kanilang gags.

“Kasi si Kuya nagke-care siya, hindi lang naman para sa Bubble Gang, e, kundi sa future ng comedy,” dagdag ni Chariz.

“Yun talaga yung goal niya, yung mabuhay pa yung comedy nang matagal na matagal na matagal na panahon. Tapos maipasa niya yung kung anong meron siya. Yun yung dream niya.”

Continue reading below ↓

BITOY’S STEP-BY-STEP PROCESS TO WRITING SKITS

Ayon kay Chariz, buong tiyaga siyang tinuruan ni Bitoy ng “step-by-step” sa pag-iisip at pagsusulat ng mga gags.

Kuwento ni Chariz, “Nagsimula kami ni Kuya Bitoy na, ‘sige gawa ka lang.’ Tinuruan niya ako step-by-step. ‘Pag may naisip kang germ, save mo sa phone, tapos mag-isip ka ng punchline one, two, three, tapos yung pinaka-mega punchline.’”

Hinihikayat din daw ni Bitoy ang mga kasamahan nila sa Bubble Gang na dumalo sa creative meetings ng mga direktor at writers ng show para sa kanilang input at suggestions, ayon kay Chariz.

Proud na sinabi ni Chariz na natutuwa siya ngayon na may iba pa siyang alam gawin bukod sa pag-arte, at iyon ay ang pagsusulat—na pangarap din naman niya talaga.

“As one of the creators, napakasarap ng feeling,” ani Chariz, na kapatid ng actor-director na si Fifth Solomon.

“COLLABORATIVE” TEAM BEHIND BUBBLE GANG

Sinegundahan naman ng isa pang Bubble Gang mainstay, si Paolo Contis, ang sinabi ni Chariz.

Continue reading below ↓

Inilarawan ni Paolo na “collaborative” ang mga direktor, writers, at cast ng gag show.

“Iba yung teamwork ngayon ng Bubble Gang,” ani Paolo. “Thankful kami na binibigyan kami ng freedom ng mga boss namin.”

Ayon kay Paolo, nagbibigay din siya ng suggestions para sa anumang character na ginagampanan niya sa show.

Ipinagmalaki rin ni Paolo na bukod kay Chariz, nagsusulat na rin ng gags ang kasamahan nilang si Sef Cadayona.

24-YEAR OLD GAG SHOW

Nakausap ng entertainment reporters sina Chariz at Paolo, at Bitoy, kasama ang iba pang mainstays ng Bubble Gang sa November 4 press conference na ginanap sa GMA Network headquarters para sa 24th anniversary ng gag show.

Para sa anibersaryo ng Bubble Gang, may two-part superhero telemovie special ito, ang “The ScAvengers” na ipalalabas sa November 15 at 22.

Parody ng worldwide blockbuster na Avengers: Endgame ng Marvel Studios, ang “The ScAvengers” ay kuwento ng isang grupo ng mga basurero na aksidenteng nakatagpo ng scraps na may superpowers—at kailangan nilang magsama-sama upang pigilan ang kasamaan ni Alan Peter Kuya Thanos, na gagampanan ni Bitoy.

Continue reading below ↓

BITOY ON POTENTIAL of future comedians

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bitoy, ipinaliwanag niya kung bakit ine-encourage niya ang mga kasamahan niya sa Bubble Gang na tuklasin ang kani-kanilang talent sa comedy.

“Lahat ng nandito sa Bubble Gang potential comedian, potential writers. Tamang opportunity lang ang dapat na ibigay sa kanila saka encouragement. Kasi minsan parang nao-off sila, e.”

Dagdag ni Bitoy, “Ako dun nagsimula, e. Hindi ako satisfied na ako lang yung aarte. There will always be input coming from myself, kasi depende sa personality ko at saka dun sa how I see the characters.

“Lahat ng artista ganun, e. They are assuming different characters every episode. So, dapat meron ka ring input kung ano yung potential na ilalagay mo dun sa character mo.”

Gayunman, hindi naman matukoy ni Bitoy kung anong partikular na katangian ng isang celebrity ang nagiging basehan niya sa pagtukoy sa potensiyal nito sa comedy, sa pagpo-produce man, pagsusulat, o pagdidirek.

Continue reading below ↓

“Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano, e, pero there’s just something in them na, ‘uy, try mo kaya magganito.’ Tapos pagka triny nila at nag-work, ‘o, try mo naman itong ganito. Pag nagwo-work for them, saka lang natin ie-encourage.”

“ALWAYS HAVE TO TAKE A STEP FURTHER”

Pero para kay Bitoy, isa sa mga kasamahan niya sa Bubble Gang na natural na mahusay sa comedy ay si Boy2 Quizon, na apo ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

“Nagpo-produce at nagdidirek na si Boy2, which is a good thing kasi he’s taken his game another level up, e,” pagmamalaki ni Bitoy kay Boy2.

Ang tinukoy ni Bitoy ay ang directorial debut ni Boy2 sa I am Ellenya L, na sumabak sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino nitong August.

“I believe na yun dapat yung path na tine-take ng lahat ng nandito sa Bubble Gang. Actually, hindi lang ng nasa Bubble Gang, lahat ng nasa industriya,” sabi pa ni Bitoy.

Continue reading below ↓

Payo ni Bitoy sa mga kapwa niya celebrity: “Yung pag-aartista kasi, pag sinabing ‘artista lang,’ is actually artista lang, e. You always have to take a step further.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Chariz Solomon (right) says Michael V (left) encourages all mainstays of Bubble Gang to develop their talent for writing skits: “Gusto niya sana yung mga future comedians ay marunong din talaga gumawa ng sarili nilang materyales."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results