Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mapagkasundo kaya ni Vicky Morales ang nagbabangayang magbiyenan?

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Feb 22, 2020
From "Fairy Godmother" ay "Referee Godmother" na si Vicky Morales sa bago niyang programang Ilaban Natin 'Yan!
PHOTO/S: @kapusogirlpr Instagram / 24 Oras, GMA-7

Sa bagong programa ng dating Wish Ko Lang host na si Vicky Morales na Ilaban Natin 'Yan!, maghahanap sila ng mga indibiduwal na nasa gitna ng pagtatalo at sisikaping pagkasunduin ang mga ito.

Video: GMA News.

Katulad ng nahanap nilang nagbabangayang magbiyenan sa isang baranggay para sa kanilang unang episode na may titulong "Manugang," paghaharapin at susubukan ni Vicky na resolbahin ang di-pagkakasundo ng mga ito.

Pero kung hindi man magkasundo, ani Vicky, "At the very least, ang gusto kong mangyari, is for them to talk to each other respectfully. Kasi pag may respect, pag pag-asa pa yung makikipagbati sila sa isa't isa."

Bukod sa ipapakitang paghaharap ng di-magkasundong magbiyenan, may reenactment pa ng kanilang situwasyon kung saan gaganap sina Jaclyn Jose, Thea Tolentino, Faye Lorenzo, Anjo Damiles, at Kevin Sagra.

Gagampanan ni Jaclyn ang role ng biyenan na may anak na dalawang lalaki (Anjo at Kevin) na hindi kasundo ang mga manugang na sina Thea at Faye.

Continue reading below ↓

Kasama ni Vicky sa bagong programang ito ng GMA-7 sina Gladys Reyes at Cai Cortez.

Mapapanood ang unang episode ng Ilaban Natin 'Yan! mamayang hapon sa GMA-7, alas-4:30 nang hapon.

May alam ba kayong puwedeng pagkasunduin ni Vicky?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From "Fairy Godmother" ay "Referee Godmother" na si Vicky Morales sa bago niyang programang Ilaban Natin 'Yan!
PHOTO/S: @kapusogirlpr Instagram / 24 Oras, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results