Nathalie Hart: "iWant, kunin ninyo po ako sa isang series. Magpapakita po ako ng puwet!"

by Julie E. Bonifacio
Nov 20, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal


Nagbabalik showbiz ang sexy actress na si Nathalie Hart sa pamamagitan ng
pagbibida sa iWant original movie titled Barbara Reimagined.

Siya ang pinakabagong aktres na gumaganap bilang Barbara sa modern retelling ng psychological horror film na Patayin Mo sa Sindak si Barbara.

Ngayong 2019 ay ang 45th anniversary ng horror classic na Patayin Mo sa Sindak si Barbara kunsaan ang title character ay ginampanan ni Susan Roces.

Sa Barbara Reimagined, uuwi si Barbara para sa libing ng kanyang kapatid na si Karen (Mariel de Leon). Nagluluksa si Barbara matapos kitilin ni Karen ang kanyang sariling buhay.

Habang nagdadalamhati, makakahanap si Barbara ng sasandalan kay James (JC
de Vera), na dati rin niyang kasintahan.

Magdedesisyon si Barbara na manatili para maalagaan ang pamangkin niyang si Isabelle at para na rin bigyang atensyon ang relasyon nila ni James.

Ngunit simula nito, mapupuno ng kababalaghan ang buhay nila at unti-unting madidiskubre ni Barbara ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

Continue reading below ↓

Plano bang maging director ni Nathalie someday?

“Gusto kong magdirek in the future. Gusto kong matuto,” sabi ni Nathalie sa recent press conference ng Barbara Reimagined.

Sinusuportahan ba siya at anak nila ng boyfriend niya?

“Opo, wala naman pong problema doon. Pero siyempre, in terms of, yung akin, gusto ko may sarili rin akong pera.”

Papayag pa rin ba siyang tumanggap ng sexy roles?

“Yes, okay lang ako doon. I’m very open," ani Nathalie.

“Sa akin, hindi naman malaswa yung [ginawa ko sa Barbara Reimagined]. Di naman katulad nung dati, yung unang-una kong project na ano, ngayon, wala lang ‘to, e.”

Ang indie film ba niya na Tisay ang tinutukoy niya na grabe ang pagpapa-sexy na ginawa niya sa movie?

“Oo. Eto [Barbara Reimagined], walk in the park lang ‘to.

“It’s so easy lang ‘to. Malayung-malayo sa Tisay. But I’m very proud of that film. Kasi, hindi rin naman lahat ng tao, or artist, magagawa yung ganoong klaseng role. Napakahirap noon.”

Continue reading below ↓

Bukod sa Barbara Reimagined, may mga naka-line-up nang pelikula para kay Nathalie.

“Meron po akong lalabas yung Sunday Night Fever.

“Actually, nung ginawa ko yung hindi pa ako buntis. Yun yung time na lumabas yung Sin Island, ginagawa ko na yung Sunday Night Fever, movie rin.

“Kasama ko si Diether Ocampo and Ricky Davao. Lalabas na siya in iWant, as well.

“Yes, Diether Ocampo. Okay naman siya. Siya ang leading man ko sa movie, pati si Ricky Davao.

“Medyo Tisay [ang theme] niya.

“Sexy din ako sa movie. Pero nagawa ko yung wala pa lahat, yung anak ko, yung pagbubuntis ko.

“Pero ano, very good piece po siya. I’m very proud doon sa film. Siguro ngayong taon din yun [ipapalabas].”

May intimate scenes ba sila ni Diet?

“Oh, my God! Lahat!

“Meron din ako kay Ricky.

“So, very good film. It’s drama talaga. Husband is Ricky. Si Diet ang kabit.

Continue reading below ↓

“But now, wala pa po akong bagong offer. I’m just waiting.”

Mas nakakatakot ba ang Barbara Reimagined kumpara sa original Patayin Mo
sa Sindak si Barbara?

“Nakakatakot talaga siya."

Ito na ba ang pinaka-sexy na version ng Barbara?

“Thank you so much naman po. Pero makikita naman po dito sa film, hindi naman sobrang sexy. Kasi, nanay ako dito, e.

“But yes, sexier pero wala namang kissing scenes yung sa unang-una. Dito, meron kaming kissing scenes ni JC. May love scene dito, isa."

Na-enjoy daw ni Nathalie ang paggawa ng movie sa online streaming service ng ABS-CBN na iWant.

Panawagan ni Nathalie: “iWant, kunin ninyo po ako sa isang series. Magpapakita po ako ng puwet!

“I really like iWant as well, this kind of platform.

“Walang ano, walang bawal. Mas maganda.”

So, kontra ba siya sa binabalak ng MTRCB (Movie and Television Review and
Classification Board) na dumaan din sa kanila lahat ng films na ipapalabas on digital platforms?

Continue reading below ↓

“The essence of MTRCB is not my problema. Hahaha!

“But kung ano po yung gusto nilang gawin, susundin ko po yun. Kasi, at the end of the day, sila pa rin po ang masusunod.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results