Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sheryl Cruz explains why she accepted provocative role in Magkaagaw

by Rommel Gonzales
Nov 16, 2019
Sheryl Cruz: "It’s a blessing in disguise na, you know, di ba, minsan opportunity only knocks once and at my age, bakit ko naman siya papalampasin?"
PHOTO/S: Kapuso PR Girl

Tinanggihan ni Sheryl Cruz ang papel niya bilang Veron sa Kapuso teledramang Magkaagaw noong unang inialok ito sa kanya.

“Siyempre, di ba, when I wanted to do a comeback, kahit papaano, gusto ko naman yung medyo hindi naman ako ganun kahirap dun sa sobrang napaka-challenging na role,” paliwanag ni Sheryl.

"E, ngayon, when it was actually asked of me, kasi sinabi sa akin ng aking agent, ipinaglaban itong role ko for me.

“Siyempre, kahit papaano, I have to consider also yung efforts na ginawa hindi lang ng agent ko na si Rams, kundi kahit papaano naman, di ba, I have to take a second look at the offer.

“Kasi, ang sabi nila sa akin, talagang tailor-made itong role na ito for me.”

Si Rams David, na manager nina Marian Rivera at Maine Mendoza, among others, ang manager/agent ni Sheryl.

“I didn’t even expect na ganito kalaki yung role because I didn’t know na it was actually one of the leads.

Continue reading below ↓

“So, kahit papaano, di ba, working as Veron na career-driven person, and at the same time being the first wife, 'tapos nun biglang magkakaroon ka ng May-December affair, di ba?

“Alam ko na, na merong maseselang mga eksena, di ba?

"So siyempre, pinag-isipan ko kung magagawa ko ba itong mga ito...

"So, para sa akin, not everyone gets this kind of chance at my age, di ba?

“Believe it or not, at 45.”

SUPPORTIVE DAUGHTER

Sexy and daring ang pictorial ni Sheryl noong September para sa isang online men’s magazine.

Isa sa mga sumuporta at nag-encourage kay Sheryl na tanggapin ang Magkaagaw at sexy pictorial ay ang 18-year-old daughter niyang si Ashley na first-year Psychology student sa San Francisco State University.

“Sabi niya, ‘Mom, why don’t you accept it or reconsider 'coz you have the body.

"'First of all you have the body at saka you still have that energy. Why don’t you reconsider it,' sabi niyang ganun.

Continue reading below ↓

“'Tapos nun, from then on, sabi ko, 'Sige, see if that role is still available,' sabi ko kay Rams.

"And then, fortunately, siguro talagang it was a blessing in disguise na talagang gusto ni Lord para sa akin yung role.

"And then, lalo akong na-excite nung nalaman ko na ang makakasama ko dito, si Sunshine [Dizon].

“Because first of all, ang tagal na rin naming hindi nagkakatrabaho.”

Taong 2014 sila huling nagkasama ni Sunshine sa Strawberry Lane.

“At least, nung ginawa ko ito at in-accept ko itong Magkaagaw, I’m with a good cast, with a great cast na alam ko hindi na ako mangangapa, hindi na ako magkakaproblema dahil kahit papaano, si Jeric [Gonzales] nakasama ko na rin sa Strawberry Lane.

“Although hindi ganun kadalas ang mga eksena.”

Sa Magkaagaw ay lovers sina Veron (Sheryl) at Jio (Jeric Gonzales).

BLESSING IN DISGUISE

Nauna ang sexy pictorial ni Sheryl bago inialok sa kanya ang Magkaagaw.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, tumugma, tumugma siya!

"So it’s a blessing in disguise na, you know, di ba, minsan opportunity only knocks once and at my age, bakit ko naman siya papalampasin?

“Because aminin na natin or hindi, first of all gusto kong magpasalamat sa genes ng magulang ko.”

Anak si Sheryl ng yumanong matinee idol na si Ricky Belmonte at ng dating aktres na si Rosemarie Sonora.

Pagpapatuloy ni Sheryl, “Kung anuman yung status ko sa life, kung anuman yung aking… the way I see it, or perception ko, pinagpapatuloy ko lang na talagang easy-going, taking care of myself, yung ganyan.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz: "It’s a blessing in disguise na, you know, di ba, minsan opportunity only knocks once and at my age, bakit ko naman siya papalampasin?"
PHOTO/S: Kapuso PR Girl
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results