Kapuso stars inducted in GMA-7 Walk of Fame

by Ruel J. Mendoza
Dec 14, 2019
Aicelle Santos, Roi Vinzon, Yasmien Kurdi, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, and Kris Bernal are among the celebrities included in the Kapuso Walk of Fame 2019.
PHOTO/S: Ruel Mendoza

May sarili ng Walk of Fame ang Kapuso network na matatagpuan sa sidewalk ng GMA Annex Studios sa GMA Drive, Quezon City.

In-unveil ang Kapuso Walk of Fame noong December 12 kung saan higit na 20 celebrities and news personalities ng GMA 7 ang binigyan ng sarili nilang bituin ng network.

The unveiling led by GMA Chairman and CEO Felipe L. Gozon was joined by Kapuso stars Carmina Villarroel, Roi Vinzon, Aicelle Santos, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Yasmien Kurdi, and Kris Bernal.

Present din ang mga taga-GMA News and Public Affairs' broadcast journalists na sina JP Soriano, Emil Sumangil, Oscar Oida, at Lala Roque.

Sa naganap na media launch, sinabi ni Atty. Gozon na ang mga pinili nilang bigyan ng stars ay deserving at may mga nagawa para maging inspirasyon sila sa maraming tao.

"Dadating ang panahon, maapupuno ang mga sidewalks na yan. Siyempre yung mga talagang sikat at deserving. Yung mga papunta palang doon, aantayin natin," sabi ng Kapuso executive.

Continue reading below ↓

Ang iba pang stars na kasama sa bagong Kapuso Walk of Fame ay sina Ai-Ai delas Alas, Gabby Concepcion, Miss World 2013 Megan Young, Dion Ignacio, Atom Araullo, at Rovilson Fernandez.

IN THE FOOTSTEPS OF KUYA GERMS

Sa pamamagitan ng proyekto na ito, tinuloy ng GMA-7 ang sinimulan ng yumaong Master Showman German "Kuya Germs" Moreno noong 2014.

Nakapaligid sa GMA Network Center ang 196 metal stars na may pangalan ng mga celebrities at news personalities na naging bahagi ng Kapuso network sa matagal na panahon.

Extension ito ng sinimulan ni Kuya Germs sa Eastwood Walk of Fame na ini-launch sa Eastwood City sa Libis, Quezon City, noong December 1, 2005.

May higit na 350 names ng actors, actresses, directors, singers, TV hosts, film and TV producers, writers, newscasters, musicians, theatre actors, radio personalities, at athletes ang kabilang sa Eastwood Walk of Fame.

Masayang-masaya ang veteran actor na si Roi Vinzon dahil noong maging exclusive artist siya ng GMA-7, binigyan siya ng iba't ibang roles na ikinatuwa niyang gawin.

Continue reading below ↓

Sabi niya, "Noon kasi, isang role lang ako parati, kontrabida. When I set foot on GMA-7, pati role ng isang gay ay pinagawa sa atin.

"I'm happy to do all kinds of role and dito lang sa GMA-7 nangyari iyon. That's why this star means so much to me, just like the roles na binibigay nila sa akin."

Hindi rin makapaniwala ang newlywed na si Aicelle Santos-Zambrano dahil sa binigay na star sa kanya.

Home-grown talent ng GMA-7 si Aicelle dahil sa pagsali at pagiging runner-up niya sa Pinoy Pop Superstar in 2005. Last year ay gumanap siya as Gigi Van Tranh sa Miss Saigon U.K. tour.

Aniya, "Natuwa ako noong sabihin nila na may star na ako sa Kapuso Walk of Fame.

"It only means na pinahahalagahan ng GMA-7 ang mga katulad naming mga talents na naghahatid ng saya sa maraming Kapuso here and abroad."

Nakangiting dagdag pa ni Mrs. Mark Zambrano, "Magandang gift ito sa akin ngayong Pasko."

Continue reading below ↓

Bale pangalawang star naman ito ni Kris Bernal dahil nabigyan na siya noon ng star ni Kuya Germs sa Eastwood Walk of Fame in 2017.

Produkto si Kris ng original reality artista-search ng GMA-7 na StarStruck. Nanalo si Kris bilang Ultimate Loveteam sa StarStruck Season 4.

Lahad ni Kris, "Nakakataba ng puso dahil resulta ito ng hard work na binigay naming lahat para sa GMA-7.

"Yung makita mo ang name mo among other Kapuso stars, naiiyak ako sa tuwa because this network has been so good to all of us.

"Kaya ang sarap ng feeling na importante ka sa kanila."

Ang StarStruck Season 1 First Princess at Drama Princess ng GMA-7 na si Yasmien Kurdi ay artistang-artista ang feeling dahil sa kanyang star sa Kapuso Walk of Fame.

Bulalas ni Yasmien, "Feeling Hollywood star ako dahil sa pangyayaring ito!

"Nakaka-excite na makita ang name mo na nakaukit sa tabi ng TV network kunsaan ako nagsimula at buuin ang pangarap kong maging artista.

Continue reading below ↓

"I am so thankful to GMA-7 sa pag-aalaga nila sa aming lahat, especially sa mga magagandang projects na binibigay nila sa amin."

Ang BiGuel love team naman nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na kapwa nagsimula bilang mga child actors sa Kapuso network, ay forever magpapasalamat sa pagkakasama nila sa Kapuso Walk of Fame.

Kuwento ni Bianca, "I've been with GMA-7 for 10 years. I was only eight years old noong magsimula ako dito.

"Ito na ang naging second home ko at dito rin ako nabigyan ng big opportunities sa aking career."

Pasasalamat pa ni Bianca na magbibida sa HBO Asia series na Halfworlds Season 3, "I will forever be thankful dahil naging Kapuso ako."

Pagmamalaki naman ni Miguel, "Tulad ni Bianca, bata pa lang ako ang GMA-7 na ang nakamulatan kong parang ikawalang pamilya ko.

"I was only five years old that time and habang lumalaki at nagkaka-edad tayo, nandiyan pa rin ang GMA-7 at tuloy ang pagbigay sa atin ng magagandang projects.

Continue reading below ↓

"Kaya big deal itong makasama sa Kapuso Walk of Fame kasi ibig sabihin ay may narating na tayo sa career natin."

RELATED STORY

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aicelle Santos, Roi Vinzon, Yasmien Kurdi, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, and Kris Bernal are among the celebrities included in the Kapuso Walk of Fame 2019.
PHOTO/S: Ruel Mendoza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results