Jimmy and Kring named first I Do grand couple winner; will get grand wedding to be aired on television

Jimmy and Kring got 56.8 percent of text and online votes, making them the first grand couple to win ABS-CBN’s reality show, I Do. They win their dream wedding, an Asian tour, P1 million, house and lot, and a spa franchise negosyo package from the show hosted by Judy Ann Santos.


Sina Jimmy at Kring, isang Koreano at isang Pinay, ang nanalo ng ABS-CBN reality show na I Do.

Nakuha nila ang 56.8 percent of text and online votes mula sa viewers ng I Do na hosted by Judy Ann Santos. Ang Kapamilya show na ito ay tungkol sa mga magkasintahang gustong magpakasal.

Ang neighbors-turned-lovers na sina Chad at Sheela naman ang tinanghal bilang runner-up ng competition sa final ceremony na pinalabas kagabi, November 8.

Bilang first couple na tanghaling winners ng I Do, nakuha nina Jimmy at Kring ang kanilang dream wedding, an Asian tour, P1 million, house and lot, at negosyo package. Ang kanilang kasal ay ipapalabas sa ABS-CBN next week, November 15.



Kring was moved to tears while Jimmy was all-smiles when they were named as the winner of I Do



THROWBACK OPENING. Nagmistulang throwback ang opening number ng I Do nang samahan si Judy Ann Santos nina Rica Peralejo-Bonifacio at Jolina Magdangal-Escueta.

Nag-perform silang tatlo ng “Kapag Tumibok ang Puso” at “Sa Iyo.”

Ininterview ni Judy Ann sina Rica at Jolina kung anong maipapayo nila sa mga I Do couples at iba pang may-asawa.

"Huwag niyong hahayaang mamatay ang kilig," sabi ni Rica na kasal sa pastor na si Joseph Bonifacio.

"Lahat ng marriage is a work in progress,” ang payo naman ni Jolina na asawa ng band vocalist na si Mark Escueta.

Sa simula ng programa, nanguna ang then-unnamed couple na may 65.59% samantalang ang second couple ay may 34.39%.



CHAD PROPOSES TO SHEELA. Bago ang finale, umalis ang dalawang couples mula sa I Do village upang balikan ang kanilang normal routine.

Ang unang ginawa ni Chad ay puntahan ang mga magulang ni Sheela para hingin ang kanilang blessing. Pinlano na rin nila kung paano magpopropose si Chad kay Sheela ng araw na iyon.

Ang plano, kinin si Sheela upang gumawa ng desserts para sa isang mock 18th birthday party. Ngunit ng araw na iyon biglang umulan at naudlot ang pagseset-up ng mga kagamitan, hindi lang para sa party kundi pati na rin sa proposal ni Chad. Naisip pa rin ni Chad na ipagpatuloy ang proposal. "Di importante yun setup," sabi ni Chad,"ang importante yung pagpopropose ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama sa plano ang kunyaring pamamahiya kay Sheela ng isa sa mga kamag-anak ng may debut.

Naiyak si Sheela ngunit nagulat siya nang ipakita sa screen ang mga larawan niya at nalaman niya na Sheela @ 18 pala ang theme ng party. Sinabi ng host na hindi naranasan ni Sheela na magkaroon ng debut kung kaya ang boyfriend niya ang nagplano nito.

Biglang lumabas ang mga pamilya't kaibigan ni Sheela. Umiiyak si Chad nang lapitan niya ang kanyang kasintahan upang gawin ang kanyang marriage proposal.


Lumuhod si Chad at tinanong si Sheela: "Will you marry me?" Humahagulgol si Sheela at sinabi, "Di mo na kailangang magtanong."


JIMMY PROPOSES TO KRING. Tatlong taon nang magkasintahan sina Korean na si Yong Jin Kim at ang Pinay na si Kring Elenzano. Nagkakilala sila nang mag-organize si Kring ng K-pop event at si Jimmy ang nagsilbing photographer sa event na iyon.

Binansagan sila bilang "Krimmy" couple nang sumali sila sa program.

Pagkalabas nila ng I Do village, unang puntahan nina Jimmy at Kring ang South Korea para magbakasyon at bumisita na rin sa pamilya at mga kaibigan doon ni Jimmy. Habang nagpapahinga sa kanilang pamamasyal, lumuhod si Jimmy at may binigay na isang box na may lamang rosary kay Kring.

Inakala ni Kring na doon na magpopropose ang kanyang kasintahan ngunit hindi singsing ang nakita niya sa loob ng box. "Rosary lang pala ang ibibigay mo, bakit kasi kailangan mo pang ilagay sa isang box na gawa sa velvet," pabirong nasambit ni Kring.

Doon na rin sa Korea naipakilala ni Jimmy si Kring sa kanyang mga kaibigan sa kanyang home country. Pagbalik sa Maynila binisita rin ni Jimmy ang mga magulang ni Kring at nag-alay ng isang Korean flower na hindi nalalanta as a symbol ng pagmamahal niya sa kanilang anak.


Sa araw ng proposal, pinuntahan ni Jimmy si Kring sa hosting job nito para haranahin siya sa gitna ng isang mall. Kinanta ni Jimmy ang theme song ng “I Do” samantalang mukhang shocked si Kring sa nangyayari.

Isang simpleng "Yes" lang ang nasagot ng dalaga. Si Jimmy naman, sa sobrang tuwa ay sumigaw ng, "Yes, I will marry her!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



QUESTIONS FROM THE COUNCIL. Sa kalagitnaang ng finale, hindi masyado nagbago ang ratings ng mga couple dahil ang unang couple ay nakakuha ng 60.23% habang ang pangalawa ay 39.77%.

Para sa kahuli-hulihang pagharap ng dalawang I Do couples sa council, unang tinanong sina Chad at Sheela ni Coach Pia.

“Kung hindi kayo manalo ngayong gabi, ano ang inyong planong pinansiyal para sa bubuoin niyong pamilya.”

“Kung hindi kami manalo, meron kaming nasimulan na na business, naregular na rin ako sa trabaho ko. And yung cooking ko po ipagpapatuloy ko kasi yun yung passion ko talaga. Kahit anong mangyari lalaban tayo sa buhay. Susuportahan natin ang isat isat. At laging magiging sentro namin ang panginoon,” sabi ni Chad.

Sinegundahan naman siya ni Sheela sa kanyang sagot, “Hindi alam ng lahat ang mga pinagdaanan natin, ang panginoon lang ang may alam. Kahit na anong mangyari susuportahan kita.”

Para naman kina Jimmy and Kring, tinanong sila ni Doc Julian Montano about what did the couple learn from their experience in the process when they joined I Do.

Jimmy answered, “We try to share our emotions and our thoughts more that’s why we are stronger now. I have also learned how to forgive.”

Kring’s answer was, “Hindi tayo ipinanganak sa mundo para mag-isa. Maging bukas po tayo sa pagbabago at sa pag-ibig.” She faced Jimmy and said, “Mahal na mahal kita. Thank you very much for being an answer to my prayer. You are the first and last man that I will love. There will be no other man that I will love more.”

Sa kalagitnaan ng palabras, nagkaron ng biglaang announcement na maliban sa mapapanalunang premyo ng I Do grand couple, meron din makukuhang P500, 000 ang runner-up na couple.

Kinanta rin ni Juris Fernandez ang official “I Do” theme habang tinatally ang scores pagkasara ng voting for the grand couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang ilang minutong paghihintay, in-announce na ni Laurenti Dyogi ang percentage ng nanalong couple. Bumaba man ito sa 56.8%, ang napusuan ng taong bayan para maging kauna-unahang I Do winner ay ang power couple na sina Jimmy at Kring.

Ang huling mensahe nina Kring para sa mga couples na nangangarap rin magkaron ng happy every after katulad nila ay, “Lagi po tayong maniwala sa true love because true love waits. Laging ipagdasal ang magiging future partner. At importante ang pamilya sa isang relationship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN