Liza Soberano reveals why she wanted to quit showbiz in 2019

by Ruel J. Mendoza
Jan 17, 2020
Liza Soberano discloses what she learned about Enrique Gil when they stayed in the U.S. while she recuperated from her operation.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Liza Soberano na pinag-isipan niyang iwan na ang showbiz dahil sa finger injury niya na naging dahilan para mag-backout siya sa Darna movie.

Napunta ang Darna project sa baguhang si Jane de Leon.

Dumaan sa masidhing operasyon ang daliri ni Liza na muntik nang maputol.

Ayon pa kay Liza, malaking pagsubok sa kanya iyon sa nagdaang taong 2019.

“Actually, I think that was the whole struggle I was going through last year," pag-amin ng ABS-CBN actress sa January 13 episode ng talk show na Tonight With Boy Abunda.

"I didn’t know if showbiz was for me anymore. I didn’t know if I was passionate about it anymore.”

Noong magtagal ang bakasyon ni Liza sa California pagkatapos ng kanyang finger operation last year, doon daw siya nakapag-isip-isip.

Na-enjoy daw kasi niya ang kanyang stay sa Amerika.

"Ang saya… stress-free. I know it’s because we were kind of on a vacation, di ba?

Continue reading below ↓

"But, I’m not complaining. I love my job and I’m very blessed to have everything I have right now but, sometimes, ’cause I’m a very simple person and I enjoy the simplest things in life and hindi mo makukuha ’yon sa ganitong trabaho.”

Nakasama ni Liza sa kanyang mahabang bakasyon sa U.S. ang reel- and real-life partner na si Enrique Gil. Marami raw siyang nadiskubre pa kay Liza, lalo na raw ang pagiging "domesticated" nito.

Ani Enrique, “When she would go grocery shopping, she knew the ingredients she wanted. Hindi naman nakikita dito because we’re always so busy and just for the simplest things that we would do, that was big for me.

"She was cooking and fixing the house and everything. It was amazing.”

Nakita naman daw ni Liza ang mature side ni Enrique.

“When we were in the States, I saw him mature gradually na, parang, he was becoming the man of the house.

Continue reading below ↓

"Kasi, tatlo kaming babae na kasama niya: my Tita Joni, me, and my sister and he was really taking care of all three of us very well, especially me kasi ako ’yong may pinaka-kailangang help at that point.

"Sa simpleng ’pag napansin niyang wala ng tubig sa bahay, sasabihin niya, ‘Wala nang tubig sa bahay, pupunta lang ako sa grocery, bibili lang.’

“Sometimes men don’t think about those small things but those small things mean a lot to women."

Makikita naman sa mga Instagram posts nina Liza at Enrique na sobra silang nag-enjoy sa pamamasyal sa California habang nagpapagaling noon ang aktres.

Namasyal sila sa mga famous tourist spots ng California tulad ng Beverly Hills at Hollywood.

Napapanood na gabi-gabi ang LizQuen loveteam sa kanilang bagong teleserye na Make It With You na kinunan ang maraming eksena sa bansang Croatia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano discloses what she learned about Enrique Gil when they stayed in the U.S. while she recuperated from her operation.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results