PEP REVIEW: 7 Comments about All-Out Sundays pilot  

by James Patrick Anarcon
5 days ago
PEPsters, what can you say about the pilot episode of GMA-7's new variety show, All-Out Sundays?
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagsimula nang umere ang bagong noontime variety show ng GMA-7, ang All-Out Sundays, noong Linggo, January 5, 2020.

Pinalitan nito ang dating noontime program ng Kapuso network, ang Sunday PinaSaya, na umere ng apat na taon at apat na buwan.

Ang Sunday PinaSaya ay blocktimer sa ilalim ng produksyon ng APT Entertainment; ang All-Out Sundays ay solo production ng GMA-7, aka the Kapuso network.

Tinapos na rin ng GMA-7 ang Saturday late-night musical variety program nito, ang Studio 7, at inilipat ang mga performers mula rito sa All-Out Sundays.

Base sa title, inaasahan ng viewers ng All-Out Sundays ang isang all-out entertainment extravaganza, mula sa comedy skits at bigating musical production numbers, kunsaan Kapuso A-listers and up-and-coming stars ang hosts.

Kasama rito sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Mark Bautista, Glaiza de Castro, Ken Chan, Rita Daniela, at iba pa.

Nanood ang writer na ito ng pilot episode, at ito ang aking masasabi sa All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

1. Pinagsama sa All-Out Sundays ang strong components ng Sunday PinaSaya at Studio 7.

Sinigurado ng producers ng All-Out Sundays na maging familiar pa rin sa viewers ang bagong show. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga pumatok na segments ng Sunday PinaSaya at Studio 7.

Kabilang na rito ang comedy-musical skits, na rito ay pinangungunahan nina Glaiza de Castro at Paolo Contis, kasama ang Kapuso comedians na sina Boobay, Super Tekla, Cacai Bautista, at Betong Sumaya.

Kasama rin sa segment ang mahusay na singer at theater actress na si Aicelle Santos, ang StarStruck 7 First Princess na si Lexi Gonzales, at StarStruck 7 Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon.

Sa segment na "Tapsikret," ang mga artistang ito ay nagpakitang gilas sa live acting at singing.

Continue reading below ↓

At para sa tunay na all-out entertainment ay nagsama-sama ang mga former singers ng Studio 7 para sa powerful musical numbers. Kabilang na rito sina Mark Bautista, Aicelle Santos, Rayver Cruz, Golden Canedo, Ken Chan, Rita Daniela, at Julie Anne San Jose.

2. Bongga ang opening number ng All-Out Sundays pilot episode.

Tila na-miss din ng GMA-7 ang pagpo-produce ng malalaking musical opening numbers dahil tumodo sila sa pilot episode ng All-Out Sundays.

Pinangunahan nina Julie Anne San Jose at Alden Richards ang opening number. Although parang nalito ang network top stars sa steps sa umpisa, agad namang nakabawi ang dalawa nang kumanta na sila, kasama ang iba pang hosts na sina Aicelle Santos, Mark Bautista, Derrick Monasterio, at Rayver Cruz.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

Nagpakitang gilas din sa pagsayaw sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix, kasama ang showbiz newcomers na sina Lexi Gonzales, Mavy Legaspi, Shayne Sava, at JD Domagoso (anak ni Manila Mayor Isko Moreno).

All-Out Sundays

Hindi rin nagpatalo sa kanilang partisipasyon sa opening number ang The Clash Season One and Two graduates na sina Golden Canedo, Garrett Bolden, Thea Astley, Nef Medina, at Jeremiah Tiangco.

Continue reading below ↓

All-Out Sundays

Kumabog din sina Gabbi Garcia at Glaiza de Castro sa kanilang Blackpink-inspired portion sa opening number, complete with costume change!

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

Even the comedians performed a song at the opening, para marahil maipakitang hindi lang sila pang-comedy skit kung hindi pang musical numbers din.

Ito sana ang ma-sustain ng programa. Maraming loyal Kapuso fans ang naka-miss na sa mga pasabog song numbers ng SOP at Party Pilipinas, na matagal nawala sa Sunday noontime slot ng network.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

3. Maganda ang pagkakagawa sa istorya ng comedy skit, subalit masyadong mahaba for an episode.

Mayroong tatlong mahahabang parts ang "Tapsikret" segment, kunsaan bida sina Paolo Contis at Glaiza de Castro.

Bale ito ang portion ng stage comedy ng All-Out Sundays, na naging strength ng pinalitan nitong programa, ang Sunday PinaSaya.

Ang stage comedy ay hinawakan ng direktor na si Rem Zamora, na siya ring nag-direct ng "Parokya 22" anniversary special ng Bubble Gang.

Engaging ang kuwento nito. Dalawang mag-ex ang nagkitang muli nang naging magkalaban sa negosyo. Nagtayo si Glaiza ng tapsihan restaurant sa tabi ng isa pang tapsihan restawran na pag-aari ni Paolo.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

May mahalagang role din si Aicelle Santos, at ang dalawang StarStruck 7 graduates na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales.

Ito rin ang segment na kinabibilangan ng comedians na sina Betong Sumaya, Cacai Bautista, Boobay, at Super Tekla.

Pasabog ang unang installment ng "Tapsikret," dahil talagang ineffortan ang props para magmukhang totoong may fiesta sa stage, kasama na ang isang Flores de Mayo-inspired na karo at iba pang malalaking props.

Napakinabangan din ang mala-condominium na parte ng stage ng All-Out Sundays para sa comedy skit.

Entertaining at engaging ang kuwento, subalit masyado itong mahaba para sa isang Sunday variety show.

Kung short ang attention span mo, malaking chance na ma-bore ka sa haba.

Totoo, may mahabang break between the first and second parts dahil nagsisingit sila ng dalawa pang segment.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

Pero may chance rin na makalimutan na ng viewer ang mga nangyari sa unang segment. O kaya'y, kapag nadistract ang viewer ng mga pang-araw araw na pangyayari sa isang household tuwing Linggo, malaki ang chance na maguluhan siya sa mga kuwento ng segments.

Sa akin, mas nakaagaw ng atensyon ang dalawang sumunod na segment, ang "FTW: Four The Win" and "Press Play," dahil pareho itong musical numbers, na honestly ay mas preferred kong panuorin.

Hindi ko alam kung sinadya ng staff ang ganitong break para hindi masyadong magmukhang mahaba ang segment, o dahil ito ang nakasanayang mapanuod ng audience nitong past four years mula sa Sunday PinaSaya.

Pero sana, mas mabigyan ng oras ang musical and dance production numbers dahil ito ang mga nakakamiss na mapanuod sa isang GMA-7 noontime variety show, liban pa sa ito ang strength ng katapat na Sunday noontime show sa ABS-CBN.

4. Glaiza de Castro, StarStruck 7 Survivors, nag-stand out sa musical-comedy skit.

Continue reading below ↓

Given nang magagaling at nakakapagpatawa ang mga komedyanteng isinali sa skit, subali't si Glaiza de Castro ang tunay na nagpakitang gilas sa pag-arte.

Alam rin nating mahusay na aktres talaga si Glaiza, at kilala sa mga pinagbidahang dramatic TV shows at movies, subalit nakakamangha pa rin ang ipinakita niyang performance bilang komedyante.

Noong una ngang nakita ko siya sa teaser ng All-Out Sundays, as part of the comedy group, nagulat ako dahil kilala rin si Glaiza sa kanyang music, hindi ang pagpapatawa.

In the end, for me, si Glaiza ang talagang standout sa skit.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

Natural ang timing niya at nakakaaliw pakinggan ang bagsak ng kanyang punchlines. Bagay silang magkatandem ni Kakai Bautista, na best friend niya sa skit, dahil obvious din ang chemistry nila as comediennes.

Worth mentioning din ang StarStruck 7 Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon at First Princess na si Lexi Gonzales, na pinagtambal sa "Tapsikret."

Sila ang gumaganap na nakababatang kapatid nina Glaiza at Paolo na magkaka-developan at maiipit sa away ng mag-ex.

Katulad ng dati nilang live skit exercise sa StarStruck, lumabas din ang chemistry ni Kim at Lexi at cute panuorin ang kanilang mga eksena. Effective si Kim sa karakter na confident pero nauutal sa harap ng crush, at ganun din si Lexi bilang matapang na Nursing student.

At siyempre, given na rin ang kahusayan sa stage ni Aicelle Santos, kaya hindi kagulat-gulat na sa maiksing appearance niya ay nagawa pa rin niyang magbigay ng markadong performance.

Continue reading below ↓

All-Out Sundays

5. Lumabas lalo ang husay ng GMA singers sa kanilang production numbers, subalit nakakabitin ito.

Kapansin-pansin ang absence ng veteran singers sa All-Out Sundays, kung ikukumpara sa SOP, Party Pilipinas, at maging sa ABS-CBN rival program na ASAP.

Continue reading below ↓

Subalit hindi ito naging dahilan para magkulang sa production value ang song numbers ng All-Out Sundays, lalo na sa final production number, kunsaan nagsama-sama ang lahat ng singers para magbigay ng kakaibang rendition ng OPM hits.

Stand out sa dalawang ensemble production numbers sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Mark Bautista, at Rayver Cruz, at maging ang The Clash graduates na sina Jeremiah Tiangco, Thea Astley, at Garrett Bolden.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

Subalit kung musical numbers ang hanap mo sa All-Out Sundays, maaaring mabitin ka dahil, sa loob ng dalawa't kalahating oras, medyo maikli lang ang devoted na time rito.

May posibilidad na intensyon ito ng mga prodyuser para mas hanap-hanapin pa ng tao ang mga pasabog na musical performances. Ngunit malaki rin ang posibilidad na nakulangan na lang sila ng konsepto at rehearsal time para sa pilot.

6. Kahit mahuhusay ang mga performers, kulang sa star power ang ilan sa segments nito.

Isa sa mga musical segments ng show ang "FTW: Four The Win," na kinabibilangan ng The Clash Season One grand winner na si Golden Cañedo, kasama ang tatlong girls from The Clash Season Two: Thea Astley, Jeniffer Maravilla, and Antonette Tismo.

Nagpakitang gilas at galing ang apat sa kanilang segment, but for me, sina Jeniffer at Thea ang umangat sa kanila.

Parang peg din nito ang famous na "Back to Back to Back" segment ng SOP dahil, bukod sa apat silang performers, nag-aantay ang bawat isa ng kanyang turn while standing and watching yung nagpe-perform onstage.

Continue reading below ↓

I understand that All-Out Sundays is trying to build up the four girls para maging household names sila, pero mas nakatulong sana sa pag-angat nila kung sinamahan sila nina Julie Anne at Aicelle, na established divas ng network. Pero noong opening at closing lang natin narinig kumanta ang dalawang mas hasang singers.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

In terms of star power, bumawi naman ang "Press Play" segment, na mix ng established and up-and-coming talents: Alden Richards, Derrick Monasterio, Rayver Cruz, and The Clash singers Nef Medina and Garrett Bolden.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

Charming naman ang boys ng "All-Out QTs," na puro baguhan din ang kasali: StarStruck 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon, StarStruck 7 avengers Radson Flores, Karl Aquino, Abdul Raman, and Prima Donnas leading man Vince Crisostomo.

Just like "FTW: Four The Win," kulang pa rin sa star power ang "All-Out QTs." Mabuti na lang at maganda at all-out din ang ipinakita nilang dance number. Sayang nga lang at hindi nakasama rito ang pwede pa sanang nakadagdag sa grupo ng star power—ang showbiz kids na sina Mavy Legaspi and JD Domagoso.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

Magandang outlet ang All-Out Sundays para sa up-and-coming talents ng GMA-7, pero mas bigyan pa dapat ng exposure ang established at big stars na kasali sa cast, dahil iba rin naman ang clout na meron ang timeslot na kinalalagyan nila.

Medyo nakulangan din ako sa exposure ng iba pang artists, gaya nina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Cassy Legaspi, and Gabbi Garcia.

Pero first episode pa lang naman ito ng Sunday noontime show, at looking forward ako sa kung ano pang pwede nilang gawin.

7. Hit or miss ang game segments ng show.

Isa pa sa mga ni-retain ng All-Out Sundays ay ang game component ng Sunday PinaSaya, pero iba na ang concept.

Una na rito ang "SingKilig" hosted by Rita Daniela and Ken Chan.

Bilang isa sa mga hottest love teams ng Kapuso network, bagay na bagay sina Rita at Ken na hosts ng segment na ito, dahil sila mismo ang nagbibigay-kilig sa audience sa kanilang mga kinikilos.

Continue reading below ↓

Si Rhian Ramos ang napiling guest sa first edition ng "SingKilig," kunsaan mamimili siya ng boses na magpapakilig sa kanya habang may divider sa pagitan nila.

Dalawang transgender singers pala ang contestants na pagpipilian niya. Nadala ng comic timing ng dalawang contestants ang segment, na naging mas masaya at entertaining to watch.

Ang isa namang game segment ay tinawag na "Familympics."

Sa unang edition ng segment, naglaban ang pamilya nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.

Exciting dapat ito dahil magnobyo ang dalawang kilalang young stars sa tunay na buhay, pero naging dry at mabagal ang takbo ng segment. Tuloy, nakabawas ang pacing sa engagement ng viewers, na nakapanghihinayang dahil may following na ang dalawang stars.

All-Out Sundays

Continue reading below ↓

THE VERDICT

All-Out Sundays had a good start, although just like any other show, marami pa itong dapat i-improve sa pacing at segments.

The show has a good pool of talents para sa isang musical-variety show kaya dapat mas ma-utilize pa ito. Sana mas mabigyan pa ng exciting at bonggang production numbers sina Julie Anne at Aicelle, na talaga namang ilan sa original at homegrown singers ng network.

Sana rin ay mas mabigyan ng exposure ang iba pang talents at hindi lang magpakita sa opening number, spiels, at closing number.

Nakaka-excite rin kung ano pa ang pwedeng maipakita nina Christian Bautista at Migo Adecer dahil wala sila sa pilot episode ng All-Out Sundays.

Nakakatuwa rin to see Alden Richards perform again on a regular basis sa TV, kaya mas nakaka-excite isipin kung ano ang gagawin niya in the future, lalo na at lagi din siyang may mga pasabog na numbers sa kanyang concerts.

Continue reading below ↓

All-Out Sundays

And for someone like me, na lumaki sa SOP at Party Pilipinas, wish ko na magkaroon ng isang malaking production number na may sumisirko or may suot na harness habang may kumakanta. Nakakamiss din yun, di ba?!? Kahit once in a while lang.

Continue reading below ↓

Ituluy-tuloy lang nila ang paggawa ng entertaining stories for the comedy skit para talagang ma-hook ang audience ng show, kahit gaano pa kahaba ito. Pero mas okay pa rin kung iksian nang naaayon sa attention span ng Sunday viewers. Remember, family day ang Sunday!

Isa rin sa sana ay magtuluy-tuloy pa ay ang ensemble musical number featuring all the singers of the show. At kung hihiling din lang ako, sasabihin ko nang sana ay mas madagdagan pa ang musical numbers.

Hindi naman natin maikakaila na may malaking bakas pa rin ng Sunday PinaSaya at Studio 7 ang bagong show na ito.

This is totally understandable in a pilot and even in the first few episodes para hindi mabigla ang audience sa mga pagbabagong pwedeng mangyari.

But, hopefully, in the long run ay ma-establish ng All-Out Sundays ang sarili nitong brand, at makawala na sa image na iniwan ng mga dating noontime variety programs ng Kapuso network.

Continue reading below ↓

Sapagka't, kung hindi, bakit pa pinalitan ang umaarangkada namang Sunday PinaSaya?

For now, nakaka-excite at talagang kaabang-abang ang mga pwede pang gawin ng All-Out Sundays in its future episodes.

Sa ratings, ang pilot episode ng All-Out Sundays ang nanalo laban sa counterpart na programa nito, ang ASAP Natin 'To, ayon sa AGB Nielsen.

Nagtala ang All-Out Sundays ng 6.1% laban sa 5.7% ng ASAP Natin 'To.

Samantalang sa Kantar Media, nanalo ang ASAP Natin 'To with 11.7% against All-Out Sundays na nagtala ng 9.7% na TV rating.

Ed's Note: The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEPsters, what can you say about the pilot episode of GMA-7's new variety show, All-Out Sundays?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results