I-Witness kicks off 15th anniversary with Kara David’s Hindi Bulag Ang Puso documentary

Isa sa pinakamatagal na public affairs program sa telebisyon ngayon ang I-Witness. Sa kanilang 15th anniversary, magpapalabas ang show ng mga life-changing episodes simula November 15, 10:30 p.m., sa GMA-7.


Bukas, November 15, mapapanuod sa I-Witness ng GMA-7 ang Hindi Bulag ang Puso.

Ito ay dokumentaryo ni Kara David na kinunan sa Baguio kung saan inalam ng award-winning host ang mga balakid ng isang guro at ng kanyang mga estudyanteng hindi nakakakita.

Ang kuwentong ito ang magsisilbing pambungad sa apat na de-kalibreng dokumentaryo ng palabas bilang bahagi ng kanilang 15th anniversary sa telebisyon.

Kuwento ni Kara, “Pagdating ko pa lang dun sa Baguio, tapos niyakap na ako ng mga batang bulag, tapos lahat sila, ‘Ate Kara,’ tapos inaamoy-amoy nila ako. Kasi 'di ba hindi sila nakakakita.

"So they’re trying to figure out kung maganda ba ako, mabait ba ako, ganyan, or whatever.

“Inaamoy-amoy nila yung buhok ko, hinahawak-hawakan nila yung mukha ko. Ganun, ganun.”

Photo from GMA Network website

May isa pa daw siyang batang nakilala doon na ang tayog-tayog daw ng kanyang pangarap kahit ito ay bulag.

Nakausap ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) si Kara kasama sina Jay Taruc at Sandra Aguinaldo sa pocket presscon ng I-Witness kaugnay sa selebrasyon ng kanilang 15th anniversary.

Ginanap ang pocket presscon sa 17th Floor ng GMA Building kahapon, November 13.

I-WITNESS JOURNEY. Nagsimula ang I-Witness sa telebisyon noong taong 1999. Noong panahong yun, hindi pa masyadong nauuso ang mga dokumentaryo sa telebsiyon.

Mula noon hanggang ngayon, nakapagpalabas na ang I-Witness ng halos 800 istorya, kung saan nilalayon ng mga ito na maipahayag ang katotohanan sa bawat sitwasyon o mga taong sangkot sa tinatalakay na kuwento.

Marami na ang mga naging hosts ng programa mula ng ito’y nagsimula. Pero sa ngayon, sina Kara, Jay, Sandra, at Howie Severino na ang nagsisilbing main hosts nito.

Ano ba ang pinaka-hindi nila malilimutang dokumentaryong nagawa nila para sa show?

Kuwento ni Kara, “Yung Mindoro series, kasi parang naging second home ko na ang Mindoro, e. Anything with the Mangyans, the Mangyan tribe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung first docu ko, yung Gamu-gamo sa Dilim, mga Mangyan yun, its in Bansod Mindoro, Oriental. Tapos, sobrang napamahal sa akin ang isang bata doon, ginawa ko siyang scholar, at siya yung naging daan para magtayo ako ng foundation.”

Nalaman din daw ni Kara na hindi lang ilaw ang problema sa naturang lugar kundi yung tungkol sa kalusugan. Kaya gumawa naman siya ng dokumentaryong Ambulansiyang de Paa.


Ang documentary na ito ay nakatamo ng prestigious George Foster Peabody Award sa New York noong 2010.

Magpa-hanggang ngayon ay binababalik-balikan daw niya ang naturang lugar upang makasama ang mga Mangyan tuwing Pasko.

Ang pangatlong dokumentaryo niya sa mga Mangyan sa parehong lugar ay ang Liwanag sa Dilim kung saan nagdala sila ng mga solar panels upang makatulong sa pagpapa-ilaw sa kanilang pamayanan.

JAY AND SANDRA. Ibinahagi naman nina Jay at Sandra ang kanilang hindi malilimutang episode na ginawa para sa show.

Saad ni Jay, “Sa akin, palaging tinatanong sa akin kung anong lasa nung kinain kong basura. Naalala nila yung basurero, yun yung tumatak sa kanila, e.

“Nangyayari naman talaga hindi lang sa Cubao. Actually pinatikim lang naman, hindi naman ako binigyan ng isang tumpok. Binigyan lang ng kaunti, parang isang subo.”

Ang tinutukoy ni Jay ay ang pagpag, na karaniwang nagmula sa mga itinapon ng pagkain at iniluluto ng mga namumulot ng basura.

Ayon naman kaya Sandra, marami daw siyang paborito sa mga nagawa niyang dokumentaryo para sa show.

Kuwento niya, “Ang lagi ko naiisip, top of mind, ito yung Tuna at Ginhawa, ito yung mga mangingisda sa Pacific Ocean na sinamahan namin.

"Medyo nag-overnight din kami dun sa Pacific Ocean so makikita mo talaga yung experience so siguro, natatandaan ko siya, dahil sa adventure namin.

“Minsan, may mga episodes din na naapektuhan ka katulad nung Pasan-Pasan, ito yung mga batang walang kamay, walang paa. Pero nag-aaral."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN