Barbie Forteza parang nasa awards night daw sa bagong seryeng ginagawa

by Rommel R. Llanes Video: NMI Multimedia
Nov 29, 2019
Ipinagmamalaki nina Barbie Forteza (pangalawa mula kanan) at Kate Valdez (pang-anim mula kaliwa) ang makasama sa cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ang big-name stars, na tulad nina (mula kaliwa) Jay Manalo, Celia Rodriguez, Teresa Loyzaga, Dina Bonnevie at Snooky Serna. Kasama rin sa larawan sina Faith Da Silva (pangatlo mula kanan) at Migo Adecer (dulong kanan).
PHOTO/S: @valdezkate on Instagram

Subsob sa pag-aaral ngayon ng salitang Waray at Ilocano sina Barbie Forteza at Kate Valdez para sa kanilang roles sa bagong Kapuso teleserye na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ay ang 1984 Maryo J. delos Reyes movie na pinagbidahan nina Maricel Soriano at Snooky Serna. Ginampanan nila ang papel bilang mga anak ng original Waray at Biday na sina Nida Blanca (Inday Waray) at Manang Biday (Gloria Romero).

Sa 2019 TV version, si Barbie ang gaganap na anak ni Waray na unang ginampanan ni Maricel, habang si Kate naman ang gaganap na anak ni Biday na ginampanan naman noon ni Snooky.

Kasama rin nina Barbie at Kate sa pag-aaral ng salitang Waray at Ilocano si Max Collins, na may mahalagang papel sa serye, ayon din kay Barbie.

Bukod sa challenge ng pag-aaral ng lengguwaheng Waray at Ilocano, nao-overwhelm din daw si Barbie sa cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Continue reading below ↓

"Feeling ko lagi uma-attend ako ng awards night. Kasi talagang bigatin ang mga artista!" banggit pa ni Barbie.

Kabilang sa mga malalaking pangalan na kasama sa cast sina Celia Rodriguez, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Teresa Loyzaga, Jay Manalo, at Lovi Poe.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagmamalaki nina Barbie Forteza (pangalawa mula kanan) at Kate Valdez (pang-anim mula kaliwa) ang makasama sa cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ang big-name stars, na tulad nina (mula kaliwa) Jay Manalo, Celia Rodriguez, Teresa Loyzaga, Dina Bonnevie at Snooky Serna. Kasama rin sa larawan sina Faith Da Silva (pangatlo mula kanan) at Migo Adecer (dulong kanan).
PHOTO/S: @valdezkate on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results