Papatok kaya ang first-time na tambalang Marian Rivera-Gabby Concepcion?

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Feb 19, 2020
PHOTO/S: @marianrivera / @cassy Instagram

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Marian Rivera at Gabby Concepcion sa bagong GMA-7 primetime series na First Yaya.

Matagal na raw na nakaabang ang nasabing proyekto ng Kapuso network para kay Marian na naging abala naman sa kanyang mga anak mula nang magbakasyon pansamantala sa telebisyon at pelikula.

Video: GMA News.

Sa panayam ni Audrey Carampel ng 24 Oras, kering-keri raw ni Marian ang role ng isang yaya ng mga anak ng presidente, na gagampanan ni Gabby, dahil sa pagiging hands-on mom niya kina Zia at Ziggy.

"Malaking magiging factor nun, kasi ang hirap umarte ng isang bagay na hindi mo pa nararanansan, e. At least, itong sa First Yaya, yung mga eksena dito, at least, naranasan ko na," sabi ni Marian.

Kasama sa First Yaya sina Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Pancho Magno, Kelvin Miranda, Princess Aguilar, Baby Baste, at Cassy Legaspi na first time namang aarte sa isang teleserye.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @marianrivera / @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results