Kapuso actress Reese Tuazon puts baby plans on hold

by Ruel J. Mendoza
Feb 9, 2020
Kapuso actress Reese Tuazon cites reasons why she and husband Victor Roi Guingona agreed to put their baby plans on hold.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

Sa February 25 ay magse-celebrate ang Kapuso actress na si Reese Tuazon ng kanyang first wedding anniversary.

Ikinasal siya last year sa kanyang high school sweetheart na si Victor Roi Guingona.

Walang conflict sa kanilang mag-asawa ang pagiging aktibo niya sa showbiz.

Pahayag niya, "We are both busy rin naman. My husband is based in Zamboanga City. Ako, nandito sa Manila.

"Hindi issue sa amin ang malayo kami sa isa't isa because every week, nandito siya.

"Hindi rin naging issue sa kanya ang pagiging artista ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Reese sa media launch ng GMA Primetime teleserye na Descendants of the Sun, noong Enero 30, sa GMA Annex Building, Quezon City.

BABY PLANS

Nasa planning stage pa ang kanilang magiging unang baby.

Ani Reese, "Paplanuhin pa namin because may kanya-kanya kaming trabaho ng husband ko.

"We're both young pa naman. I'm 27 and he's 30, we want to travel more and do other things pa. We want to spend more time with each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tsaka katatapos lang ng house na ipinagawa namin. We want to save again for our future baby."

NO REGRETS

No regrets si Reese na hindi niya naranasan ang sumali sa isang beauty pageant.

Marami ang nagpu-push sa kanya noon na sumali sa beauty pageants pero wala talagang hilig dito si Reese.

"Nasa UST [University of Santo Tomas] pa ako noon taking up nursing noong may gustong magsali sa akin sa isang pageant.

"I guess, may mga tao po talaga na ipinanganak para sumali sa mga ganyan. It's not for me. I was focused on my studies talaga," kuwento ni Reese.

Nakilala si Reese dahil sa video series ng Jollibee na Kuwentong Jollibee at sabay nito ang pagpasok niya bilang talent ng GMA-7.

Lahad niya, "My first teleserye was Victor Magtanggol with Alden Richards. Parang sinubukan ko lang kung magugustuhan ko ang trabahong ito.

"And I really enjoyed myself. I love working with different people. Kaya sinabi ko, 'Okey, ituluy-tuloy ko na ito.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya I was happy that they gave me a role in Descendants of the Sun as Dr. Sandra Delgado.

"Iba kasi ang impact ng original Koreanovela and we're praying na maganda ang pagtanggap ng marami sa Philippine version ng DOTS."

NURSE IN REAL LIFE

In real life ay registered nurse si Reese kaya may alam na siya sa mga medical training sa kanila para sa teleserye.

"Pinagdaanan ko na kasi lahat ng ipinagawa nila sa amin sa training.

"Others were shocked to know na nurse pala ako sa tunay na buhay, kasi, alam ko 'yung mga medical terms na ginagamit.

"Parang nag-review na lang ulit ako," ngiti pa niya.

Mas pinili ni Reese na magnegosyo na lang sa Pilipinas kesa magtrabaho bilang nurse sa Amerika.

Saad niya, "After I passed the board, I was supposed to work na sa isang hospital sa New York.

"Pero my lola stopped me at sinabi niya na dito na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, naisip ko na lang mag-business dito at maging personal nurse na lang ako sa pamilya ko."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Reese Tuazon cites reasons why she and husband Victor Roi Guingona agreed to put their baby plans on hold.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results