Dingdong on Descendants of the Sun leading lady Jennylyn: “Worth the wait."

by Rose Garcia
Jan 22, 2020
Dingdong Dantes on Descendants of the Sun leading lady Jennylyn Mercado: “Worth the wait. Talagang para sa kanya!”
PHOTO/S: Rose Garcia

Inamin ni Dingdong Dantes na matindi noon ang pressure kung paano ang pagganap niya bilang Captain Lucas Manalo a.k.a. Big Boss sa Pinoy adaptation ng Koreanobelang Descendants of the Sun (DOTS).

“Noong una, pero kailangang kalimutan ko iyon, e. Gusto ko na sa pagganap ng role, magkaroon ng parang fresh sa character,” pahayag ng Kapuso Primetime King.

“Story-wise, talagang susundan naman namin iyung main, may konting twist lang to make it Filipino. So, siyempre, magkakaroon ka rin ng ibang interpretation diyan.

“Hindi naman straightforward na gagayahin mo. Minsan nga, kapag may eksena, iyong eksena, sobrang iconic. Parang naiisip ko, gagayahin ko ba? So yun, nag-uusap kami ng director [Dominic Zapata].

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa pictorial ng DOTS noong Enero 17, Biyernes.

Ano ang naramdaman ni Dingdong sa pagtatambal nila ni Jennylyn Mercado?

Una silang nagkatrabaho sa StarStruck 1 (Oktubre 2003-Pebrero 2004) kung saan si Jennylyn ang Ultimate Female Survivor at siya naman ang host.

Continue reading below ↓

“Ako kasi, bilib din ako sa naging growth niya, with her career. Kasi, being the host of StarStruck and her, being the first ultimate survivor, inevitable talaga na makita ko ang umpisa.

“So, talagang nakaka-proud na kasama ko pa rin siya bilang Kapuso at darating at darating naman talaga na magkakasama kami, and nangyari na dito pa sa napakagandang proyekto. So, nakaka-excite.”

Matagal din nilang hinintay si Jennylyn. Nagsimula na sila ng training at taping, hindi pa sigurado kung sino talaga ang leading lady sa DOTS.

Worth the wait ba si Jennylyn bilang leading lady?

“Worth the wait. Talagang para sa kanya,” pakli ni Dingdong.

Sa tagal nilang nagte-taping na, naisip ba nila na ibang Kapuso actress na lang kaya ang kuhanin?

"Siyempre, iba na iyon, hindi naman ako kasama sa mga ganoong decision-making.

“Ako, siyempre, I’m more focused on what’s here, ‘wag na nating puntahan kung ano ang naging proseso,” tugon ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on Descendants of the Sun leading lady Jennylyn Mercado: “Worth the wait. Talagang para sa kanya!”
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results