Maiuwi kaya ang P1 million sa "Kakasa Ka Ba sa Grade 5?"


Si Janno Gibbs ang Chairman of the Blackboard saGMA-7 game show na Kakasa Ka Ba sa Grade 5? Mapapanood ito sa Kapuso network tuwing Sabado, ganap na 6:30 ng gabi.



Todoreview ang maraming mga propesyunal ngayon na gustong maging milyonaryo sa KakasaKa Ba sa Grade 5? Ito na ang isa sa Saturday television viewing habits ngmga manonood, bagets man o hindi, na sumusubaybay sa Kapuso network.

Hostedby Janno Gibbs, ang Kakasa Ka ba sa Grade 5? ay quiz show ng mgapropesyunal at hindi ng mga estudyante. At hindi basta-basta ang mgatanong dahil magmumula ito sa mga textbooks ng mga mag-aaral mula Grade 1hanggang Grade 5, na may mga subjects tulad ng Science, English, Filipino,Hekasi (Heograpiya, Kasaysayan at Sibika) pati na rin MAPE (Music, Arts atPhysical Education).

AngKakasa Ka Ba sa Grade 5? ay ang Pinoy version ng Are You Smarter Thana Fifth Grader ng U.S. mula sa Mark Burnett productions. Mapa-U.S. man omapa-Pilipinas, talagang kinahihiligan ang quiz-game show na ito. Maramingnatututunan ang mga manonood sa naturang palabas bukod pa sa nahahasa rin angmemorya sa pagsabay sa pagsagot ng 10 katanungan sa firstround. Ngayong Sabado, makaabot kaya sa final round, o one-million-peso question,ang dalwang contestants na office administrator at sales manager?

Alaminkung ang maiuuwi ba nila ay cash at kalabasa award o ang isang milyongpiso. Isa na kaya sa kanila ang kauna-unahang milyonaryo sa Kakasa Ka Ba saGrade 5? Abangan sa ganap na 6:30 ng gabi sa GMA-7 ngayong Sabado, January12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN