Bianca Umali na 10 taon nang Kapuso, muling pumirma ng kontrata sa GMA Network

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Dec 12, 2019
Muling pumirma ng kontrata si Bianca Umali sa GMA Network na naging "tahanan" na ng aktres mula pa noong nagsimula siya sa showbiz nung taong 2009.
PHOTO/S: @kapusoprgirl, Instagram

Muling pumirma ng kontrata si Bianca Umali sa GMA Network.

Nasa contract signing sina GMA Network chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, EVP and CFO Felipe Yalong, SVP for Entertainment Group Lilibeth Rasonable, AVP for Talent Imaging and Marketing Simon Ferrer.

Sampung taon nang Kapuso si Bianca na nagsimula ang career bilang isa sa mga host ng Tropang Potchi nung 2009.

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki ng mga namumuno ng GMA si Bianca dahil sa recent achievement nito.

Napili si Bianca na maging bida sa third season ng HBO Asia-produced series na Halfworlds kunsaan gagampanan ng Kapuso actress ang papel ng isang half-human, half-engkanto na maghahanap ng isang mahiwagang halaman na gagamot sa pagkauhaw ng mga engkanto sa laman ng tao.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Co-producer ng HBO Asia ang Filipino media and telecommunications firm na Cignal Entertainment.

Sa mga naunang seasons ng Halfworlds, kinunan ang mga eksena sa Jakarta, Indonesia. Para sa pagbibidahan ni Bianca na third season, sa Pilipinas kukunan ang lahat ng eksena at ididirek ng Eerie at Dead Kids director na si Mikahil Red.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling pumirma ng kontrata si Bianca Umali sa GMA Network na naging "tahanan" na ng aktres mula pa noong nagsimula siya sa showbiz nung taong 2009.
PHOTO/S: @kapusoprgirl, Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results