Kisses Delavin to act in her first GMA-7 series after transferring from ABS-CBN

by Rose Garcia
Feb 8, 2020
Kisses Delavin (left frame) joins Daig Kayo ng Lola Ko, her first GMA-7 series, where she works with Kapuso stars Jeric Gonzales (right frame) and Sanya Lopez (wearing orange tail).

Nobyembre 8, 2019 nang mabalitang lumipat ng management at bahagi na ng Triple A ang former ABS-CBN star na si Kisses Delavin.

Ang four-episode appearance ni Kisses sa Daig Kayo ng Lola Ko, na mapapanood simula Linggo, Pebrero 9, ang una niyang sabak sa acting sa Kapuso network.

Naging runner-up noon si Kisses nang sumali siya sa ABS-CBN reality show Pinoy Big Brother: Lucky 7 na umere noong 2017.

Tungkol sa Daig Kayo ng Lola Ko, pahayag ni Kisses: “Magaling po ang direktor, maganda iyung mga sets at pinag-effort-an. Mahinahon ang staff, palangiti at masisipag.”

ito ang sinabi ni Kisses sa PEP.ph via Messenger, nitong Pebrero 7, Biyernes, habang nasa taping ito sa Subic.

“Nagustuhan ko din po ang experience sa pagtatrabaho kasama ang mga Kapuso stars para sa project na ‘to, kasi mabait sila at professional.”

Nang ipakilala si Kisses bilang bagong artist ng Triple A, hindi pa niya nasagot ang tanong kung nangangahulugang sa paglipat niya ng management ay isa na rin siyang Kapuso.

Continue reading below ↓

Sa unang acting show niya sa GMA, masasabi na bang tuluy-tuloy na siyang mapapanood bilang Kapuso?

“Nakahanap na po ako ng bagong tahanan at iyun po ay ang Kapuso network,” ang direktang sagot ng former Kapamilya talent.

“Excited po ako sa bagong journey na ito na tatahakin ko po kasama ang supporters ko.”

Isang mermaid ang karakter na ginagampanan ni Kisses sa Daig Kayo ng Lola Ko, sa kuwentong "Mermaid for Each Other," kunsaan makakasama niya ang Kapuso stars na sina Jeric Gonzales, Gil Cuerva, at Sanya Lopez.

Kadalasan, isa sa dream roles ng mga artistang babae ang gumanap bilang mermaid. Siya rin ba ganun ang pangarap?

“Pangalawang beses ko na po magkaroon ng mermaid role. Pero, unang beses ko po na-experience ang totoong mag-dive sa tubig nang mayroong buntot at lumangoy nang parang sirena dito po sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Anu-ano ang mga nadiskubre, naranasan, o natutunan niya sa loob ng ilang buwan mula nang magdesisyon siyang lumipat?

Continue reading below ↓

Ani Kisses, “That sunny 7th day of November was a long-awaited one, and it was beautiful when it finally came.

“It has been three months yet it feels as if it was only a few days ago. I am grateful that my supporters' initial overwhelmed reaction turned into overwhelming support.

“Nagsisimula pa lang ako pero nararamdaman kong maraming magandang mangyayari sa aking showbiz career kasama ang aking bagong pamilya na Triple A Management na pinagkakatiwalaan ko.

“Excited na po ako.”

Tinapos din ni Kisses ang semester niya noong December sa De La Salle University. Pero ngayon, nagpahinga siya at magpo-focus muna sa career.

At kahit na maraming nagpakita ng suporta sa desisyon niya, hindi mawawala na meron ding namba-bash o negatibo ang mga komento.

Paano niya ito hina-handle?

“Tina-trust ko kay God ang lahat ng bagay at tinatandaan kong mas higit na nakararami ang mga sumusuporta at nagmamahal kaysa sa mga negatibong nagko-comment.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin (left frame) joins Daig Kayo ng Lola Ko, her first GMA-7 series, where she works with Kapuso stars Jeric Gonzales (right frame) and Sanya Lopez (wearing orange tail).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results