Beauty Gonzales shed tears of joy upon learning she would be part of Zanjoe Marudo's new show

Beauty Gonzales feels comfortable being chosen as the leading lady of Zanjoe Marudo in ABS-CBN's upcoming teleserye Dream Dad.



Naiyak si Beauty Gonzales nang malamang hindi lang siya makakasama sa Dream Dad kundi siya rin ang leading lady ni Zanjoe Marudo sa bagong teleserye na ito ng ABS-CBN.

Kuwento ni Beauty sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi niya akalaing matapos siyang ma-pull out sa isang TV project sa Kapamilya network ay mabibigyan siya ng mas malaking trabaho.

“Nasa Paris ako, sinabi nila na I was supposed to do another show, pero pinull-out daw ako.

“Sabi ko, bakit ako pinull out, e, kailangang-kailangan kong magtrabaho.

“Siyempre, nalungkot ako the whole trip pabalik ng Manila.

“Nong pag-uwi ko na, nung ibalita nila sa akin I will be part of this project [Dream Dad], hindi ako makapaniwala, naiyak talaga ako.

“’Wow, talaga?’ Nangyayari na ito sa akin.

“Talagang thankful ako, overwhelmed, and took me days to accept na ito na talaga.”

Hindi ba siya nailang dahil leading lady na siya, at kay Zanjoe pa?

Tugon ni Beauty, “Ay, hindi, kasi I’ve worked with Zanjoe sa My Illegal Wife.

“Nung nalaman ko na siya ang katambal ko, I was excited at kampante na ako. ‘Tapos yung mga katrabaho ko, masasaya.

“Noong una lang kinakabahan ako kasi sanay ako na ‘pag sinabi ng bida na, ‘Tara!’ ako rin, tara!

“Pero ngayon, parang ako na lang yung magsasabi na ‘Tara!’ Nakaka-overwhelm pa rin.”

May pagkakaiba ba sa treatment sa kanyang ngayong lead star na siya kumpara noong supporting cast member siya?

“Ay, wala. Ako, ‘pag may iba na… aawayin ko rin sila.

“Kasi lahat tayo nagtatrabaho. Suwerte lang na nabibigyan tayo ng chance na maipakita kung ano ang kakayahan natin.”

Sinasabi ng iba na pagkatapos niyang mag-FHM cover ay saka nag-boom ang career ni Beauty. Sang-ayon ba siya rito?

Tugon niya, “Ako naman, sa tingin ko talaga nagsimula ito sa Starting Over Again.

“’Tapos nagkaroon ako ng magandang project, yung Moon of Desire.

“Maganda yung timing ko sa FHM, pero doon nagsimula lahat sa Starting Over Again.

“Kaya sobrang pasalamat ako kay Inang [Olive Lamasan] at sa mga staff nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN