Ara Mina declares love for both GMA-7 and ABS-CBN

by Rommel Gonzales
Mar 2, 2020
Ara Mina on working for both ABS-CBN and GMA-7: “Pareho kong mamahalin, kasi naging part talaga sila ng… Hindi ako makakarating sa estado ko kung hindi dahil sa GMA at ABS.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Dahil nasa ABS-CBN ngayon si Ara Mina, hiningan namin siya ng opinyon tungkol sa franchise renewal issue ng Kapamilya Network.

“Well, siyempre lahat naman tayo, nakaka-sad naman kung magsasara ang ABS.

"Kasi, ang daming nabibigyan ng trabaho.

"Pero lahat naman nadadaan sa tamang proseso, and siyempre hindi ko naman alam ang puno’t dulo, so magdasal na lang tayo kung ano, sana maayos ang lahat.”

Ang pinakaunang TV show ni Ara ay That’s Entertainment sa GMA 7, kaya nagsimula siya bilang Kapuso.

“Sa GMA, and then after That’s Entertainment, napunta ako sa… paganun-ganun kasi ako e.”

Ang pinakamahabang naging partisipasyon niya ay sa Kapuso gag show na Bubble Gang?

“Yes, ten years! Pero bago ako mag-Bubble Gang, galing akong ABS, nag-ano ako e, ‘Sang Linggo nAPO Sila.

"Tapos, nagkaroon ako ng Sabado Live, and yung first album ko is with Star Records.”

Ang puso pala ni Ara ay hati sa ABS-CBN at GMA-7?

Continue reading below ↓

“Mahal ko parehas ang network, kasi naging part talaga ng career ko ang ABS tsaka GMA.”

Hindi niya kayang pumili kung sakali?

Tumawa muna ang aktres bago sumagot, “Pareho kong mamahalin, kasi naging part talaga sila ng…

"Hindi ako makakarating sa estado ko kung hindi dahil sa GMA at ABS.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa birthday party ni Anna Pingol nitong Martes, February 25 sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

WORKING WITH COCO MARTIN

Sa ngayon ay napapanood si Ara sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kumustang katrabaho si Coco Martin?

Ayon kay Ara, “Si Coco, isang beses ko lang nakasama sa taping.

"Kasi, lagi kaming magkahiwalay ng location, pero nagkatrabaho na kami before sa Ligaw na Bulaklak.

“So, ayun, wala namang nabago. Actually, nag-reminisce pa kami.”

Ng ano? Niligawan ba siya ni Coco noon?

Muling tumawa si Ara bago sumagot.

“Hindi! Nag-reminisce kami noong sa Ligaw na Bulaklak.”

Continue reading below ↓

Magkapatid sila ni Coco sa Ligaw na Bulaklak na umere sa ABS-CBN noong 2008.

For the record, niligawan ba si Ara ni Coco?

“Hindi. Sayang nga, hindi niya ko niligawan, e. Ha! Ha! Ha!”

BUBBLE GANG

Samantala, kamakailan ay muling napanood si Rufa Mae Quinto sa Bubble Gang. Ano ang reaksiyon dito ni Ara?

“Bumalik ba?” tanong niya.

Nag-guest si Rufa Mae sa Bubble Gang. Tulad ni Ara ay lumipat na sa Kapamilya Network si Rufa Mae.

“Ay, nag-guest din ako sa Bubble Gang,” bulalas ni Ara.

“Nung ano, December yata, December or November.

"Kasi, gine-guest talaga ni Bitoy [Michael V] iyung former members, kasi nami-miss niya kami.”

Hindi exclusive ang contract ni Ara sa ABS-CBN.

“Per show ang contract ko, kasi sa mga status namin, hindi na kami… hindi exclusive, e.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on working for both ABS-CBN and GMA-7: “Pareho kong mamahalin, kasi naging part talaga sila ng… Hindi ako makakarating sa estado ko kung hindi dahil sa GMA at ABS.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results