Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sofia Pablo on love team partner Will Ashley, “Hindi pa po puwede ang ligaw-ligaw sa amin!”

by Ruel J. Mendoza
Jan 11, 2020
Sofia Pablo is thankful to her and Prima Donnas co-star Will Ashley's fans for the love they give to their SoWill love team.
PHOTO/S: @sofiapablo on Instagram

Nagpapasalamat ang Kapuso teen actress na si Sofia Pablo sa patuloy na pagtaas ng ratings ng GMA afternoon teleserye na Prima Donnas.

Nag-trending sa social media ang episode na #PDOfficialResult kung saan na-reveal ang matagal nang inaabangan na DNA result ng characters nina Sofia, Jillian Ward, at Althea Ablan.

Hindi raw nila ine-expect na papatok sa televiewers ang mga mabibigat na eksena nila sa Prima Donnas, kaya sobra ang pasasalamat nila sa mga nag-abang at patuloy na manonood.

At kahit daw lagi silang pagod sa mga mabibigat na eksena, sulit naman dahil magaganda ang mga nababasa nila tungkol sa show.

"Hindi po biro ang gawin ang mga magkakasunod na mabibigat na eksena sa Prima Donnas. Minsan po, the whole day kaming umiiyak po.

"Pero worth it po ang mga hirap namin dahil kapag nabasa namin ang feedbacks ng netizens sa social media about our show, nawawala po ang pagod naming lahat.

Continue reading below ↓

"Doon po kami nakakakuha ng lakas sa mga magagandang sinasabi nila sa show po namin," sey ni Sofia sa panayam namin sa kanya last January 5, Sunday sa GMA Annex Studios.

Pang-apat na teleserye na ni Sofia ang Prima Donnas at ito ang nagsilbing breakthrough sa career nila nina Jillian at Althea.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Lumabas na noon si Sofia sa Because of You, Oh My Mama, at Sherlock Jr.

"Iba po ang nagawa ng Prima Donnas sa career naming tatlo. Malaki po ang nabago ng show sa buhay namin.

"Kapag nasa labas po kami, ang mga names namin sa show ang tawag nila sa amin. At alam po nila ang mga nangyayari sa story at gusto nilang malaman ang mga magaganap pa.

"Hindi po namin ini-expect ang ganitong pagtanggap sa amin dahil alam namin na malakas po ang kalaban namin. Pero ramdam po namin ang suporta at pagmamahal ng maraming tao," ngiti pa niya.

Continue reading below ↓

WANTS TO PLAY GOOD AND BAD ROLES

Sa edad na 13 ay patuloy na gumaganda at tumatangkad si Sofia. Isa siya sa mga bet na maging future leading lady ng Kapuso Network.

"Salamat po at parati ko pong huhusayan ang pag-arte ko po para tuluy-tuloy po ang projects natin.

"Gusto ko pong masubukan din ang iba't ibang roles. Hindi lang po drama. Gusto ko pong maging isang versatile actress," diin pa niya.

Isa sa gustong gawin ni Sofia ay ang gumanap sa isang dual role tulad ng pinagbidahan ni Kris Bernal noon sa Impostora.

"Nakaka-challenge po yung gumanap kang mabait at salbahe.

"Parang doon po mate-test ang husay ng sinumang aktres kapag nagawa niya iyon pareho.

"Tinatanong nga po ako kung marunong ba akong magtaray o magalit, kasi ang sweet ko raw pong tingnan. Sagot ko po naman ay, kakayanin ko po!" tawa pa niya.

GOOD FRIENDS WITH WILL ASHLEY

Tungkol sa ka-love team niyang si Will Ashley, hanggang friends lang daw muna sila.

Continue reading below ↓

"Love team po kami at gusto po naming maging professional sa trabaho namin.

"Hindi pa po puwede ang ligaw-ligaw sa amin. Ako naman po, ayoko rin po at mas gusto kong good friends muna kami ni Will.

"Thankful kami sa supporters po namin. Yung mga SoWill fans na laging nanonood ng Prima Donnas at sa iba pang projects namin ni Will."

TIKTOK VLOGGER

Dahil sa popularity ngayon ni Sofia, isa siya sa nakakuha ng spot sa TikTok app's list of standout Filipino celebrities for 2019.

TikTok vlogger si Sofia kunsaan meron siyang 820,000 followers and 3 million likes sa kanyang videos.

Ayon sa Wikipedia.org: “TikTok is a video-sharing social networking service owned ByteDance, a Beijing-based company founded in 2012 by Zhang Yiming. It is used to create short lip-sync, comedy, and talent videos.”

Nasa TikTok din ang celebritries na sina Vice Ganda, Jose Manalo, Liza Soberano, Jodi Sta. Maria, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Chie Filomena, Eunice Lagunsad, Pokwang, Chad Kinis, Awra Briguela, Bugoy Carino, Sanya Lopez, Michelle Vito, Maymay Entrata, at Edward Barber.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Pablo is thankful to her and Prima Donnas co-star Will Ashley's fans for the love they give to their SoWill love team.
PHOTO/S: @sofiapablo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results