Hindi apektado si Nyoy Volante sa mga pumupuna sa pagdya-judge niya sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.
Aniya, kasama sa trabaho ng TNT judge ang mabatikos sa mga nagiging desisyon nila.
“We always get criticized. Sa trabahong ito, hindi puwedeng lahat ma-please mo,” sinabi ni Nyoy kay Boy Abunda.
Guest si Nyoy nitong Martes, November 19, sa Tonight With Boy Abunda.
Na-bash kasi ng netizens ang 41-anyos na singer matapos na ma-eliminate sa TNT Celebrity Edition All-Star Grand Resbak si Marlo Mortel.
NYOY EXPLAINS MARLO’S ELIMINATION
Paglilinaw ni Nyoy, hindi natanggal nang tuluyan sa TNT Celebrity Edition All-Star Grand Resbak si Marlo Mortel.
“Actually hindi naman talaga siya natanggal. Andun pa rin siya, teams kasi, e.
“Tatlo sila, may matatanggal na isa, but puwede ka pa ring lumaban,” ani Nyoy.
Kasunod ng pagkaka-eliminate ni Marlo sa unang araw ng TNT All-Star Grand Resbak nitong November 11, nag-post sa Instagram ang singer-actor tungkol sa kabiguan niya sa pagkakaroon ng kahit na “small win.”
Bahagi ng emosyonal na post ni Marlo: “I thought I was numb ‘cause I’m used to losing.
“But why are people, contestants, celebrities, staff, etc. continuously coming up to me telling me that I deserved to win?
“I was also trending for people are protesting about this loss.
“I’m confused, so am I really worth a win?”
Binalikan rin ni Marlo ang panahon na sumali siya sa mga reality singing competitions ng rival TV network na GMA-7.
Kuwento ni Marlo sa kanyang Instagram post: "Age 16, I joined “Are you the next big star” on GMA and I qualified as one of the 115 contenders. After my performance, Judge said “I believe that you could be the next big star” but I didn’t make it to the next round. It was painful, but It’s my first competition. So maybe I just need more
experience?
"I was then told to join Starstruck where I reached the Top 30 but got cut."
Bukod pa rito, sumali rin si Marlo sa iba pang Kapamilya singing competitions.
"Same with X Factor, where I sacrificed a lot to join, but got eliminated at the Bootcamp round. I just never make it to the Live shows. But I told myself keep growing, maybe I’m just not good enough yet?
"As a celebrity, I was invited to join We Love OPM where our group “Power Chords” coached by @nyoyvolante always lose, we even got a 75 at the Finals after all the hard work. But maybe we just don’t blend well together?"
NYOY IS OKAY WITH BASHERS
Samantala, sinabi ni Nyoy na karapatan ng viewers na magpahayag ng sarili nilang opinyon.
Tinanong ni Boy si Nyoy kung hindi ba ito napipikon sa mga natatanggap na pambabatikos.
Sagot ni Nyoy, “No. Right nila yun, e. Right nila yun to have… yung gusto nilang contestant, yung choice nila.
“And they have their own way of interpreting bakit siya yung mas magaling, and that’s okay.
“Isipin mo na lang, kung hindi naman ganun yung nangyari, kung iba yung natanggal, ganun din, e. Makakarinig din kami dun sa kampo na yun.”
Nagpaliwanag pa si Nyoy kung paano nagdedesisyon ang mga TNT hurado.
“One thing na hindi naiintindihan ng fans is that pag nagkaroon ng decision, lima yun, e, na hindi pare-pareho,” ani Nyoy.
“Kumbaga, magkakaiba kami ng choices, pero yung pinakamaraming ganun yung desisyon, siyempre yun yung nasusunod. Consensus, e.”
Incidentally, magkasama sina Nyoy at Marlo sa musical film na Damaso, na ipinalabas na sa mga sinehan simula November 30, 2019.
Naging mentor din ni Marlo si Nyoy sa ABS-CBN reality music competition na We Love OPM: The Celebrity Sing-Offs noong 2016.