Marcelito Pomoy on performing in America's Got Talent: "Sobrang sumakit ang dibdib ko!"

by Melba R. Llanera
Jan 21, 2020

Nirespeto ni Marcelito Pomoy ang pagpabor ng America’s Got Talent (AGT): The Champions judge na si Simon Cowell na mag-golden buzzer para sa Boogie Storm.

Ang huradong si Howie Mandel ang nakatokang pumindot, at nagkomento ito na deserving ng golden buzzer ang pag-awit ni Marcelito ng "The Prayer" na boses-lalaki at boses-babae.

Kaso, inagaw ni Simon ang golden buzzer.

“Well, okay lang naman sa akin kasi kung iyun talaga ang gusto nila,” sambit ng 35-anyos na si Marcelito nang makapanayam namin nitong Enero 19, Linggo, sa set ng ASAP Natin ‘To.

“Nasa kanila kasi, kahit ano ang sabihin natin, kahit na i-push natin na ma-golden buzzer ako, kung hindi para sa atin, hindi talaga para sa atin.

“Alam mo, kahit hindi ako makapasok sa grand finals, masaya na ako. Alam mo kung bakit? Kasi, Champion edition iyan, e!

“Lahat ng mga champions, naglalaban-laban. All over the world na iyan, e. Makapasok nga lang sa semi-finals, ang laking karangalan na."

Continue reading below ↓

Masayang-masaya si Marcelito sa mainit na pagtanggap at suporta sa kanya ng mga tagasubaybay ng AGT.

Nag-trending siya sa social media at nakapasok sa semi-finals.

“Siyempre, nakakagulat. Siyempre, natutuwa na hindi ko akalain na ganoon iyong approach sa akin ng mga tao. Naniniwala sila sa talento ko."

Labis din ang pasasalamat ni Marcelito sa suporta at pagtitiwala sa kanya ng asawang si Joan.

“Actually, ang nakipag-usap talaga sa America's Got Talent... kasi minsan, wala ako sa bahay... iyong misis ko talaga, si Joan.

“Siya iyong kausap talaga nila. After that, tinawag na niya ako para makipag-usap about America's Got Talent.

“Sobra akong nagpapasalamat sa wife ko. Siya iyung tumulong sa akin, siya iyong nag-build up sa akin pataas. Sabi niya, ‘Hangga’t kaya mo pa, kumanta ka!’

“Kasama ko siya, binigyan ko siya ng trabaho. Interpreter siya. Nakakasagot naman ako pero tipong natatakot ako. Dahil sa sobrang kaba, name-mental block ako, e!”

Continue reading below ↓

Akala ni Marcelito ay aatakehin siya sa sobrang kaba at pressure bago at habang nagpe-perform siya.

“Sobrang sumakit ang dibdib ko! Hanggang ngayon, nandirito pa rin. Pero noong nagpa-check up ako, okay naman daw.

“Stress, kaba... kasi siyempre, iba ang audience doon, e. Iba sa Pilipinas Got Talent, iba sa ibang bansa, so, sobrang kabado talaga."

Pinaghahandaan na niya ang semi-finals next month.

“Hindi ko alam kung kailan ang labas pero Feb siya. First or second week maari. Di ko pa alam, wala pa,” saad ni Marcelito.

“Preparations? Mayroon, practice nang practice. Kinakabisado iyong kanta para di magkamali. Ang gusto ko lang, iyung tipong paano mawala iyung kaba talaga sa semi-finals na."

Malaki ang nabago sa buhay ni Marcelito mula nang maging kampeon siya sa second season ng Pilipinas Got Talent noong 2011 sa ABS-CBN.

“Kung ibabalik ko iyung nakaraan ko dati bilang ako, hindi ko akalain na ito ang mararating ko ngayon,” nakangiting sambit ni Marcelito.

Continue reading below ↓

“Dati akong construction worker, palaboy ako... That time ko nabuo ang pamilya ko, kaya sobra akong nagpapasalamat.

“Sa lahat ng mga Filipino, sa Pilipinas o saanman sa buong mundo, maraming, maraming salamat sa paniniwala sa talento ko. Maraming, maraming salamat sa suporta.

“Sa mga kagaya ko noon, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Pray lang, darating sa inyo iyan.

“Sana, suportahan ninyo ako this coming semi-finals. Sana, makapasok tayo sa grand finals."

View this post on Instagram

#agtchampions #agt #marcelitoonagt

A post shared by Marcelito Pomoy (@marcelitopomoy8) on

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results