Watch Now

Remember when Lovely Embuscado competed in GMA-7's Protege?

by Ruel J. Mendoza
Feb 3, 2020
PEP.ph looks back on the past performances of Lovely Embuscado when she competed in GMA-7's Protege Season 1 in 2011.

Remember when Lovely Embuscado competed in GMA-7's Protégé?

Binansagan siya noon bilang The Singing Cinderella dahil kinakantahan niya ang kanyang mga alagang baboy.

Kinuwento niya sa 2011 interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na binili ang mga baboy sa palengke sa Tagum, Davao del Norte kung saan siya nakatira noon bago sumali sa Protégé.

Ngayong 2020, naging usap-usapan ang nangyari kay Lovely na runner-up noon sa 2011 singing contest ng GMA-7 na Protégé: The Battle For The Big Break.

Noong nakaraang January 30 ay natagpuang homeless si Lovely kasama ang kanyang inang si Daisy at stepfather na si Nelson.

Sa bangketa ng kalsada sa Quezon City nakatira sila Lovely dahil umalis na nila sa dati nilang tinitirhan na bahay sa Baseco.

Dating nakatira sa isang condominium sina Lovely pagkatapos itong maging runner-up sa Protégé at magkaroon ng sunud-sunod na trabaho sa GMA-7. Pero pinaalis sila sa condo unit nila dahil hindi raw nila nababayaran ang buwanang renta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, kinupkop na sina Lovely ng Kapuso Foundation at bumubuhos ang pagtulong para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kabilang na sa gustong makatulong kay Lovely ay ang Protégé winner na si Krizza Neri. Naging best friend pala ni Krizza si Lovely noong nasa loob sila ng Protégé house.

Noong manalo si Krizza, nasabi niya na gusto niyang i-share ang kanyang panalo kay Lovely dahil deserve daw nitong manalo. Sa katunayan, inalok pa ni Krizza kay Lovely na tumira ito sa napanalunan niyang condomium unit na nasa Malate, Manila.

Tumulong naman si Krizza na mag-organize ng isang benefit show para maka-raise ng funds para sa kanyang kaibigan na si Lovely. Magaganap ito sa Zirkoh this February at dadalo sa show ang mentor ni Lovely sa Protégé na si Jaya.

SHOWBIZ JOURNEY OF LOVELY

Si Jaya ang nakakita ng potential kay Lovely na maging isang mahusay na mang-aawit.

Noong 2011, nag-audition si Lovely sa Davao City at noong marinig ni Jaya ang tinig nito, nagkaroon siya ng interes sa 13-year-old singer na taga-Tagum, Davao del Norte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlo silang taga-Davao na napili, pero si Lovely ang umabante sa Kapuso contest.

"I was concentrating on sino ang makikita ko sa Davao. Hindi ko ini-expect na noong makita ko si Lovely, magiging emotional ako. Alam ko na hindi iyon ang hinahanap ng karamihan kapag nanonood sila sa TV. E, gusto ko siya e," pahayag ni Jaya sa 2011 interview sa kanya sa Protégé.

Noong ma-eliminate nga raw si Lovely sa pilian ng Top 6, hindi ito matanggap ni Jaya hanggang sa magkaroon ng Wild Card at isa si Lovely sa nabigyan ng second chance.

"Noong natanggal siya, creepy iyon sa akin. Parang 'Mali, mali ito. Ito ba yung tinatawag nilang test?' Naging test nga kasi biglang nag-wildcard.

"So I was very thankful na nagkaroon ng wild card. Ang masasabi ko lang is this is all of God's plan.

"When she came into my life, hindi lang siya ang nagawang mag-shine. She also made me shine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We're very lucky. We're meant to be together. I'll always make sure na mapo-protektahan si Lovely. Of course, I'm rooting for my girl. She's my girl!"

Watch Jaya's interview here and Lovely's rendition of "Minsan Ang Minahal ay Ako":

Sa isa pang interview ni Jaya, nasabi nito na pinu-push niya si Lovely na magkaroon ng confidence sa sarili. Bagama't talented daw si Lovely, meron itong mga insecurities sa katawan.

"I have to be very confident. Kasi, magaling naman talaga siya. Hindi ko makitaan ng hindi siya magaling.

"Although, yun nga lang minsan, may mga nagko-comment na kesyo hindi naman siya maganda, ganito, ganyan.

"Pero, sino ba ang maganda sa tingin ninyo na talagang magaling din? Ano yan, e, babalansehin mo yan. Talent talaga ang mangingibabaw before anything else.

"But I'm very lucky ha, lucky ako sa kanya. Nakakalusot siya palagi at saka marami siyang fans. Mataas naman ang text votes niya at so far, gusto siya ng judges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro kasi, yung performances niya, consistent naman. Although, there are times na malakas ang nerbiyos niya. Pero talagang nakikitaan ko siya ng potential to become a known name.

"Minsan na-eliminate si Lovely pero nagkataon lang na nuong week na yun, nagkaroon ng wild card kung kaya't isa si Lovely sa nakabalik muli."

Watch Lovely's performance of Christina Aguilera's "Beautiful":

Sa Protégé house unang nakilala ni Lovely ang kanyang biological father. Naging regalo ito sa kanya ng Kapuso show noong nag-celebrate siya ng kanyang 14th birthday sa Protégé house.

Pero naging malaking issue ito sa ina ni Lovely na si Daisy. Nagkaroon ng issue tungkol sa pera at hindi nakatiis si Jaya na hindi makialam sa buhay ng kanyang mine-mentor na Protégé contestant.

"Kapag mapanood ito ng Mama mo, dapat wala siyang ibigay na isang kusing sa tatay mo. Kapag hinarap ako ng tatay mo, sabihin mo mag-usap kami," galit na pahayag pa ni Jaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya noong awitin ni Lovely ang "Halik" by Aegis, naging interpretasyon ni Lovely, ayon kay Jaya, ay hindi tungkol sa dalawang taong nagmamahalan kundi isang anak na hinahanap ang kalinga ng kanyang ama na hindi niya nakakasama.

"Nagulat din ako kasi iba ang naging meaning ng 'Ayoko na sana na ikaw ay mawawala.' She was singing to someone close to her na wala sa buhay niya.

"Yung 'Nami-miss ko ang halik mo,' it was about a love for a man, but it was for her dad. Kaya nabigla din ako."

Sa huling balita kay Lovely, naging temporary shelter nila ang isa sa kuwarto sa GMA Kapuso Foundation office. Pero inilipat na raw sila sa isang hotel na malapit sa GMA Network Center at ang nagbabayad nito ay si Krizza Neri.

Watch Lovely's version of Aegis' "Halik" here:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP.ph looks back on the past performances of Lovely Embuscado when she competed in GMA-7's Protege Season 1 in 2011.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results