Fans thrilled to see these rehearsal photos of All-Out Sundays

by Ruel J. Mendoza
Jan 5, 2020
All Out Sundays, GMA-7's new Sunday noontime show, airs its pilot episode on January 5, 2020.

Pagkaraan ng apat na taon ay tuluyan nang namaalam sa ere ang GMA-7 noontime variety show na Sunday PinaSaya para magbigay daan sa bagong show na All-Out Sundays.

Noong December 29, 2019 ang naging last episode ng Sunday PinaSaya at ngayong Linggo, January 5, 2020 ang simula ng All-Out Sundays.

Pinangungunahan ito nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos, Rita Daniela, Ken Chan, at marami pang iba.

Sa Instagram post ni Glaiza ay nag-publish siya ng group shot ng hosts ng bagong Kapuso show.

Saad niya sa kanyang caption: "Yung mga tropang sasabay sa kahit anong trip mo this 2020. Kilalanin ang mga bagong makakasama niyo tuwing Linggo ng tanghali this January 5 na!"

Bago umere ang pilot episode ng All-Out Sundays ay may nag-post sa Instagram ng mga pictures na nagbigay ng sneak peek sa stage ng bagong show.

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

igs ni @juliustarog #alloutsunday

A post shared by Lesly Asesor (@leslyasesor) on

Nagbunyi naman ang fans nang makita ang rehearsal photo kunsaan magkatabi si Alden Richards at Julie Anne San Jose. Binansagan nila bilang #DenLie ang tandem ng dalawang Kapuso stars.

May nag-post rin ng rehearsal photo kunsaan makikita na magkatabi si Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

Continue reading below ↓

FAREWELL TO SUNDAY PINASAYA

Naging emotional naman ang naging pamamaalam ni Direk Louie Ignacio sa buong production staff ng Sunday PinaSaya sa kanyang Facebook page:

“Nag Last episode na ang No.1 Noontime Variety Show SUNDAY PINASAYA. Maraming Maraming Salamat Mga Kapuso na tumangkilik sa aming munting palabas. Sana ay napasaya namin kayo sa loob ng apat na taon. Binigyan nyo ng pagkakataon na pwede palang maging No. 1 ang comedy / musical format sa panghapong palabas. Maraming salamat sa Lahat ng magagaling na staff! mga naging Directors Rich Ilustre and Noel Cabacungan, Mga Numero unong hari at reyna ng komedya at magagaling na artista/casts /dancers/ mga crew, art dept at cameramen na naging parang pamilya na linggo linggo. Maraming salamat sa aming Tatay Antonio Tuviera?? Michael Tuviera?? Jojo Oconer ?? Rams David ?? Joey Abacan ?? at sa lahat ng bumubuo mula sa Executive producer at napakahusay na staff ng SPS, masasabi ko na NAPASAYA NATIN SILA!!!!!! ?????? Hanggang sa Muli!!!! #SPSfamilyforever Bravoooooooo!!!!!!”

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

????????????????????????????????????????????????????

A post shared by Louie Ignacio (@direklouieignacio) on

Thankful din ang comedian na si Joey Paras dahil naging bahagi siya ng SPS.

“Maraming Salamat Lord God sa APAT na TAON at APAT na BUWAN na pagkakataong makapagpasaya ng mga TAO. Thank you very much for the LOVE and SUPPORT. Paalam Sunday Pinasaya. Hanggang sa Muli! Thank You 2019, HELLO 2020!” caption pa niya sa Instagram post niya.

Heto naman ang mensahe ng talent manager at Triple A executive na si Rams David sa pagtatapos ng SPS.

“Mawala man kami sa ere, mananatili kami sa mga Puso nyo dahil pinatuloy nyo kami Linggo-linggo sa mahigit apat na Taon. Kayat tuloy Ang saya Dyan sa Puso nyo. Salamat mga Ka-Saya, Salamat mga KaPuso.”

Naging emotional din ang pamamaalam ng ibang naging parte ng Sunday PinaSaya tulad nina Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Barbie Forteza, Andre Paras, Ruru Madrid, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Jerald Napoles, Kyline Alcantara, Gladys Guevara, Pekto Nacua, at iba pa.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
All Out Sundays, GMA-7's new Sunday noontime show, airs its pilot episode on January 5, 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results