Magbibida sa TV adaptation ng 1989 movie ni Nora Aunor na Bilangin Ang Bituin Sa Langit sina Nora mismo, Kyline Alcantara, at Mylene Dizon.
Parehong aminado ang dalawa na kabado silang makatrabaho ang isa't isa.
Ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit ay pelikula noon ni Nora kunsaan gumanap siya ng dual role--bilang si Doña Magnolia "Noli" Dela Cruz vda. de Zulueta at anak nitong si Maggie Zulueta.
Sa TV version na nasabing pelikula, ang gaganap na Magnolia ay si Mylene Dizon at si Kyline naman si Maggie.
Gagampanan ni Nora ang role noon ni Perla Bautista sa pelikula na si Cedes Santos.