Ejay Falcon cast as prison inmate in MMK episode commemorating Yolanda anniversary

In an upcoming episode of MMK, Ejay Falcon is cast as a Tacloban inmate who did his best for his family when super typhoon Yolanda struck their province. Sharmaine Arnaiz is cast as his mother in this episode commemorating the anniversary of super typhoon Yolanda.



Ngayong Sabado, November 8, isang espesyal na episode ang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya kung saan bida si Ejay Falcon.

“Sobrang blessed ako. And pressured din po kasi napaka-special nitong episode na ito,” sabi ni Ejay nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng drama anthology ng ABS-CBN na ginanap kahapon, November 11, sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.

“I’m happy na ako ang napili nila para gampanan 'yong role ni Jomar. Kahit mahirap, talagang ginawa naming lahat para mapaganda ‘yong story.”

Ang naturang MMK episode na ito ay magbibigay-pugay sa likas na kabutihang loob ng mga Pilipino sa pamamagitan ng nakakaantig na kuwento ni Jomar, isang preso sa Tacloban na ginawa ang lahat para sa kanyang pamilya at kapwa nang manalasa sa kanilang probinsiya ang bagyong Yolanda.

Noong mawasak ang isa sa mga gate ng kulungan dahil sa bagyo, agad na inalala ni Jomar ang kanyang mga kaanak. Kung kaya’t gumawa siya ng paraan upang hanapin at iligtas ang mga ito.

Pero sa kasamaang palad, kabilang sa mga nasawi sa hagupit ng bago ang ina at tatlong kapatid ni Jomar.

Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagluluksa ay nanaig ang pagmamahal sa kanyang pamilya.

Matapos mailibing ang mga ito, ginawa pa rin ni Jomar ang nararapat… ang sumuko at bumalik sa kulungan.

Kasama ni Ejay ng special episode na ito ng MMK sina Sharmaine Arnaiz, Lito Pimentel, Art Acuña, at iba pa.

Mabigat ang storya. Gayundin ang role ni Ejay.
Nagkaroon ba siya ng pagkakataon na makilala at makausap si Jomar?

“Wala. Wala na po. Hindi kami umabot sa gano’n.
“Kasi biglaan lang din, e. Biglaan lang din kaming nag-taping, e.

“Pero matagal na itong naka-block off actually. December last year nang ibinigay sa amin ‘yong research.

“Dapat no’ng January, magti-taping kami. And then nag-decide sila na parang… gawin sa anniversary ng Yolanda.

“Tapos, siguro ‘yong mga preparations na ginawa ko dito… kasi di ba napapanood naman natin sa news at nababasa natin ‘yong nangyari sa Yolanda.

“And do’n nakahugot po ako. At sa tulong ni Direk, sinasabi niya sa akin kasi nakilala niya talaga ‘yong tao.

“So ‘yon… ikinuwento niya sa akin na ganito-ganito siya. At nakatulong iyon sa akin nang sobra.”

Kung magkakaroon ng pagkakataon, gugustuhin pa rin daw niyang ma-meet nang personal si Jomar sa mga darating na panahon.

“Oo. Gusto ko talaga.

“Actually sinabi ko sa mga taga-MMK, sana ma-meet ko. Sana makapunta ako ng Tacloban at ma-meet ko talaga siya.

“Kasi no’ng time ng taping, parang ako ‘yon, e. Parang ako na talaga si Jomar, e.

“Dala-dala ko ‘yong character and sobrang naaawa ako sa kanya. Kung makakatulong ako, sana makatulong ako sa kanya.”

Ano ang naging epekto sa kanya ng pagpu-portray ng character ni Jomar at sa kuwento ng naging buhay nito?

“Mas lalo ko pong minahal ang pamilya ko. Iyon po ang naging epekto sa akin.

“Kagaya ko kasi, gano’n din kaimportante kay Jomar ang kanyang pamilya. Kaya ‘yong sakit na naramdaman niya nang mamatay ang mga ito noong kasagsagan ng bagyo, talagang parang nawalan na rin siya ng buhay, e.

“Iniisip ko nga, kaya rin siguro siya bumalik sa kulungan, kasi wala na siyang pamilyang babalikan. Parang namatay na rin siya.

“Hindi ko alam kung iyon talaga ang reason. Pero para sa akin, puwedeng iyon ang naging rason niya sa pagbalik sa kulungan.

“Kasi para na rin siyang namatay sa pagkawala ng pamilya niya.”

Madugo raw ang naging taping nila para sa special episode na ito ng MMK. Dalawang araw lang normally ang ginugugol sa para sa isang episode nito.

“Pero inabot apat na araw ang taping namin. Pero sulit naman lahat ng pagod at hirap namin.

“Kasi isang napaka-espesyal na episode ang mapapanood ng lahat. At masaya po ako na naging bahagi nito,” panghuling nasabi ni Ejay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN