Rita de Guzman recounts being bullied as PopStar Kids contestant

Her mean girl character in Strawberry Lane is her exact opposite, says Rita de Guzman: "Kasi ako pag galit, pag sobrang puno na ako, umiiyak na lang ako, e."


Kahit kontrabida siya bilang si Lavinia sa Strawberry Lane ng GMA-7, mabait daw sa tunay na buhay si Rita de Guzman.

Malayo raw sa katauhan ni Lavinia ang tunay na pagkatao ni Rita.

“Ay, 'te, sobrang layo,” ang tumatawang bulalas ni Rita.

“Ako, hindi ko talaga kayang magpahiya ng tao sa harap ng iba.

“Hindi talaga. 'Tsaka ayoko ng nananakit, e.”

Sa tunay na buhay ay never raw niyang ginawa ang magtaray sa isang tao.

“Hindi ko talaga kaya.

“Ang ginagawa ko kinakausap ko, kami lang.

"Pero hindi ko siya... pag kami lang, pak, pak, ganun?

“Hindi! Usap na malumanay.

"Kasi hindi ko talaga kaya yung mananakit, hindi talaga.

"Pag, dyusko, pag galit, ako yung…

"Kasi ako pag galit, pag sobrang puno na ako, umiiyak na lang ako, e.

“Hindi na ako nakakapagsalita so hindi ko kaya yung manakit.”

BULLIED. Ang rebelasyon ni Rita sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sa tunay na buhay ay siya pala ang ilang beses ng na-bully ng iba!

“Oo, nung grade school ako, kasi honor student ako nung grade school ako.

"Pero isa rin yun sa nag-push sa akin kung bakit ako naging honor student.

“Kasi meron akong kaklase na talagang hindi siya nawawala sa top list tapos sinasabi niya, ‘O sige nga, nine times nine?’

“Ginaganun niya ako, hindi ako sasagot, nakatingin lang ako sa kanya.

"'Tapos, sasabihin niya, ‘O hindi mo masagot, bobo ka pala, e!’

“May ganun. Umiyak ako nun tsaka sinumbong ko sa mama ko.

"Siyempre natatakot ako, pinagtutulungan ako nun.

"Siguro mga dalawa lang sila pero powerful.

“Kasi alam kong matalino sila, alam nila, e.

‘Hindi naman ako yung pag talagang tinanong mo sagot agad.

"Siyempre pag-iisipan ko muna yun, 'tapos nasa-shock ka.”

At kahit nagsisimula na raw siya sa pagkanta ay nakaranas pa rin siya ng pambu-bully.

“Nung sumali ako sa PopStar Kids, binully rin ako ng isang contestant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung pilot episode iyon, e.

“'Di ba pag first taping niyan iba-ibang episode, e, bigla akong nalipat nun sa pilot.

“So siyempre yung isang dapat nasa pilot, tinalakan ako!

“Sama-sama kami, nagsi-CR, pinaparinggan niya ako, halatang ako.

“Sabi niya, ‘Hindi naman magaling 'yan, hindi naman maganda ang boses niyan, ang liit-liit pa!’

“Iyan ang mga pambu-bully na naranasan ko noong maliit ako.”

Hindi na raw nakita pa o nalaman ni Rita kung ano na ang nangyari sa naturang contestant at si Rita naman ang tinanghal na grand champion noon sa Popstar Kids.

“Ewan ko siguro totoo yung sinasabi nila na the more na ikaw yung parang sinasabi nilang underdog ka, parang ikaw pa yung mas nagiging successful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN