Pia Wurtzbach announces gig as NBA All-Star 2020 reporter

by Jet Hitosis
2 days ago
Pia Wurtzbach will cover the annual NBA All-Star Weekend on February 14-16 in Chicago, Illinois: “I promise to work hard, just like ‘The King’ LeBron James, in posting highlights and results. I will be your eyes on and off the court.”
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

Si Pia Wurtzbach ang magko-cover ng NBA All-Star 2020 sa Chicago, Illinois ngayong weekend.

Ang NBA (National Basketball Association) All-Star Weekend ng Amerika ay isang three-day event na isinasagawa tuwing February ng bawat taon.

Pangunahing tampok sa event ang NBA All-Star game, isang basketball exhibition game kung saan hahatiin sa dalawang koponan at paglalabanin ang 24 sa pinakamahuhusay na NBA players sa kasalukuyan.

Sa Linggo ng gabi, February 16, isasagawa ang NBA All-Star game, na mapapanood sa Pilipinas Lunes ng umaga, February 17.

Mismong ang Miss Universe 2015 ang nag-announce ng balita sa official Facebook account ng NBA Philippines nitong Martes, February 11.

“I’ll be representing the Republika during the NBA All-Star Weekend, and I’m just so excited,” sinabi ni Pia sa video announcement na ipinost ng NBA Philippines.

Tiniyak din ng 30-anyos na beauty queen na magbibigay siya ng updated posts tungkol sa All-Star Game bilang “your eyes on and off the court.”

Continue reading below ↓

Sabi ni Pia: “I promise to work hard, just like ‘The King’ LeBron James, in posting highlights and results.

“I will be your eyes on and off the court.”

Si LeBron, 35, ang power forward ng Los Angeles Lakers, at kinikilala bilang isa sa pinakamahuhusay na basketball players of all time.

Continue reading below ↓

Nagkamit ng tatlong NBA championships, apat na NBA Most Valuable Player (MVP) at tatlong NBA Finals MVP awards si LeBron sa nakalipas na 17 taon ng kanyang basketball career.

FROM NEW YORK TO CHICAGO

Para sa NBA All-Star Weekend sa February 14-16, nasa Chicago ngayon si Pia, batay sa mga litrato sa kanyang Instagram Stories nitong Huwebes, February 13, at Biyernes, February 14.

Dumating ang beauty queen sa Chicago nitong Miyerkules, February 12.

Continue reading below ↓

Sa isang litrato, ipinakita ni Pia ang sari-saring NBA All-Star 2020 merchandise para sa pinakahihintay na annual event.

May litrato rin ang beauty queen sa harap ng sikat na The Chicago Bean sculpture sa Millennium Park.

Tinaguriang The Bean ang stainless steel sculpture, pero Cloud Gate ang opisyal na pangalan ng popular tourist attraction.

Continue reading below ↓

Ang The Bean ay idinisenyo ng Indian-born British artist na si Sir Anish Kapoor, at binuksan sa publiko noong 2006.

Sa isa pang picture ni Pia, suot ng beauty queen ang T-shirt mula sa NBA Philippines, at bagamat may trench coat, sinabi niyang ginaw na ginaw siya.

Continue reading below ↓

Bago magtungo sa Chicago, nagpunta si Pia sa New York City, kung saan pinaniniwalaang nakasama ng dating Miss Universe ang nali-link sa kanya ngayong si Jeremy Jauncey.

Si Jeremy, 34, ang Scottish-Colombian founder at chief executive officer (CEO) ng social media-savvy creative agency na Beautiful Destinations.

Continue reading below ↓

Una nang nabalitang magkasamang nag-celebrate ng New Year’s Eve sina Pia at Jeremy sa Indonesia noong December 31, 2019.

Ang Pinoy Formula 1 racer na si Marlon Stockinger ang huling nakarelasyon ng ikatlong Pinay Miss Universe.

SPORTING EVENTS REPORTER

Samantala, hindi ito ang unang beses na nag-cover ng isang sporting event si Pia.

February 2016, at katatapos lang niyang koronahan bilang Miss Universe 2015, nang maging special correspondent siya para sa Super Bowl 50.

Ang Super Bowl ang annual championship game ng National Football League (NFL) ng Amerika.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach will cover the annual NBA All-Star Weekend on February 14-16 in Chicago, Illinois: “I promise to work hard, just like ‘The King’ LeBron James, in posting highlights and results. I will be your eyes on and off the court.”
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results