Ken Chan, Rita Daniela thankful for three-week extension of One of the Baes

by Ruel J. Mendoza
5 days ago
Kapuso stars Rita Daniela and Ken Chan are thankful for the three-week extension of their GMA-7 teleserye, One of the Baes.
PHOTO/S: Jerry Olea

Mukhang walang kapaguran ang RitKen loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan dahil halos buong linggo na silang napapanood sa GMA-7.

Lunes hanggang Biyernes ang kanilang top-rating teleserye na One of the Baes. At tuwing Linggo ay naghu-host at nagpe-perform sila sa All-Out Sundays kasama ang maraming Kapuso stars.

Kahit Sabado na lang ang pahinga ng dalawa, wala silang reklamo at nagpapasalamat sila na sa pagpasok ng taong 2020 ay nabigyan sila ng bagong show.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Ken at Rita noong nakaraang Linggo, January 5, sa GMA Annex Studios, sinabi nila na kumukuha sila ng energy mula sa isa't isa.

"Kami naman po ni Rita, parang hindi na namin iniintindi iyung pagod kasi we love what we're doing,” lahad ni Ken.

"Nakakahawa kasi ang pagiging workaholic ni Rita. Kahit sa taping namin ng One of the Baes, kapag breaktime namin, may mga ginagawa pa rin siya.

Continue reading below ↓

"Gusto raw niya na parating umaandar ang utak at katawan niya. Kung hindi siya nagbabasa ng Bible, kumakanta siya. Hindi mo siya nakikitang tulog.

"Kaya nakakahawa rin ang mataas na energy niya. Mas maganda nga naman iyung busy ka kesa sa wala kang ginagawa.”

Si Rita naman ay bilib kay Ken pagdating sa hosting. Aminado si Rita na mas performer siya kesa ang maging isang TV host. Kaya tuwing may hosting job sila ni Ken, humuhugot siya ng lakas sa kanyang ka-loveteam.

Pahayag ni Rita, “Sa totoo lang, magaling si Ken mag-host. Mas madaldal kasi sa akin iyan, e.

"Kapag sinimulan na niya ang isang kuwento, tuluy-tuloy na iyan. Kaya wala kang magiging problema kapag kinuha mo siyang host sa TV.

"Ako naman kasi, performer lang talaga ako. Hindi ako iyung palasalita. Pakantahin mo na lang ako, di ba? Pero dahil si Ken ang nakakasama ko, nahahawaan na ako ng pagiging madaldal niya.

Continue reading below ↓

"Actually, noong una, noong meron pang The Clash Season 2, kabado pa kunwari si Ken. Hindi raw siya magaling sa hosting. E, di pareho lang pala kami.

"Sabi ko pa, magtulungan tayo para hindi tayo mapahiya.

"Aba, noong tumutok na sa amin iyung kamera, kumuda na siya nang kumuda! Kaya sinabayan ko na lang siya.

"Inechos pa ako, di ba? E, ang galing pala niya sa hosting. Kaya suportahan kaming dalawa parati."

THREE-WEEK EXTENSION

Ikinatuwa ng RitKen loveteam ang mabigyan ng three-week extension ang kanilang teleserye.

Lahad ni Ken, “Dapat nga po ay sa first week of January, tapos na kami.

"Pero nasa second week na tayo ng buwan na ito, nasa ere pa kami. 'Tapos, nabigyan pa kami ng extension na tatlong linggo pa.

“Kaya sobra kaming nagpapasalamat kasi may trabaho pa rin kaming lahat sa show. Ang saya ng Christmas at New Year namin, kasi tuluy-tuloy lang po ang taping naming lahat."

Continue reading below ↓

Saad naman ni Rita, “Kaya marami pa silang aabangan na magaganap sa teleserye namin. Ano na ba ang mangyayari sa love story nina Grant at Jowalyn?

“Ano ang magaganap na pagbabago kina Paps [Roderick Paulate] at Carmina [Maureen Larrazabal]? Maghahasik pa ba ng kanyang lagim si Christina [Joyce Ching]?

“At mabubunyag na ba ang matagal nang sikreto nina Josephine [Amy Austria] at Alona [Melanie Marquez]? So, marami pa talagang mga katanungan na hinahanapan ng sagot.

“Kaya salamat po sa ng mga nanonood ng One of the Baes dahil sa mataas na ratings na naming natatanggap araw-araw. Kaya heto, may three-week extension pa kami para mas matutukan niyo pa ang istorya."

RITA'S SPECIAL GIFT

Naikuwento naman ni Ken ang special gift na meron si Rita. Tuwing may sasabihin daw ito sa kanya na isang pangyayari, bigla raw itong nagkakatotoo.

Aniya, "Hindi ko alam kung paano ko made-describe iyong meron si Rita. Panghuhula ba iyon?

Continue reading below ↓

"Basta bigla na lang iyan tatahimik at hahawakan ako sa braso. 'Tapos, sasabihin niya na may ganitong mangyayari. A few days after, nagiging totoo iyung sinabi niya.

"Ilang beses na niyang nagawa iyan sa akin and every time, nagkakatotoo.

"Tulad nitong pag-host namin sa All-Out Sundays. Siya ang unang nagsabi sa akin nito bago pa man kami sinabihan na kasama kami sa show.

"Nakakakilabot minsan, pero positive naman ang lahat ng sinasabi ni Rita parati."

Nag-explain naman si Rita na bata pa lang siya ay meron na siyang ganitong gift.

Paliwanag niya, "Visions siya. It's like a gift of dreams. I feel that God talks to me through these dreams.

"Very vivid iyung mga dreams. As in detalyado siya. Kaya ko siyang basahin.

"Minsan kasi, nami-misinterpret ng iba na para akong manghuhula. Pero it's more of showing me na may ganitong mangyayari sa taong malapit sa akin.

"Whether it's good or something bad, sinasabihan ko ang taong iyon na nasa panaginip ko.

Continue reading below ↓

"Pero iyung mga visions ko, hindi para sa kahit sino. Yun lang mga malalapit sa akin like family and friends."

Isang example na nakitaan daw niya ng magandang dream ay si Julie Anne San Jose. Nakita ni Rita na magkakaroon ito ng concert na ang title ay may word na "time."

Kuwento ni Rita, "This was way back in 2011 during the GMA Artists Ball. Bigla akong nagkaroon ng vision about Julie.

"Kinausap ko siya at sinabi ko na may vision ako na magkakaroon siya ng isang concert na may ‘time’ sa title.

"Natawa lang si Julie, kasi parang imposible raw na magkaroon siya ng concert. Pero tatandaan daw niya ang sinabi kong iyon.

"Then two years later in 2013, nagkaroon nga siya ng first concert niya titled It's My Time. Kinilabutan po ako and naalala rin ni Julie yung sinabi ko sa kanya.

"So, positive things po like that ang usually nakikita ko."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Rita Daniela and Ken Chan are thankful for the three-week extension of their GMA-7 teleserye, One of the Baes.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results