Coco Martin supportive of Ron Cieno, his younger brother now pursuing career in showbiz

Coco Martin (right) is joined in this photo by his younger brother Ron Cieno (left).


Sa ikatlo niyang panalo ng Best Drama Actor award sa 28th PMPC Star Awards for Television, nagpasalamat si Coco Martin sa higit na marami niyang taga-suportang co-actors para sa teleseryeng Ikaw Lamang.

Coco had previously won in said category, para sa mga pinagbidahang Tayong Dalawa (2009) at Juan Dela Cruz (2013); at Best Single Performance By An Actor, para sa Maalaala Mo Kaya? episode na "Silbato" in 2012.
"Gusto ko pong pasalamatan sa pagkakataong ito ang lahat ng co-actors ko, na sumuporta sa amin para mabuo at mapaganda talaga ang Ikaw Lamang.
"Kay Tito Boyet [Christopher de Leon]; Tito Ronaldo Valdez, kay Tito Pip [Tirso Cruz III], kay Tito Joel [Torre], sa lahat-lahat po... pasensiya na na po kung hindi ko mabanggit lahat.
"Maraming maraming salamat po sa lahat ng tulong."
Ang nag-present ng award ni Coco ay si John Estrada, nanalong Best Drama Supporting Actor, para din sa Ikaw Lamang.
Nagpasalamat nang personal si Coco kay John sa stage.
"Kuya John, thank you!" malugod na wika ni Coco. "Alam ko, na pinagbigyan mo ako, na parang... magko-kontrabida ka lang kung sakaling ako ang pagko-kontrabidahan mo.
"Maraming salamat. Kung alam mo lang kung gaano ako ka-thankful sa suportang ibinigay mo sa akin."
Masayang nag-acknowledge onstage si John Estrada sa pasasalamat ni Coco.
Para naman kay Kim Chiu, na leading lady niya sa Ikaw Lamang at isa sa mga nag-host ng ginanap na Star Awards for TV event, personal din ang agad na naiparating na mensahe ni Coco.
"Gusto kong pasalamatan si Kim Chiu... I love you!" malambing na pagbati ni Coco.
"Salamat sa pagkakataong ito na tayo'y nagtambal. Magta-trabaho tayo ulit," aniya pa.
MORE ACKNOWLEDGEMENTS. Una ring pinasalamatan ng premyadong aktor ang mga big boss niya sa ABS-CBN.
"Lahat po ng mga taong nagtiwala sa akin sa Ikaw Lamang... unang-una po, kay Sir Gabby Lopez, ma'am Charo [Santos], Tita Cory [Vidanes], at si Sir Deo Endrinal.
"Ang mga EP [Executive Producer] ko po dito na talagang nagpakahirap: si Ate Aila at si Ate Hazel, at ang mga direktor ko na nagtulung-tulong para pagandahin ang aming soap opera; si direk Malu [Sevilla] at direk Avel [Sunpongco]..."
Kabilang din sa naging direktor ng Ikaw Lamang si Manny Q. Palo.
In-acknowledge din ni Coco, "ang lahat ng crew at staff na bumuo ng Ikaw Lamang.

"At ang aming dalawang writers na talagang sobrang nagpakahirap, na sobrang... halos hindi na po sila natutulog, gabi-gabi."
Coco might have missed the fact na apat ang writers na credited, for the soap opera na nanalo ring Best Primetime Drama Series sa Star Awards for TV ngayong taon.
Kabilang sa pool of writers nito sina Danica Mae S. Domingo, David France Diuco, Hazel Karyl Madanguit, at Jose A. Dizon, Jr.
"Maraming maraming salamat. Thank you so much po sa napakagandang suporta na ginawa ninyo para sa amin," sambit pa ni Coco.


SUPPORTIVE OF YOUNGER BROTHER RON. Meanwhile, ang higit na natutuwa para sa naitatalang achievements ni Coco Martin ay ang younger brother ng aktor na nag-aartista na rin, si Ron Cieno.
In real life, Coco Martin is Rodel Luis Cortez Nacianceno. Half-brother naman niya ang baguhang indie actor ngayon, na si Ronald Nacianceno.
Si Brillante Mendoza, na nag-mentor kay Coco sa mga unang pinagbidahang indie films, ang siya ring mentor ngayon ni Ron.
Una'y Ron Nacianceno ang ginamit na pangalan ng baguhan; na pinaikli ni Direk Brillante at ginawa na lamang Ron Cieno.
Lumabas na sa dalawang pelikulang indie si Ron this year, tulad ng Kasal, sa nakaraang Cinemalaya Film Fest 2014, at Tumbang Preso, na ipinalabas sa commercial theaters.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP, supportive na "very strict brother" si Coco kay Ron Cieno; pero wala sa ugali ni Ron ang mag-rebelde sa kanyang kuya.
"Sakto lang po. Mabait naman po si Kuya [Coco]," sambit ni Ron nang unang makausap ng PEP, sa set ng Padre De Familia na produced by Coco, kasama ang Superstar Nora Aunor.
Laging kasama sa mga taping at shooting ni Coco si Ron Cieno bilang preparasyon sa pag-aartista. Sumama rin siya sa mga acting workshop na kino-conduct ni Brillante Mendoza para sa mga baguhang talents ng Centerstage Productions. Ang ibang talents tulad niya ay nakatakdang sumama sa upcoming Solar Films movie na Bigwas.



MENTORING COCO AND RON CIENO. Sa isang naunang interview ng PEP kay Brillante Mendoza, nabanggit nito ang isa sa mga mentoring session niya with Ron Cieno, si Coco Martin ang nasisilbing role model ni Ron pagdating sa acting.
"Ang una niyang [Ron] tanong is, 'Paano'ng umarte?'
"So, ituturo mo sa kanya, 'Umarte ka from the heart...' Pag hindi mo nararamdaman, hindi totoo.
"Yun ang training ko; ang itinuturo ko sa kanya. Dapat natural na natural.
"'Kahit hindi ka umaarte,'" patuloy na sambit ng 2009 Cannes Film Fest best director awardee for the Coco Martin lead-starrer, Kinatay, "kung napi-feel mo ang eksena, umaarte ka.
"That's effective," saad pa ng direktor-mentor.
"'Eto na, nanonood kami ni 'Nognog' ng pelikula," sambit ni Brillante; tawag niya kay Ron ang 'Nognog' dahil dark-complexioned ito, taliwas sa fair-complexion ni Coco.
"Pinapanood namin si Coco... tapos, ang comment niya [Ron], 'Ang galing-galing ni Kuya, ano?
"'Gusto ko ganyan! Pero, hindi ko kaya... hindi ko kaya yan!'" pag-amin daw ni Ron.
"'Hindi ako marunong nang ganyan!'" sabi niyang gano'n.
"Sabi ko sa kanya, 'Ang kuya mo, umaarte siya, katulad mo, noong nag-uumpisa siya.
"'Ngayon, yung gusto mong mangyari sa 'yo, akala mo, umaarte siya [Coco], pero mas totoo yung ginagawa mo [Ron] ngayon.
"So, eto na. Binigyan siya ng lines [ng workshop facilitator], nagre-rehearse sila.
"Ang sabi nila,'magaling naman pala [si Ron] sa delivery ng lines, e!'"
Tinanong ko si Ron, 'Ano sa palagay mo?'"
Parang batang sumagot daw si Ron, "'Talo! Hindi ako magaling!'
"'Bakit?' tanong daw ni Brillante, na ang sagot ni Ron, "'Basta... hindi ko nararamdaman, e! Pinabasa-basa lang sa akin ang lines...'"
Pero sabi sa workshop, okay siya. Pero sa kanya [Ron], hindi siya okay," lahad pa ni Brillante about Coco's younger brother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN