Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Benjamin Alves downplays comparison with uncle Piolo Pascual

by Rommel Gonzales
Feb 27, 2020
"Wala po akong pinangarap na parang habulin po si Kuya PJ," says Benjamin Alves about his uncle, Piolo Pascual.

Noong 2006 pa nag-umpisang mag-artista si Benjamin Alves. Importante ba sa kanya ang acting award?

“Hindi naman… ang hirap po kasing sabihin na hindi siya importante. Parang magsisinungaling po tayo pag sinabi nating hindi importante,” sabi ng 30-anyos na aktor.

“Parang ano po yan, e, parang sa trabaho, kahit anong trabaho, parang naghahanap ka ng recognition na nagagawa mo nang maayos at mabuti yung trabaho mo.

“Although nakukuha ko naman po yun sa director, sa co-actors ko, masaya na po ako sa ganun.

“Pero siyempre, plus na rin po yung parang hindi lang po yung nasa katrabaho ko or nasa taping po yung nakaka-appreciate po.

“Kapag may mga award-giving bodies, na parang meron pa palang iba na makaka-appreciate ng ano po, more than the ticket sales, more than ratings po namin.

“Para po sa actor, yung ratings po, natutuwa po ako dun, malaking ano po yun, thankful po ako dun. Pero yung mabigyan ka ng award, ibang ano naman po yun, ibang pasasalamat at yun nga po kasi…”

Continue reading below ↓

Parang fulfillment?

“Opo, fulfillment po yun sa lahat. Parang benchmark po bilang… hindi ko po alam, kasi hindi ko po alam kung tama po, pero para sa akin po, yeah, yun nga po, ang hirap anuhin e, paikut-ikot tayo pero yun nga, siyempre mahalaga po yun.

“Ang hirap pong sabihin na hindi, e. Ang hirap sabihin, although hindi po ako gumagawa ng trabaho para mabigyan ng award, na gagawin ko ito para sa award, pang-award ito.”

Hindi ba yun ang reason?

“Opo, pero parang, ‘Ay may naka-notice, may naka-recognize!’

“Na yung pinaghihirapan ninyo, yung passion mo, na naa-appreciate po.”

Lalo na ang uncle niyang si Piolo Pascual ay isang multi-awarded actor.

“Yeah, yun nga po.”

Pressure ba kay Benjamin iyon dahil ang husay-husay na aktor ni Piolo at parang ini-expect din ng mga tao iyon sa kanya?

“Kung hahabulin ko pa po yun medyo… Hindi ko po... wala po akong pinangarap na parang habulin po si Kuya PJ, parang alam ko naman po yung career ko is sa akin po yun, e, eto po yung takbo ng career ko.

Continue reading below ↓

“Hindi ko naman po parang… pag hindi ko nakamit lahat ng ginawa ni Kuya PJ, parang magiging failure na yun sa akin.

"Parang ako po ‘to, e, ito yung magagawa ko, ito po yung hanggang sa kaya ko, ito po yung passion ko, ito yung trajectory ng career ko.

“Happy na po ako kung ano yung pupuntahin ko ng career ko. Hindi ko na po kino-compare sa kanya,” lahad pa ni Benjamin nang nakapanayam namin sa lobby ng GMA Network nitong February 17, Lunes.

Tampok sina Benjamin at Andrea Torres sa kuwento ng pag-iibigan ng isang barumbado at isang simpleng babae sa Pebrero 29, Sabado nang gabi sa Magpakailanman ng GMA-7.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala po akong pinangarap na parang habulin po si Kuya PJ," says Benjamin Alves about his uncle, Piolo Pascual.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results