Liza Soberano, Enrique Gil to reunite in 2020 via ABS-CBN teleserye shot in Europe

by Ruel J. Mendoza
Nov 23, 2019
The LizQuen tandem of Liza Soberano and Enrique Gil paired anew in ABS-CBN's upcoming teleserye Make It With You.
PHOTO/S: ABS-CBN

Muling magbabalik sa ABS-CBN primetime ang tambalang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Gagawin ng LizQuen ang kanilang comeback teleserye titled Make It With You na may early 2020 release.

Huling napanood ang Kapamilya loveteam sa fantaserye na Bagani noong 2018.

Nagpahinga sa paggawa ng teleserye si Liza dahil sa natamo niyang aksidente sa isang mabigat na eksena sa Bagani.

Noong August 8, 2018, na-fracture ang right index finger ni Liza sa isang fight scene sa teleserye nila ni Enrique. Ka-eksena ni Liza noong maaksidente siya ay ang aktor na si Justin Cuyugan.

“Kasi when we were doing the scene, I guess, we were really feeling it and medyo nagmamadali din kami kasi umuulan and we have to get the show before it starts raining. We were able to practice the scene before we took it. But in the middle of the scene, I guess the emotions were too over. Accidents happen and natamaan yung kamay ko nung sword. It got fractured, but it's fine now," kuwento ni Liza sa past interview niya.

Continue reading below ↓

Naging dahilan ang fractured right index finger ni Liza sa pagtanggi niyang gawin ang
project na Mars Ravelo's Darna.

Napunta ang coveted role na ito sa newbie Kapamilya actress na si Jane de Leon.

July 2019 nang maoperahan sa U.S. ang fractured index finger ni Liza. Sa kanyang Instagram account ay pinost ni Liza ang graphic photo ng kanyang crooked index finger na sinusuportahan na ng metal brace.

"Finally done with my last procedure in hopes of fixing my finger. Unfortunately it will never function the same way again but at least it's there!" caption ni Liza sa kanyang Instagram post.

Pagkatapos ng ilang buwang pahinga, ready nang bumalik si Liza sa bagong teleserye with Enrique.

Sa katunayan ay nag-pictorial na sila for the upcoming teleserye noong nakaraang Friday, November 15.

Sa Make It With You, si Enrique ay si Gabo na gustong mahanap ang true happiness. Si Liza naman ay si Billie, isang free-spirited at hardworking OFW na may mataas na pangarap para sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Nag-taping ang LizQuen love team sa bansang Croatia kasama ang director na si Cathy Garcia-Molina noong nakaraang September.

Nag-aral pa raw si Liza ng Croatian language bago sila nag-tape ng mga eksena sa naturang Eastern European country.

"My character is an OFW and we know the stories of how OFWs are so parang pagdaraanan niya lahat ng hirap na pinagdaraanan ng mga OFW,” sabi ni Liza sa isang past interview.

Para naman kay Enrique, nararamdaman niya na nakaka-relate siya sa character niya na si Gabo. “There’s really something with Gabo that strikes me and I really feel a connection with him. Iba yung tingin niya sa buhay iba perspective about life."

Pinaliwanag ni Direk Cathy na kailangan nilang mag-shoot sa isang bansa kunsaan konti lang ang mga Pinoys. “To keep to its truth, dito [Croatia] tayo nagpunta. It’s something new to the Filipinos also,” aniya.

Parating top-rater ang mga teleserye ng LizQuen tulad ng Forevermore (2014) at Dolce Amore (2016).

Continue reading below ↓

Sa big screen, huling napanood ang dalawa sa box-office hit na Alone/Together
(2019). Big hits din ang mga pinagsamahan nilang pelikula na My Ex and Whys (2017), Everyday I Love You (2015), at Just The Way You Are (2015).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The LizQuen tandem of Liza Soberano and Enrique Gil paired anew in ABS-CBN's upcoming teleserye Make It With You.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results