Maxene Magalona enjoys "new environment" in ABS-CBN; doesn't mind playing kontrabida in Kapamilya soap

Maxene Magalona was cast as a nurse-rapper in Maalaala Mo Kaya and now she plays a kontrabida in the upcoming Kapamilya teleserye Dream Dad.



Sa November 24 na magsisimulang umere ang bagong primetime series ng ABS-CBN na Dream Dad.


Bida rito sina Zanjoe Marudo at ang bagong Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.

Kasama rin sa cast ng teleseryeng ito si Maxene Magalona. Ito ang unang teleserye niya sa Kapamilya Network.

“I play the role of April Mae. Sa story ay katrabaho ko si Zanjoe at talagang type ko siya lalo na naging presidente siya ng kompanya kaya gagawin ko lahat para makuha siya,” bungad na pahayag ni Maxene nang makausap kahapon, November 13, sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Okay lang ba kay Maxene na sa first teleserye niya sa Kapamilya Network ay kontrabida siya?

“Yes! Okay na okay sa akin.

“Kasi dapat huwag tanggihan ang work. Dahil blessing talaga ‘yan.

“And, of course, excited akong magtrabaho talaga, e.

"At saka talagang sobrang motivated akong magtrabaho now that I’m in a new environment. I’m with new co-actors.

“Alam mo ‘yong feeling na parang it’s your first day in school again. ‘Yong gano’n ‘yong excitement. Parang gano’n.”

Pero kapag kontrabida ang ginagampanang role ng isang artista, kinamumuhian ng viewers.

“Okay lang sa akin ‘yon. Kasi kung walang kontrabida, wala ring kulay, walang problema, walang ano…

“And para sa akin, okay lang talaga sa akin na maging kontrabida dahil ako ‘yong dapat huwag tularan ng mga taong naonood.

“Ako ‘yong magbibigay ng example na dapat huwag nilang tularan. And dapat i-avoid nila.

“Pangalawang beses ko nang mag-portray ng kontrabida role. Kasi dati ay nag-kontrabida na rin ako sa kabila [referring to GMA-7].

“Mas bad ‘yong character na unang ginampanan ko dahil nananakit ako ng mga bata. Dito sa Dream Dad, malandi lang ako at maarte.

“Hindi ko akalain na malalagay na ako agad-agad sa isang bagong show ng ABS. Kaya sobrang thankful ako, sobrang happy.

“Kasi… gano’n. Hindi ko naman talaga kasi… wala po akong contract. I’m not under contract so nandito ako."



PLAYING A NURSE-RAPPER. Last November 8, napanood ang former Kapuso star sa drama anthology show ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya.

“Guesting-guesting hanggang sa in-offer-an nila akong mag-MMK which I also auditioned for.

“Nag-audition din po ako para sa MMK na story tungkol sa isang nurse rapper.

“At ginawa ko na ‘yon. At ‘yon… napakalaking blessing na napakaganda ng feedback.

“And… iyon, eto na. Napunta na ako sa Dream Dad.”

Walang inalok na kontrata sa kanya ang ABS-CBN.

Pero bakit nag-decide pa rin siya na lumipat at iwan ang GMA Network?

“I want to grow as an artist. I want to explore.

“Gusto ko pang gumawa ng mas marami pang roles. At mas makatrabaho ang mas marami pang artista.

“Para rin… alam mo ‘yon? For a change of scenery.”

Since wala siyang contract na pinirmahan sa Kapamilya Network, open pa rin siya na gumawa ng project sa ibang istasyon o production outfit?

“Well para sa akin, I wanna focus muna dito sa ABS. Pero in the future… siyempre work is work.

“Blessing pa rin ‘yan kaya para naman sa akin.

“Ever since, as long as the script is good, the role is good, and the show is good, talagang hindi ako tatanggi. Gagawin ko.”

Per project daw ang usapan nila ng management ng ABS-CBN. May career program bang inilatag sa naging pag-uusap nila?

“Hindi ko alam, e. Parang more of ano lang siya… parang go with the flow.

“Let’s go with the flow. Ganyan.”

Bukod kay Zanjoe, sino pa sa ibang Kapamilya actors ang gusting-gusto din niyang makatrabaho?

“Sino ba?” saglit na nag-isip si Maxene.

“Si Papa P [Piolo Pascual] nakaka-excite!” sabay ngiti niyang sabi.

“Kasi parang everytime nakikita ko siya talagang ang guwapo-guwapo niya. At napakagaling din niyang umarte.

“Of course, John Lloyd [Cruz]… hindi mawawala. Kasi fan na fan ako ni John Lloyd.

“Pinapanood ko ‘yong movies nila ni Bea Alonzo. At talagang gusto ko ring siyang makatrabaho in the future.”

Unang teleserye nga ni Maxene ang Dream Dad sa paglipat niya sa ABS-CBN. Kumusta ang first day of work niya para rito?

“Nakakakaba. Pero at the same time, ‘yon… nakaka-excite.

“Kinabahan ako pero at the same time parang… sanay na rin naman ako sa taping.

“Pero siyempre it’s a new environment. And it’s a new network.

“Kaya… noong una nakikibagay muna. Kinakapa-kapa ko ‘yong mga tao.

“And the ‘yon… naging totoo lang ako. Naging kung paano lang talaga ako sa totoong buhay, kung sino talaga ako sa trabaho.

“And I try my best na makipag-bonding sa kanilang lahat. Kasi siyempre mas gagaan ang trabaho kung lahat kayo okey sa set at lahat kayo bonded, lahat kayo close.

“And saka ano ako, e… I’m easy to get along with. I’m easy to work with.

“I like meeting new people. And I like making new friends.

“Kaya any opportunity na makakilala ako ng mga bagong tao, I welcome it. Kasi marami akong natututunan sa lahat ng mga taong nakikilala ko.

“Kaya talagang lahat ng tao na nakakatrabaho ko, marami akong natututunan sa kanila.”

Paano naman ang naging reception sa kanya ng mga bago niyang katrabaho?

“Ay, napakabait nila lahat,” sabat ngiti ulit ni Maxene.

“Lalo na ‘yong production staff and the crew. Everyone.

“Noong una pa lang na nag-MMK pa lang ako, talagang alagang-alaga. And talagang everyone was professional and warm.

“Sobrang warm. I feel so blessed na ang warm ng pagtanggap sa akin hindi lang ng co-actors ko or ng production. Ng mga boss ko.

“Hindi lang sila. Kundi lahat ng Kapamilya viewers.

“Nakakatuwa eveytime na nababasa ko ‘yong mga comments nila. ‘Yong mga feedback nila.

“Lahat po sila parang tuwang-tuwa na nandito ako, which is nakakataba ng puso.

“Kasi like I always say… evertime I do something, everytime magtrabaho ako, umarte ako or may gawin akong desisyon sa buhay ko, wala akong ini-expect.

“Kasi ayokong mag-expect. Kumbaga ginagawa ko kung ano ‘yong gusto kong gawin dahil iyon ang gusto ko at ginagawa ko iyon para sa sarili ko.

“At kapag nakakuha ako ng maganda response at nakakuha ako ng magandang feedback, sobrang bonus iyon para sa akin.

“Pero hindi ko ini-expect. Never kong ini-expect po na tatanggapin ako nang ganito kainit at kasarap ng feeling ng mga Kapamilya viewers.

“Hindi ko in-expect iyon. Pero no’ng nakita at naramdaman ko kung gaano ka-warm ‘yong welcome nila sa akin… ang sarap ng feeling!

“Parang talagang it’s a new family, e. It’s a new environment and I’m so happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN