Barbie Forteza admires co-star Kate Valdez's professionalism

by Rommel Gonzales
Feb 2, 2020
Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza (left) on co-star Kate Valdez (right): “Nakikita ko sa kanya na parang gustung-gusto niya talagang matuto. Palatanong siya sa akin, kay direk, kung ano yung mas makakabuti sa eksena, ganyan."
PHOTO/S: GMA Network

Happy at pressured raw si Kate Valdez na isang Barbie Forteza ang kasama niya sa show (at kapantay ng role at billing).

Reaksyon ni Barbie sa lahad ng kanyang co-star, “Hindi naman.

"Ako naman base sa experience ko, masasabi ko na marami na ring natutunan si Kate kahit papaano."

Bida silang pareho (as Caitlyn and Ginalyn, respectively) sa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday ng GMA-7.

Dagdag papuri niya kay Kate, “Nakikita ko sa kanya na parang gustung-gusto niya talagang matuto.

"Palatanong siya sa akin, kay direk, kung ano yung mas makakabuti sa eksena, ganyan.

"'Tsaka para sa kanya there’s no nothing scene, parang ganun.

“Kahit ba nagba-vlog lang kami kunwari, talagang sineseryoso niya lahat ng bagay, na para sa bagets na katulad niya e malaking bagay iyun, and isa iyun sa mga ugali ng mga artistang you will look up to in the future, di ba?”

Continue reading below ↓

HONORED TO WORK WITH ICONIC STARS

Tinanong naman namin si Barbie kung paano siya api-apihin ng veteran actress na si Dina Bonnevie?

Nasa show rin sina Dina (as Sussie na ina ni Kate) at Snooky Serna (as Amy na ina naman ni Barbie).

“Di ba? Tapunan agad ng kape?

"Bago kami mag-take, nakakatawa kasi sabi ni Ms. Dina Bonnevie… sabi niya, ‘Direk, parang I don’t want to do this, parang I don’t want to pour coffee over her because the people will hate me, the Ilokanos will hate me and I don’t like that!’

“So yung mga ganun,” at tumawa si Barbie.

“Nakakatawa lang kasi conscious pa siya, na isa nga siya sa mga poste ng industriya e conscious pa siya sa iisipin ng mga tao.”

Baka takot si Dina sa mga Barbienatics, na baka ayaw niyang ma-bash ng fans ni Barbie?

“Ganung level? Hindi naman, maipagyayabang ko naman na hindi ganun ang ugali ng aking mga kaibigan,” mabilis niyang tugon.

Continue reading below ↓

Bukod kina Dina at Snooky, ang Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday, kasama rin sa cast ang respetado at premyadong veteran actress na si Celia Rodriguez (as Zenaida).

Pagmamalaki ni Barbie, “I know! Bigatin!

"Kumbaga parang name a big star, kasama ko 'yan. Sir Jay Manalo [as Joaquin] of course, Teresa Loyzaga [as Dorcas].”

Kanino mapupunta si Migo Adecer sa ending? Si Migo [as Cocoy] ang nag-iisang leading man sa show.

“Hindi pa namin alam kung papaano yung rapport naming dalawa, rapport naming tatlo kasama si Kate, so depende pa.

"Siyempre depende sa pagtanggap ng viewers kung sino ang mas swak, baka kami ni Kate,” at muling tumawa ang Primetime Princess ng GMA.

LOVE LIFE

Ano ang Christmas gift nila sa isa’t isa ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto?

“Binigyan niya ako ng necklace para close to the heart,” at muling tumawa si Barbie.

Ano naman ang ibinigay niya sa boyfriend niya?

Continue reading below ↓

Saad niya, “Yung mic na pang-vlog, kasi compatible siya sa camera tsaka phone. Nung nag-Japan kami, naghanap siya ng ganyan pero wala siyang makita.”

Microphone lang, walang kasamang camera?

“Meron na siyang camera, tsaka yung parang magic mic ng Apple, mga pang-vlog.”

Ano na kaya ang niluluto ni Jak para sa Valentines?

“Ay, talagang maghanda siya!” natatawang hirit niya.

Nagluluto na walang shirt?

“Ay, ganun? Ang aga! Hahaha!”

Laging may paandar o sorpresa si Jak para kay Barbie tuwing may okasyon.

Aniya, “Ay, oo! In fairness naman sa kanya. Old-fashioned naman siya.”

Magtatatlong taon na ang relasyon nila at masuwerte si Barbie kay Jak.

“I know! Uy, wait lang naman! Para namang siya lang ang suwerte! Hahaha! Hello!”

Ano ang reaksyon niya kapag may nagsasabing ang suwerte niya dahil ang sarap-sarap o yummy si Jak na tinaguriang Pambansang Abs?

Paglinaw niya, “Hindi ko naman itinatanggi yun.

"Pero as I said, bakit parang si Jak lang… eto, hello! Parang ako rin naman! Hahaha! Parang masuwerte rin naman si Jak!”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie nitong nakaraang Martes, January 21, sa 17th floor ng GMA Network.

Nasa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday din sina Jean Saburit (bilang Vanessa), Tanya Montenegro (bilang Glenda), Benedict Cua (bilang Benny) at Faith da Silva as Agatha.

Sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, napapanood ito pagkatapos ng 24 Oras.

BASAG-KOTSE VICTIMS

Natanong naman si Barbie tungkol sa mga basag-kotse na bumiktima sa kanila kamakailan.

Pagkumpirma niya, “Oo, sa ano ‘yun, T. Gener cor K-1st sa Kamuning.”

Bag ng ina niyang si Mommy Amy ang nakuha.

Ani Barbie, “Oo, bag ni madir na wala namang laman, so keri lang siya.”

Mabuti n alang daw at walang datung or phone sa loob ng kotse.

Dagdag ni Barbie, “Naialis niya.”

“May ganun kasi nanay ko… di ba ang mga nanay meron siyang instinct na, ‘Alam mo madilim dito, so…”

Ang bag mismo ni Barbie ay wala sa loob ng kotse nila.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Dala ko, dala ko siya, hindi ko siya iniwan sa kotse. Mabuti na lang ganun lang nangyari, hindi kami nasaktan, nakuha na yun bag bago pa kami pumunta sa kotse, so walang aberyang nangyari.

“Siyempre yung nanay at tatay ko safe naman, so okay na yun, yung sasakyan namin napagawa namin two days after, hindi namin napagawa agad kasi nag-taping pa ng Daig Kayo Ng Lola Ko, so the day after pa nun.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza (left) on co-star Kate Valdez (right): “Nakikita ko sa kanya na parang gustung-gusto niya talagang matuto. Palatanong siya sa akin, kay direk, kung ano yung mas makakabuti sa eksena, ganyan."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results