Prince Clemente lauds Dingdong Dantes's leadership, humility

by Ruel J. Mendoza
Feb 9, 2020
Young Kapuso actor Prince Clemente lauds Descendants of the Sun lead star Dingdong Dantes (right photo, center) for his leadership, particularly during their short but intensive military training for the local remake of the Korean drama series.
PHOTO/S: Instagram

Pinakamalaking break ng Kapuso hunk na si Prince Clemente ang makasama sa cast ng Philippine version ng hit Koreanovella na Descendants of the Sun (DOTS).

Gaganap si Prince bilang si Sgt. First Class Randy Katipunan a.k.a. Piccolo sa DOTS.

"Noong pinag-audition po ako, hindi ko pa alam kung ano iyung role na ibibigay nila sa akin. Pero familiar na ako sa Descendants of the Sun.

"Noong dumating ako sa araw ng audition, ang dami namin doon. Kaya parang kinabahan ako, kasi iyung iba sa audition, mas kilala sila kesa sa akin.

"After the audition, sinabi ko sa manager ko, gusto ko kahit anong role at ang payo niya sa akin, mag-pray ako.

"Wala akong natanggap na pasabi na natanggap ako, kaya ang akala ko, hindi ako nakapasa sa audition.

"Kaya nang makuha ko ang role bilang si Picollo, sobra ang saya ko, sobra akong na-overwhelm. Sino ba naman ang hindi ma-o-overwhelm sa laki ng project?” kuwento ni Prince sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Na-interview si Prince ng PEP.ph sa media conference ng Descendants of the Sun, noong Enero 30, sa Studio 7 ng GMA Annex Building, Quezon City.

Continue reading below ↓

GRUELING BOOT CAMP

Nang mabuo na ang Alpha Team, isinabak na sila sa 25-hour military training sa Fort Magsaysay sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, kasama ang ilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Doon daw naranasan ni Prince ang pinakamatinding workout sa buong buhay niya.

Lahad niya, "Sanay po ako mag-workout every day, pero iba ang workout pala sa military.

"Walang pahinga, walang kain hanggang hindi mo natatapos ang mga dapat na pagpawisan mo sa camp.

"May pagkakataon na gusto mo nang sumuka dahil sa sobrang hirap ng pinapagawa sa inyo. Pero walang sumuko sa Alpha Team.

"Doon ko lang naranasan ang magbuhat ng troso, magtusok-ulo, tumakbo nang ilang oras, umakyat sa mataas sabay baba ka nang mabilis.

"Kaya lumaki ang respeto namin sa AFP dahil sa nasaksihan naming training nila.

"Kung kami nga na two days lang nag-training ay halos hindi na kami makagalaw the next day, what more sila na halos isang buwan ang ganoong klaseng training? Kaya saludo kami sa kanilang lahat."

Continue reading below ↓

RESPECT FOR DINGDONG

Lalong humanga si Prince sa leader ng Alpha Team na si Dingdong Dantes dahil nakita niyang wala itong reklamo sa pinagdaanan nilang training.

Kuwento niya, "Noon pa ako humahanga kay Kuya Dong, noong wala pa ako sa showbiz. Pero noong makasama ko na siya, lalo akong humanga, kasi iba siyang sumuporta.

"Tsaka magkakasama kami sa training, kung nahihirapan kami, nahihirapan din siya. Pero siya pa itong nagpu-push sa amin, kasi kailangang magiging matatag ang Alpha Team.

"Nakakahiyang magreklamo, di ba? Kasi, si Kuya Dong, hindi mo siya narinig na nagrereklamo.

"Kaya kami nila Jon [Lucas], Paul [Salas], Rocco [Nacino] at Lucho [Ayala], ibinigay namin ang lahat ng makakaya namin for the Alpha Team, at para maging proud si Kuya Dong sa amin.

"Nakakabilib din ang pagiging humble ni Kuya Dong. Kahit walang taping, kapag libre kami, lumalabas kami para lang mag-bonding. Kaya idol ko si Kuya Dong,” ngiti ni Prince.

Continue reading below ↓

STARSTRUCK ALUMNUS

Produkto ng artista search na StarStruck Season 6 si Prince Clemente. Ka-batch niya ang winners na sina Migo Adecer at Klea Pineda.

Pagkatapos ng StarStruck ay nabuo ang all-boy group na One Up kunsaan nakasama ni Prince ang ilang ka-batch niya—sina Dave Bornea, Jay Arcilla, Nikki Co, Joemarie Nielsen, Arjan Jimenez, at Kevin Sagra.

Napasama si Prince sa mga GMA teleserye na Once Again, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Sahaya, Kara Mia, at The Better Woman.

Lumabas din siya sa Dear Uge, Tadhana, Magpakailanman, Unang Hirit, Maynila, Karelasyon at Imbestigador.

Naging endorser din siya ng underwear brand na Boardwalk.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young Kapuso actor Prince Clemente lauds Descendants of the Sun lead star Dingdong Dantes (right photo, center) for his leadership, particularly during their short but intensive military training for the local remake of the Korean drama series.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results