Sunday PinaSaya not axed, says insider: "Hindi naman kami tinanggal."

by Rommel Gonzales
Dec 8, 2019
APT Entertainment line producer Rams David (not in photo) reiterates that end of blocktime contract with GMA-7 is the primary reason why Sunday PinaSaya will go off air after four years: "Hindi naman kami tinanggal, tinapos yung kontrata. Umabot po kami ng four years and four months.”

Kinumpirma na mismo ni Rams David na sa December 29 ang huling episode na eere ang Sunday PinaSaya (SPS).

At para malinawan ang kung anu-anong naglalabasang balita tungkol sa pagtatapos sa ere ng naturang Sunday musical variety show, sinagot ni Rams ang mga katanungan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali sa Studio 7 ng GMA Network kung saan ginaganap ang live programming ng SPS.

Ano ang unang naging reaksyon ni Rams noong nalaman niyang aalisin na nga ang SPS?

Lahad niya, “Ano naman e, parang… alam naman namin kasi it’s contract, contractual kasi yung show.”

Talaga raw magtatapos na ang kontrata ng SPS sa GMA ngayong Disyembre.

Blocktimer ang SPS sa Kapuso Network dahil produced ito ng APT Entertainment, Inc. kung saan isa sa mga namumuno si Rams.

Dagdag niya, “So it’s a finished contract, so okay lang.

"Hindi naman kami tinanggal. Tinapos yung kontrata.

"Umabot po kami ng four years and four months.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon ang talagang duration ng kontrata nila sa GMA?

Aniya, “Yes, iyon yung latest. Ikaapat na taon. Na-extend pa kami ng ilang buwan.”

NETWORK DECISION

Dahil consistent na mataas ang rating ng SPS, hindi ba sila nagulat na sa kabila ng tagumpay ng show ay aalisin pa rin sila?

Saad niya, “Siyempre, it’s up to the network, e—kung ano yung plano nila.

"So we respect their decision naman, so okay lang naman.

"Happy kami na tumagal na kami ng ganung maraming taon, at marami kaming napasaya.

“That’s important, e. Yung nabigay namin yung maganda sa viewers.

“At tsaka tumatak sa kanila, na minsan sa buhay nating lahat sa Pilipinas, may isang Sunday PinaSaya na lumabas sa television for four years or more than four years na nagpasaya sa kanila.”

PRODUCTION MEETING

Nag-meeting raw ang production at ang mga artists ng SPS dahil sa napipintong pagkawala sa ere ng kanilang show.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkumpirma niya, “We had a meeting.

"Nag-meeting kami two weeks ago, three weeks ago para i-announce.

"Kasama rin si Mr. Tuviera, since si Mr. Tuviera ang Chairman.”

Si Antonio P. Tuviera ang head ng APT Entertainment, Inc.

TEARFUL FAREWELL

May iyakan daw na naganap sa naturang meeting nila.

Pagsang-ayon ni Rams, “Well, siyempre naiyak din kasi sabi nga, parang may nagsabi na four years mahigit... it’s like attending a school year, na high school or college.

"Yung apat na taon kayong magkakasama, so…”

At ngayon ay “graduation” na.

“Oo, di ba? Pag ganun, pag high school lalo o kaya college, nakakaiyak talaga pag maghihiwa-hiwalay,” tugon niya.

Si Ai-Ai delas Alas daw ang umiyak nang bongga. Totoo ba ito?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Kasi siyempre siya yung nanay-nanayan namin dito.

"Siya yung… she’s the Comedy Queen, so talagang…”

Si Ai-Ai nga ang isa rin sa mga unang nakaalam na mawawala na sa ere ang SPS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Rams, “Kasi sila naman, alam naman nila lahat ang kontrata nung show, e.”

PLANS FOR DISPLACED STARS

Kailan sinabi sa kanila na aalisin na ang SPS?

Lahad niya, “Based naman sa contract, one month before mag-expire, sasabihin naman kung mae-extend.”

Sinabihan sila one month before, bale November.

Paano ang mga artists ng SPS?

“Hindi ko alam kung… yung iba siguro kukunin din sila for the new show,” pakli niya.

May show na papalit sa SPS although wala pang kumpletong detalye tungkol dito.

Si Marian Rivera na headliner ng SPS along with Ai-Ai and Alden Richards ay may bago nang show.

“Marian is doing First Yaya, it’s a new soap, first quarter of 2020.”

Si Marian ay talent ng All Access to Artists o Triple A headed by Rams.

Si Alden naman ay patuloy na napapanood sa The Gift.

LIMITED BLOCKTIME SLOTS

Tinanong namin si Rams kung maglalagay ba ng show ang APT sa ibang timeslot, sa ibang araw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala pang offer ang GMA for a line production. Sana, sana bigyan ulit kami ng GMA,” nakangiting sinabi pa ni Rams.

Totoo ba na ayaw na ng GMA ng line production o blocktimer?

Saad niya, “Hindi ko alam.

"Parang hindi naman, kasi nagpapa-blocktime pa rin naman sila kung may slot sila, kung meron silang airtime.

"Pero mukha ngang limited na.

“It’s limited lang talaga.”

Samantala, hindi kasama sa options nina Rams na ilipat sa ibang TV station ang SPS.

“Wala, wala naman kaming ganung plan,” paninigurado niya.

MMFF 2019 COMPETITION

Samantala, hiningan namin ng reaksyon si Rams sa banggaang Vic Sotto at Maine Mendoza (Mission Unstapabol: The Don Identity) at Vice Ganda at Anne Curtis (The Mall, The Merrier) sa Metro Manila Film Festival ngayong December.

Sabi niya, “Ah, masaya! Actually, ang winner dito ay ang viewers natin, e—yung mga bata.

“Sila yung panalo dito. Kasi they will surely enjoy the Christmas season, the Christmas break. Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So sana tangkilikin nila lahat ng pelikulang Pilipino lalo na ngayong Pasko kasi sila talaga yung mag-e-enjoy.

“It’s a family movie, especially Mission Unstapabol.

"Nakita ko na yung some parts of the movie. Tawa po ako nang tawa!

“It’s a good material, great direction, good acting, ang ganda ng ensemble, ang ganda!”

Sa direksyon ni Mike Tuviera, ang Mission Unstapabol: The Don Identity ay mula sa APT Entertainment at M-ZET TV Productions.

Nasa cast rin sina Pokwang, Jake Cuenca, Jean Garcia, Lani Mercado, Jose Manalo, Wally Bayola, Tonton Gutierrez, Arci Muñoz at Pauleen Luna at mapapanood ito sa mga sinehan simula December 25.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
APT Entertainment line producer Rams David (not in photo) reiterates that end of blocktime contract with GMA-7 is the primary reason why Sunday PinaSaya will go off air after four years: "Hindi naman kami tinanggal, tinapos yung kontrata. Umabot po kami ng four years and four months.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results