Kris Bernal reveals GMA-7 project she wants to do in 2020

by Ruel J. Mendoza
Dec 17, 2019
For her next GMA-7 project, Kris Bernal wants to do a romantic-comedy project in 2020.

Masayang-masaya ang Kapuso actress na si Kris Bernal dahil sa pagkakasama ng pangalan niya sa Kapuso Walk of Fame na in-unveil noong December 12, 2019 sa sidewalk ng GMA Annex Building along GMA Drive in Quezon City.

Nabigyan na siya ng star sa Eastwood Walk of Fame noong 2017. Kaya laking gulat niya na isinama siya sa unang batch of Kapuso stars na mabigyan ng bituin sa Kapuso Walk of Fame.

"Dahil meron na nga akong star doon sa Eastwood, natuwa naman ako na binigyan pa ako ng second star dito sa may GMA Drive.

"It only means siguro na sobra ang pagmamahal at alaga na binibigay ng GMA-7 sa amin nina Yasmien [Kurdi], Aicelle [Santos], Bianca [Umali], and the rest na nakasama sa unang batch ng Kapuso Walk of Fame.

"Forever akong thankful sa GMA dahil 13 years na ako with them since sumali at nanalo ako sa StarStruck Season 4.

Continue reading below ↓

"Never akong nawalan ng projects with them every year at magaganda silang lahat. Lalong lumalabas ang pagiging aktres ko sa mga teleserye na ipinagkakatiwala nila sa akin.

"Alam ng GMA na appreciated ko ang lahat ng projects na binibigay nila sa akin," ngiti pa ni Kris.

Kamakailan lang ay natanggap ni Kris ang parangal mula sa Gawad Amerika Foundation bilang Most Outstanding TV Actress of 2019.

Natuwa si Kris sa award na iyon dahil first time siyang makatanggap ng award para sa pagiging aktres niya sa TV.

"Nagpasalamat ako kay Lord, kasi pinagdasal ko talaga na sana, mabigyan naman ako ng award para sa hard work ko as an actress. Kaya natuwa ako na biglang may tumawag sa akin at sinabi na bibigyan ako ng award ng Gawad Amerika Foundation in California.

"Sila ang nag-asikaso ng lahat sa pagpunta ko roon. Kahit wala sa plano ko ang bumiyahe papuntang Amerika, nagkaroon ng magandang rason dahil nabigyan ako ng award na matagal ko nang hinihiling," ngiti pa ni Kris.

Continue reading below ↓

Pinost pa ni Kris ang pagtanggap niya ng award sa kanyang Instagram account:

"Thank you Gawad Amerika Foundation for this recognition, Most Outstanding TV Actress 2019. Never in my wildest dream would I ever think that I would be coming here in California to receive such a prestigious award. I am truly honored to be here alongside other brilliant awardees who best exemplify the talent, pride, and excellence of the Filipino people. I am deeply humbled and inspired. Sending hugs and kisses to all the Filipinos all over the world! Thank you for your undying love and support, for watching my shows, and appreciating my efforts. Maraming salamat po!"

Sa personal na buhay ni Kris, matatag ang relasyon nito sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi.

Three years na sila sa kanilang relasyon at marami raw na nagiging surprise sa kanya si Perry.

Next year ay may feeling si Kris na may hinahandang magandang surprise ang kanyang boyfriend.

Continue reading below ↓

"May strong feeling lang ako na may magaganap na surprise!" tawa pa ni Kris.

Ito na kaya ang wedding proposal ni Perry?

"I don't want to spoil anything, pero hihintayin ko na lang mangyari iyon.

"Nasabi ko na nga before na iba ang naging relasyon ko with Perry and I feel na he is The One.

"Kung ano man ang mangyari sa relationship namin next year, I know that it will be something good.

"Pareho naman na kaming handa and kung mangyayari nga iyon, then mas magiging maganda pa ang relasyon namin," diin pa ni Kris.

Next year din ay maraming plano si Kris para sa kanyang career sa showbiz at bilang isang businesswoman. Palalawakin niya ang kanyang social media presence at may bago siyang ilu-launch na negosyo.

"Marami akong gustong gawin na bago for 2020. I'm going to launch a new business para makatulong tayo sa maraming tao.

"Plus yung social media ko ay gusto kong lumawak pa siya. Kaya tututukan ko iyon next year para mas lumawak pa ang reach ko sa mga millennials.

Continue reading below ↓

"And, of course, hinihintay ko ang next project ko with GMA-7. After kasi ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na super mabigat, gusto ko naman sana ay parang romantic-comedy para medyo light at ma-experience ko ang makilig ulit.

"Nagkasunud-sunod kasi ang mga heavy drama projects ko like Impostora, Asawa Ko, Karibal Ko, and Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

"Sana, ang next, medyo pampakilig naman."

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For her next GMA-7 project, Kris Bernal wants to do a romantic-comedy project in 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results