Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jennylyn admits feeling emotional while watching Descendants of the Sun pilot episode

by Rommel Gonzales
Feb 10, 2020
Since the stars of Descendants of the Sun already started taping, Jennylyn Mercado thought she missed the chance to top-bill and become the leading lady of Dingdong Dantes.

Mixed emotions ang naramdaman ni Jennylyn Mercado habang pinapanood ang pilot episode ng Descendants of The Sun (DOTS) remake.

“Actually medyo emosyonal nga ako. Tapos sabi ko, ‘Shucks, thank you," sabay- taas ng kamay niya bilang pasasalamat kay God.

“Ganun pala siya ka… di ba? Medyo… para sa akin ang ganda niya talaga!

“Na-appreciate ko yung puyat at pagod naming lahat sa Descendants of the Sun kasi siyempre aminin natin hindi madali, lalo na kina Dingdong [Dantes], yung ginagawa nila dun sa taping namin, talagang puspusan.

“Very challenging yun, ha? Nakita niyo ang init ng suot tapos nag-a-action scenes, di ba? Tapos ang daming binubuhat. Takbu ng takbo. Hindi ba?”

Habang palabas nga ang pilot episode sa grand mediacon ng Philippine adaptation ng naturang hit Korean drama ay may nagkomento na parang pelikula ang ipinapalabas.

“Iyon, parang pelikula!” bulalas ni Jennylyn.

Na-appreciate raw nila ng buong cast and team ng Descendants of the Sun ang mga papuri sa kanilang mga ginagawa para sa GMA-7 adaptation ng popular Koreanovela na ito.

Continue reading below ↓

Isa pang kapansin-pansin durng the presscon ay ang kakaibang ganda at glow ni Jennylyn.

“Nagkalaman ako,” ang bulalas ng aktres. “Kung mapapansin niyo ang laki ng pisngi ko,” sabay-pisil sa kanyang mga pisngi. “Medyo nagka-ano ako, taba.”

Pinanood raw ni Jennylyn ang buong Descendants of the Sun series ng Korea.

“Kailangan po naming panooorin. Kasi para siyempre… hindi naman para gayahin yung character pero siyempre kailangan naming maaral yung story, di ba, kung saan nanggagaling.”

Sa nakaraan ay naging malaking isyu ang kung sino ang gaganap na bidang babae sa DOTS Philippine adaptation; maraming mga pangalan ng mga aktres ang lumutang.

Maging ang isang ABS-CBN actress ay pinaghinalaan na isa sa mga pinagpipilian bilang bida ng Kapuso teleserye na ito. Ngunit, pinabulaanan ito ng executive producer ng Descendants of the Sun.

Finally, ipapalabas na ang programa sa February 10 sa GMA Primetime block.

Bukod kay Jennylyn, ang ibang bida ay sina Dingdong Dantes (bilang Captain Lucas Manalo/Big Boss), Jasmine Curtis-Smith (Captain Moira Defensor), at Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos/Wolf).

Continue reading below ↓

Ani Jennylyn, “Siyempe masaya! Very thankful kasi actually nalaman ko lang po na ako pagkatapos nung Love You Two.”

Hindi raw totoo na habang ginagawa niya ang Love You Two teleserye nila ni Gabby Concepcion last year ay alam na ni Jennylyn na siya ang gaganap bilang Dra. Maxine dela Cruz o Beauty sa DOTS.

“Wala po talaga akong alam. Totoo po yun, wala po talaga akong alam.”

Ang hudyat na alam na niya na siya nga si Beauty ay noong nagbago siya ng hairstyle.

“Nung nagpa-bangs na ako, alam na,” at tumawa si Jennylyn.

Aminado si Jennylyn na bago pa siya mapili ay wini-wish niya na sana ay siya ang mapili para sa DOTS.

“Siyempre naman! I’m sure hindi lang ako, kasi magandang project talaga yan.

“Well, hindi ko siya talaga.. hindi ako fan ng K-drama pero ang daming nagsasabi na, ‘Uy ang ganda ng Descendants of the Sun!’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Ah… talaga?’

“Ganun ako. So nung finally nalaman ko na ako na, ayun, kailangan ko siyang panoorin, inaral ko yung character and sa totoo lang, maganda po talaga. Nain-love ako dun sa series na yun.”

Kahit hindi sila nagkaroon ni Dingdong ng pagkakataon na mag-workshop, hindi na sila nahirapang magkaroon agad ng rapport at chemistry dahil nagkasama na naman sila sa mga shows ng GMA. Ang pinaka-recent ay ang StarStruck Season 7 kung saan pareho silang hosts.

“So iyon nagkaroon ako ng chance na kahit papaano nagkukuwentuhan bilang pareho kaming mga magulang, di ba? Meron kaming pag-uusapan, kamusta na si Zia, kamusta na si Jazz.”

Anak nina Dingdong at Marian Rivera si Zia at anak naman ni Jennylyn si Alex Jazz.

“So iyon, ganun. Yung mga ganung topic.

“Saka kaibigan ko din si Yan.”

Speaking of Marian Rivera, silang dalawa ang nanguna sa “guessing game” kung sino ang lead female star ng DOTS. Napag-usapan ba nila iyon ni Marian?

Continue reading below ↓

“Hindi po. Actually minessage niya ako, kinongrats niya ako, ‘Congrats, Jen!’

“Ganun. So iyon happy naman ako na happy siya.”

Ayon sa direktor nilang si Dominic Zapata, palaging maraming “baon” si Jennylyn; meaning baon na panggulat na acting.

“Kasi hindi ko ginagawa sa rehearsal. Pagka ano nagte-take, tapos pag take 2 iba na naman ulit. Para lang masaya,” at tumawa si Jennylyn.

Pangalawang K-drama na ni Jennylyn ang DOTS; una ay ang My Love From The Star noong 2017.

Ano ang kaibahan ng atake ni Jennylyn sa role niya noon sa MLFTS at ngayon sa Descendants of the Sun?

“Ah, magkaibang-magkaiba po yung character. Bakla ako dun sa isa, tapos dito seryoso naman.”

Ang iba pang bumubuo ng cast ng Descendants of the Sun ay ang military team na sina Antonio Aquitania (bilang Lt. Col. Bienvenido Garcia), Ricardo Cepeda (bilang Lt. Gen. Carlos Defensor), at sina Paul Salas (bilang Marty Talledo), Lucho Ayala (bilang Staff Sergeant Alen Eugenio/Snoopy), Jon Lucas (bilang Staff Sergeant Benjo Tamayo/Harry Potter), at Prince Clemente (bilang Sergeant First Class Randy Katipunan/Picollo).

Continue reading below ↓

Ang medical team naman ay binubuo nina Pacho Magno (bilang Dr. Daniel Spencer), Renz Fernandez (bilang Dr. Earl Jimeno), Chariz Solomon (bilang Nurse Emma Perez), Andre Paras (bilang Dr. Ralph Vergara), Nicole Donesa (bilang Nurse Via Catindig), Reese Tuazon (bilang Dr. Sandra Delgado), Jenzel Angeles (bilang Nurse Hazel Flores), at Bobby Andrews (bilang Dr. Eric Feliciano).

Gananap naman bilang rebelde sina Neil Ryan Sese bilang Rodel dela Cruz, Rich Asuncion bilang Janet Pagsisihan, at Carlo Gonzalez bilang Val.

Ang pamilya naman ni Captain Lucas ay sina Roi Vinzon (bilang Sgt. Major Abraham Manalo) at Hailey Mendes (bilang Judith Manalo). Ina naman ni Dr. Maxine si Marina Benipayo (bilang Olivia dela Cruz).

May cameo appearance rin sa serye sina Tonton Gutierrez (bilang Gen. Cruz), Mark Herras (bilang Orly); Sophie Albert (bilang Dr. Liza Ayson), Kim Rodriguez (bilang Denise); Addy Raj (bilang Alif Fayad), Ronnie Henares bilang Manager Ed, at Gabby Eigenmann bilang Senator Ricardo Sintallan.

Continue reading below ↓

Mapapanood ito pagkatapos ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Since the stars of Descendants of the Sun already started taping, Jennylyn Mercado thought she missed the chance to top-bill and become the leading lady of Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results