Pinag-usapan at mabilis na nag-trending ang "Battle of the Dragons" finale teaser ng ABS-CBN daytime drama series na Kadenang Ginto. Umabot agad sa 3 million views ang teaser after lumabas sa social media.
Sa ginanap na finale presscon ng Kadenang Ginto, nagbigay ng kani-kanilang opinion ang mga bida ng Kapamilya afternoon series na magtatapos ngayong February 7.
“I just want to commend the whole team behind that, lahat sila,” bungad ni Dimples.
“Kasi, uhm, everybody, the whole team, also our directors, and also the ones who made our armours, and our stylists. Kasi, yung buong trailer na yun, it wasn’t just us. There are a lot of people involved in making that trailer.
“I just wanna, this is the only time, you know, when you finished a project, eto na ‘yung panahon ng pasasalamat. Yung wala ka nang ibang, wala nang ibang lalabas sa ‘yo kundi puro pasasalamat.
“So, I just want to thank the group for coming up with something that is very apt for all of us, especially, na eto, patapos na kami. Eto na yung parang humihinog na yung pagiging Mondragon namin. Kaya, ayan, oh. Di ba, Beauts?” tanong niya sa katabing co-star na si Beauty Gonzalez sa finale mediacon.
Sagot ni Beauty, “Yeah, I mean, the first impression na nakita ko yung trailer I was like, ‘Shit! It’s so gay and fun!
“I realized it’s gonna catch attention. It was like, perfect for the show. It’s so cool. And honestly, parang ang saya lang na, na parang people will be expecting, ‘Ano ba? Magiging super powers na ba?'
"Kung anu-ano na lang ang iniisip nila,’ ‘Hindi na ba barilan? Puro na ba sundang?’
“Ano ba ang sundang sa Tagalog?
“Uh, espada? Itak? ‘Kung puro itak na?’
“But you know, it’s just making more things exciting just like the second one, and the first one. It’s just more exciting, and there’s a lot more to expect here talaga. There’s a lot to be more expecting and not expecting in Kadena.
"Kasi, like Romina Mondragon naging action star na.
“Sabi ko nga, ‘Ako na ata si Ricardo Dalisay dito, uh. Pwede na ako mag-apply sa Probinsyano! At pag nagbabaril ako, ‘Animal! Yatay! Pesti! Pesti’ Hahaha!
“So, parang, you know, it’s just fun. They just end it in a fun way kasi we started in a bad way, and we’re very thankful for all the blessings that have been given to us.”
Ipinaliwanag naman ng isa sa creative heads ng Kadenang Ginto, ang Dreamscape Entertainment for Television, na si Rondell Lindayag kung paano nabuo ang finale teaser ng Kapamilya Gold drama series.
“Actually, naghahanap kami, kasi lagi naman kaming ganoon sa pagdating dito gusto naming masaya, kakaiba, yun. So, nag-come-up sila ng gladiator concept. Nung una, tawa lang kami ng tawa nung prini-present nila.
“E, siyempre mas natuwa kami nung makita namin.
“Basically, doon lang naman, e, at sina Adrian, si Mike, sila ang magsasabi kung paano,” lahad ni Rondell.
Nagbigay din paliwanag si Adrian Lim, ang isa sa members ng creative team na nag-brainstorm para sa "Battle of the Dragons" teaser.
“Oo nga, sa Twitter maraming kumakalat nagtri-trip-trip lang daw yung mga writer. Kung paano nabuo,” panimula ni Adrian.
“But in truth, nilaro lang namin yung idea na 'Battle of the Dragons.' Pag sinabi mong dragon, ang maiisip mo mga medieval, mga gladiator.
“So, nilaro lang namin yun. But it’s not really meant to be taken literally. Kasi yun ang nangyayari sa Twitter. They’re expecting na there’s gonna be a scene na ganito.
“Well, sa akin is symbolic lang ang lahat. So, yung shield, shield ng paghihiganti. Uh, sword na, kasamaan, parang ganoon.
“Hindi naman siya meant to be like, yun literally. But you’ll never know kung may ganoon talaga sa show. Ayun.”
May mga netizens na kinukumpara ang Kadenang Ginto teaser na ito sa defunct GMA-7 telefantasya na Encantadia dahil sa costume na suot ng Kapamilya stars.
Narito ang ilan sa hilarious tweets ng netizens:
KADENANG GINTO INDONESIAN VERSION
Sa pagtatapos ng top-rating drama-series sa Kapamilya network this week, nilinaw din ni Rondell ang kaganapan sa Indonesian version ng Kadenang Ginto.
May Gold Squad team din ba ang Indonesian version ng Kadenang Ginto?
“Yes, gagawin nila lahat yun.
“Bale, nag-set kami sa kanila ng storyline, kukunin nila, except siyempre, may minor adjustments sila kasi sa religion.
“Kung ano yung mga hindi nila pwedeng gawin, yung mga ganito, kung ano yung gusto nilang twist, yun.
“Basically, yun. Pero sinundan nila yun. Saka nagko-consult sila as of the last, may tinatanong sila sa amin kung, bakit daw ganoon yung nangyari? Bakit nag-iba yung ibang characters?
“So, mabait naman sila.
“Yes, umeere na siya sa Indonesia.
“Actually, parang last month pa ata siya, umeere na siya sa Indonesia.”
Lastly, sinagot din ni Rondell ang tanong kung bakit nila tatapusin ang Kadenang Ginto when the rating is still high.
“Actually po, matagal na po, nag-extend na po siya. Kumbaga, wala na rin kaming istorya. At the same time, to be fair din po sa audience natin, uh, siyempre naghahanap silang bago everytime. Saka, mas maganda po umexit ng, gracefully, ika nga.”
Kadenang Ginto's Gold Squad is composed of (L-R) Francine Diaz, Kyle Echarri, Andrea Brillantes, and Seth Fedelin