Yasmien Kurdi sets her limitations in doing provocative scenes

by Rommel Gonzales
Dec 14, 2019

After 17 years ng pagiging Kapuso, ginawaran si Yasmien Kurdi ng “star” sa Kapuso Walk of Fame nitong December 12, 2019, sa walkway ng GMA Network.

“Nalaman ko lang siya last month. Noong nalaman ko, siyempre, masayang-masaya ako, na-excite ako, and malaking karangalan po ito para sa akin,” sambit ni Yasmien nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naturang event.

“I’m very much humbled and very much honored na binigyan po ako ng bituin ng aking network, ang Kapuso Network, and very happy.”

Sa batch nila ng StarStruck Season 1, sino pa ang meron na?

“Hindi ko pa rin po alam, kasi nung panahon na nag-ano ako… nung 2014 po yata yun or 2013, nagbukas sila nun, marami silang binigyan na Kapuso stars na Walk of Fame.

“Hindi ako kabilang nung time na yun doon, so hindi ko rin po alam kung sinu-sino yung nagkaroon.”

What makes her a loyal Kapuso?

Continue reading below ↓

“Siguro po yung pagmamahal po sa akin ng aking network, ang aking nanay-nanayan dito sa network, mga nanay-nanayan at talagang yung pagmamahal na binibigay nila sa akin talagang…

“Kaya sinusuklian mo rin ng pagmamahal, di ba? Hindi ka naman nila pinapabayaan, so I’m really happy.”

EXPANDING HER CAREER

Ano pa gusto niyang gawin sa career niya?

“Gusto ko pong lumabas din minsan doon sa… gusto kong mag-expand ng career ko,” ani Yasmien.

“Kasi, it’s all TV, puro ako TV, di ba? Iyung pagkanta ko, nawawala na.

"I guess I want to focus more on those aspects na hindi ko na… nakakalimutan ko na po.

“My last movie was year 2009 pa. Bahay Kubo.”

Ni isang indie film ay hindi pa siya nakagawa.

“Hindi pa po ako nagmu-movie for how many years na.

"So, nag-focus po ako more on TV talaga. Puro ako TV, TV, TV shows, ganun.

“Singing career ko… my last album was year 2007 pa.

Continue reading below ↓

"So, ganun katagal na po yung nakalipas na panahon, nag-focus ako more on TV.

“So I guess, in 2020, yun yung mga bagay na I think kailangan ko munang tuunan ng pansin.

“Kasi, nakakalimutan ko na siya, na once naging movie actress din ako, naging singer din ako...”

Halimbawang may offer sa kanya na indie at napakababa ang talent fee, willing ba siya?

“Kung maganda naman po yung role and talagang panlaban siya, 'tapos parang very promising siya, e, di…”

Kung sexy yung role?

“My gosh! Baka masuka sila!” at tumawa ang Beautiful Justice star.

Bakit?

“Hahaha! Nakakaloka!”

Sa indie films, madalas na matitindi ang violence, sexiness, o love scenes. Payag si Yasmien?

“I guess, kailangan din akong mag-hold back sa ganyan. Kasi, meron din akong baby na ayoko rin naman na gayahin niya yung mga ginagawa ko.

“If ever na gawin ko yun, gusto kong maging magandang halimbawa sa kanya.”

Continue reading below ↓

Anong role ang gusto ni Yasmien in particular?

“Gusto ko yung mga palaban, yung woman empowerment, mga ganun. Yung nakakaangat na babae, ganyan.”

Payag ba siya na psychotic ang role or serial killer?

“Okay lang, no problem.”

Paano kung lesbian film?

“Okay lang.”

Makikipaghalikan siya sa kapwa babae?

“Huwag na lang muna yun, ‘wag na lang muna yun.”

Halimbawang sila ng kaibigan niyang si Jennylyn Mercado ang bida sa isang pelikulang tomboyan?

“Kung papayag siya. Charot! Hahaha!”

RELATED STORY

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results