Masayang-masaya si Jasmine Curtis-Smith na ipalalabas na ang primetime series at Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.
Bilang isa sa fans ng orihinal na serye, excited siyang makita ang magiging pagtanggap sa ginagawa nila.
“I’m so happy,” lahad ni Jasmine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Enero 17, Biyernes, sa GMA Co-op Bldg.
“Halos one year in the making na rin siya. Nag-audition pa ako. It’s so systemic. May Hollywood feel.
“Ang ganda ng feeling, kasi alam mo na parang pantay-pantay kayo and you just really have to showcase kung kaya mong gampanan ang role na yun.
“I don’t know kung ilan kaming nag-audition, pero I’m so glad na sa akin napunta ang role.”
Napanood niya ang original na Korean version ng Descendants of the Sun, kaya talagang gustung-gusto niyang makuha ang role.
Kuwento ni Jasmine, “Noong sinabi sa akin na yung araw na mismo ang audition, nag-binge-watch ako as much as I can.
"Siguro, mga ten episodes lang ang napanood ko, hindi ko nahabol.
“Pero after ng audition, pinanood ko siya.
"'Tapos, Episode 17, mga behind-the-scenes na pala. Umiiyak ako! 'Bakit tapos na siya?'
"'Tapos, nagdarasal na lang ako na, sana, sa akin mapunta ang role,” pag-amin niya.
Ginagampanan ni Jasmine ang role na unang ginampanan ng South Korean actress na si Kim Ji Woon.
Bakit ganoon na lang yung dasal niyang sa kanya ito maibigay?
Saad ng Kapuso actress: “After watching the original, that role felt so good.
"'Tapos, in terms of yung magiging effect niya sa akin with my career and napili kong gagampanan, parang I know na magandang blessing yung role—professionally and personally.
"Nagdasal ako, si Ate rin, nagdasal. Lahat kami, nagdasal.”
Masayang-masaya ang ate niyang si Anne Curtis nang malaman nitong siya ang nakakuha ng role. Lalo na at ang DOTS ang isa sa mga K-drama na paborito ni Anne.
Sigurado si Jasmine na isa sa manonood kapag ipinalabas na ang Descendants of the Sun simula sa February 10 ay ang ate niya.
“Of course, I will expect that, and I hope, ma-proud siya sa akin,” natawang sabi ni Jasmine.
ON LEADING MAN ROCCO NACINO
Silang dalawa ni Rocco Nacino ang magkapareha sa DOTS.
Ito ang ikalawa nilang pakikipagtrabaho sa isa't isa. Una ay sa dating primetime series na Pamilya Roces, pero hindi sila magkapareho roon.
“Masaya siyang katrabaho,” saad ni Jasmine tungkol sa kanyang leading man.
“Nahanap na rin namin ang tamang tiyempo sa isa’t isa, chemistry, tinginan, and nagiging closer friends kami ngayon as compared sa Pamilya Roces.
"I’m happy na ngayon, dito, mas nagta-translate na ang chemistry namin.”
Sila ni Jennylyn Mercado ay unang beses pa lang magkasama.
“Okay, kasi I think it worked na first time lang din namin magwu-work together.
"So, yung mga first few scenes namin, we weren’t close and, at the same time, since nauna na kaming nag-taping, nauna rin ang relationship ko with everyone.
“It worked in my favor na hindi ko pa siya masyadong kilala.
"Ngayon, mas close na kami. We share foods.”
THE PINOY VERSION
Ang DOTS ang isa sa well-loved K-drama.
Kung mapapanood ng mga naging tagahanga ng Korean version nito ang ginagawa nila ngayon, matutuwa at magugustuhan din kaya ang Pinoy adaptation?
“I hope so, I hope so talaga,” asam ni Jasmine.
“Kasi, hindi lang sa script or sa mismong nuances ng characters namin siniguradong maganda.
"Faithful siya sa original, pero yung mga camera tricks din ni Direk, mga anggulo, mga editing, makikita mo na everyone, lahat, talagang gustong i-make sure na 100 percent ang effort dito.
“Kasi nga, it was so big and mahirap mag-stray too far away at ma-disappoint ang mga original fans ng show.
"So, hopeful kaming lahat and, I think, that’s the best word to say.”
Sabi pa ni Jasmine, “Sana maging symbol din siya na kaya nating gumawa ng mga ganitong quality na mga teleserye, di ba?
“Kasi, nai-apply namin dito sa remake.
"And I hope they can see na ume-eeffort naman tayong lahat na mag-improve forever and always ang ating industry.
“So, iyon ang wishes and hopes ko na takeaway ng mga original fans ng DOTS.”