Bianca Umali prepares continuously for HBO series Halfworlds even during the holiday season

by Rommel Gonzales
Dec 16, 2019
Bianca Umali on Sunday Pinasaya, which will air its finale on December 29, 2019: "Iba siya compared to the other Sunday shows na na-experience namin."

Tuluy-tuloy ang training ni Bianca Umali para sa HBO Asia series na Halfworlds ngayong Kapaskuhan.

Ang karakter niya ay isang engkanto na may powers at may fight scenes si Bianca sa Hollywood series na ito.

“Nagpe-prepare pa rin po ako, we have so much… and also yun nga po, for the new show and madami.”

Patapos na ang taong 2019. Ano ang pinakamagandang nangyari kay Bianca this year?

Sahaya, and, of course, yung matanggap ko yung HBO [series na Halfworlds], pero yung tapos na trabaho, Sahaya.”

Magkakaroon din si Bianca ng bagong teleserye sa GMA-7 sa papasok na 2020.

“Hindi pa po namin puwedeng i-announce but it’s primetime.”

Si Ruru Madrid na ba ang kapareha niya? Tutal ay may tsikang si Miguel Tanfelix ay ipapareha sa former ABS-CBN actress na si Kisses Delavin.

“Tanong po natin… we cannot disclose anything yet.”

Nakausap namin si Bianca nitong December 12, Huwebes, sa 17th floor ng GMA Network para sa presscon ng Kapuso Walk of Fame 2019.

Continue reading below ↓

Sa December 29 ang huling araw ng pag-ere ng Sunday PinaSaya. Ano ang nararamdaman niya sa pagtatapos ng naturang Sunday musical-variety show?

“Of course, lahat kami nalulungkot, kasi yun nga po it was a habit na for everyone, and sa Sunday Pinasaya, kasi iba siya compared to the other Sunday shows na na-experience namin.

“Kasi, sa Sunday Pinasaya, naging pamilya kami, na kami-kami lang yung magkakasama, kami-kami lang yung nagtutulungan and nakaka-miss, nakaka-miss. Kasi, totoo naman siya na talagang masaya.”

Nagulat si Bianca na magwawakas na ang SPS gayung nagre-rate nang mataas ang show.

“Yes, lahat naman po kami, lahat naman kami, hindi namin inasahan na aabot sa yun nga, matatapos na po kami ngayon.

“I am one of the newest members of the family, pero kahit na ganun, ramdam na ramdam ko po yung pagmamahal sa isa’t isa.

“Every… actually yun nga po nag-meeting na po kami lahat…”

Nag-iyakan sila sa announcement ng pagtatapos ng SPS.

Continue reading below ↓

“Yes, everyone was crying, kasi sobrang… sobra po yung attachment sa Sunday habit na Sunday Pinasaya.”

Kasama ba si Bianca sa bagong ipapalit na show tuwing Linggo?

“Hindi ko po alam, but masasabi ko pong baka hindi ninyo po ako makita doon regularly, kung kasama man po ako, because I really am doing so much for next year.”

At dahil magtatapos na ang taon, tinanong namin si Bianca kung anu-ano ang mga hindi kagandahang nangyari sa kanya sa 2019.

“2019? Madami. Mahirap i-mention, pero madami, hindi lang yun isa, madami, kasi hindi ko… hindi ako magiging successful kung hindi ako magfe-fail.”

Walang New Year’s resolution si Bianca.

Aniya, “Hindi naman po sa hindi naniniwala, but matagal na po akong hindi… I’ve always been looking for resolutions or wishes, di ba po, pag birthday, ‘O, mag-wish ka muna.’

“Wala po talaga akong maisip and I realized already na kaya siguro wala akong resolutions and walang wish. Kasi, kuntento na ako sa kung ano yung meron ako at sa kung paano ako.

Continue reading below ↓

“I always say na instead of wishing for more or asking for more, I would just like to say thank you, kasi I’ve already been blessed with so much more than what I’ve asked for before.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali on Sunday Pinasaya, which will air its finale on December 29, 2019: "Iba siya compared to the other Sunday shows na na-experience namin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results