Kyline Alcantara happy to be partnered with newcomer Yasser Marta

by Glenn Regondola
Feb 16, 2020
Kyline Alcantara on Bilangin Ang Bituin sa Langit leading man Yasser Marta (right): “Well, he’s a funny guy, and alam ninyo po ba kung paano magsalita si Kuya Gabby Concepcion? Ganun na ganun siya.”

Okay lang kay Kyline Alcantara na ang baguhang si Yasser Marta ang katambal niya sa bagong GMA-7 teleserye na Bilangin Ang Bituin sa Langit.

“Masaya po na kasama ko si Yasser, kasi, sa Kambal Karibal po ay nakita ko naman na magaling po siya,” pahayag ng 17-year-old Kapuso actress sa presscon noong February 11 sa GMA Network Center, Timog Ave., Q.C.

“Okay po siyang ka-partner. Gentleman somehow. Gentleman naman po siya.

“And nakikipag-communicate po siya kung ano ang dapat gawin. Nagtatanong siya, ‘Paano ba natin ito aatakihin? Kaya ba kitang hawakan sa likod?’

“Maayos siyang ka-partner... Halata po sa kanya na napi-pressure din po siya. Kasi, ito ang biggest role niya so far.

“So, I’m here to help him. We’re here to help each other.”

Gusto rin daw niyang makatulong sa isang baguhan, na gusto ring magkaroon ng pag-angat sa career, dahil ganoon siya nagsimula.

“Yes, and I’m happy for him. Kasi, nahalata ko, even my parents, nahalata nila si Yasser na nag-i-effort siya,” pahayag ni Kyline.

Continue reading below ↓

“It’s nice, it’s nice. Nahahalata naman na...”

As much as possible, ayaw ni Kyline na may ka-love team dahil gusto niya ay solong career ang kanyang tatahakin.

“I’m thankful pa rin kay Yasser, kasi, ibinigay pa rin siya sa akin ng network,” sambit ni Kyline.

“Si Yasser kasi for me, may character.

“Well, he’s a funny guy, and alam ninyo po ba kung paano magsalita si Kuya Gabby Concepcion? Ganun na ganun siya.

“Kasi, nagkasama kami sa Love You Too, and nung makasama ko si Kuya Gabby sa isang regional show, ganun na ganun si Yasser.

“Kung paano mag-start ng conversation, kung paano magbiru-biro. Ganyan. Masaya.”

Paano niya ikukumpara ang bagong leading man niya sa mga nakaraang leading men niya na sina Jeric Gonzales at Manolo Pedrosa?

“A, lahat po sila, may kanya-kanyang pag-atake sa kanilang character, o scene,” safe na tugon ni Kyline. Mapapanood ang pilot episode ng Bilangin Ang Bituin sa Langit sa February 24, 2020.

Continue reading below ↓

“And so far, lahat naman po sila ay good acting. Wala naman akong masabi.”

Sabi-sabi, nahahalata na ang admiration sa kanya ni Yasser ay nagiging on a personal level na?

“Oy, grabe po yun! I’m seventeen. Just admire me from afar! Biro lang.

“Ang ganda mo, Kyline!” pagbibiro pa niya sa sarili.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on Bilangin Ang Bituin sa Langit leading man Yasser Marta (right): “Well, he’s a funny guy, and alam ninyo po ba kung paano magsalita si Kuya Gabby Concepcion? Ganun na ganun siya.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results