Marian Rivera on why she turned down Marian Season 3: "Gusto ko rin mag-rest para magka-baby kami.”

Marian Rivera explains why she turned down the chance to host a third season of her musical dance show: "Kailangan ko rin siguro na pahalagahan ang kasal na mangyayari sa amin ni Dong [Dingdong Dantes]. Especially, gusto ko rin mag-rest para magka-baby kami.”



Mixed emotions ang naramdaman ni Marian Rivera sa huling araw ng taping nila para sa second season ng kanyang dance show na Marian.

Pahayag ni Marian noong November 29 sa Studio 7 ng GMA Network, “Una sa lahat, napamahal na sa akin ang Marian.

"Ang mga staff and crew, especially yung mga dancers, nakita ko rin ang effort nila...

“Mas lalo ko silang na-appreciate na hindi biro ang ginagawa nila tuwing magte-taping ng Marian.

"Kung paano nila binubuhos ang pagmamahal nila sa pagsasayaw.

"So thankful ako sa mga dancers na ito, hindi mapuputol ang friendship namin dahil natapos na ang Marian.

"Siyempre, ang mga directors na nagdaan sa Marian, sina Direk Louie [Ignacio] and Direk Mark [Reyes]...

"Sa staff and crew na sobra-sobra akong inaalagaan.

"Alam ko kung gaano rin nila ako kamahal, so nakakalungkot na matatapos ‘to.

“Pero masaya ako na looking forward ako sa panibagong yugto ng buhay ko."

Lahad pa ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers, "At saka dapat nagpapahinga na talaga ako.

Natatawang dagdag pa niya, "Marami akong dapat intindihin talaga," bilang pagtukoy sa nalalapit na kasal nila ni Dingdong Dantes sa December 30.


Napilit nga raw niyang makipagsayaw sa kanya ang fiancé bilang special guest sa finale episode ng Marian na mapapanood sa December 6.

Kuwento ni Marian, “Napilit ko siya. Actually, ayaw na niyang sumayaw.

"Sabi ko last episode na ng Marian, sana siya ang guest ko."

Napa-oo daw niya si Dingdong dahil naging mahalaga rin ang show sa aktor bilang dito niya ginawa ang kanyang second proposal kay Marian.

Sa last episode pala ng Marian ang opisyal na last dance nila ni Dingdong bilang mga single dahil ang susunod, mag-asawa na sila.

“Oo,” nakangiting sabi niya.

Ang kantang “Only Girl in The World” ni Rihanna daw ang isinayaw nilang dalawa.

May pumuna naman kay Marian na tila nagbawas na naman siya ng timbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi naman niya, “Pumayat na naman ako?

"Kagabi lang may nagsabi sa akin na tumaba ako.

"Nagsayaw lang ako!”

Pero dugtong din niya, “Importante, hindi haggard.”

Yun naman ang napapansin sa kanya. Kahit busy siya, walang sapat na tulog, parang palagi naman siyang fresh pa rin at blooming.

Ano yun, pinagpala lang talaga ang ganda niya?

“Hindi!” natawang sagot niya.

“Masaya lang kasi ako. Masaya lang ako sa nangyayari sa buhay ko, ine-enjoy ko lang ang bawat moment ko.

"At sabi ko nga, sa rami ng nangyayari sa akin at mga taong nagdadaan sa akin, especially dito sa Team Marian.

"Mapalad ako na nakilala ko sila, kanina nga lang, nagdyo-joke na, 'O, matatapos na ang Marian.'

"Nakikita ko parang ang lungkot nila. Sabi nila, 'Yan, mamimiss ka namin.

"Nakaka-touch lang na minahal nila ko ng ganun.”

THIRD SEASON FOR MARIAN? Paano kapag sinabi sa kanya ng GMA-7 na may third season pa ang Marian?

“E, sinasabi nga nila sa akin na, 'Yan, mag-season three pa.

"Pero sabi ko, pagbigyan niyo naman ako.

"Dapat kasi ang Marian matatapos ng season one, yung season two, hindi.

“Hindi naman sa ayaw ko ‘to, sobrang gusto ko ang pagsasayaw, mahal ko ang Marian.

"Pero sabi ko, kailangan ko rin siguro na pahalagahan ang kasal na mangyayari sa amin ni Dong.

“Especially, gusto ko rin mag-rest para magka-baby kami.”

Nangako naman daw siya na tatapusin niya ang kanyang mga commitment tulad ng pelikulang My Big Bossing.

"Hanggang matapos ako, ibibigay ko yun,” saad ng Kapuso Primetime Queen.

Pagkatapos ng kasal, ano ang nabi-visualize niya sa sarili niya bilang maybahay, yung pagiging Mrs. Dantes?

“Malaking bagay ang salitang pagpapakasal bilang ‘eto yung simbolo na...

"Siyempre, isa ito sa nilu-look forward namin together na, finally, mag-iisang dibdib na kami at magiging isa kaming dalawa.

"So, masarap siguro na paggising mo ng umaga, e, katabi mo yung taong mahal na mahal mong talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN