Lovi Poe, Benjamin Alves reunite for rom-com teleserye Owe My Love

by Ruel J. Mendoza
Mar 4, 2020
PHOTO/S: @artistcenter on Instagram

Magre-reunite ang GMA-7 stars na sina Lovi Poe at Benjamin Alves sa upcoming Kapuso rom-com teleserye na Owe My Love.

Sa naganap na story conference kamakailan, nakasama ni Lovi at Ben ang kanilang fellow cast members na sina Ai-Ai delas Alas, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Kiray Celis, Jason Francisco, Long Mejia, Pekto Nacua, Brod Pete, Buboy Villar, Divine Tetay, Donita Nose, Jon Gutierrez a.k.a. King Badger of Ex Battalion, Jelai Andres, Jessa Chichirita, Angel Velasco, Mahal, Ryan Eigenmann, at Winwyn Marquez.

Sa 2015 teleserye na Beautiful Strangers pa huling nagsama sina Lovi at Benjamin kaya excited silang dalawa na matrabaho ang isa't isa ulit sa isang show.

Gaganap si Lovi bilang si Sensen Guipit. Ayon sa interview ng aktres with GMA News, sinabi niya na tinanggap niya ang project dahil sa magandang story nito about financial literacy.

Si Benjamin naman ay gaganap bilang Doc Migs Alcancia, isang celebrity doctor and financial adviser. Huling napanood ang aktor sa 2019 teleserye na Nang Dahil Sa Pag-ibig.

Continue reading below ↓

Masaya si Ai-Ai na makagawa ulit siya ng teleserye sa GMA-7. Matagal din daw siyang hindi gumawa ng teleserye. Ang huling full teleserye niya ay ang 2018 series na Sherlock Jr. pero nagkaroon siya ng guest role sa Kara Mia (2019).

Nagbabalik naman si Leo Martinez sa GMA-7 na huling napanood sa Dragon Lady na umere last year. Tapos na raw ang character niya sa FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Sina Nova Villa at Ruby Rodriguez ang gaganap na mga nanay-nanayan ni Lovi na sina Mama Eps and Coring, respectively.

Kontrabida naman ulit si Jackie Lou Blanco as Divina Alcancia, ang stepmother ni Benjamin sa kuwento. Sidekick naman niya si Mahal as Mini Divi.

Former Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez ay muling makakasama si Benjamin bilang si Trixie Gibbs. Nagkasama sila sa teleserye na Nang Dahil Sa Pag-ibig.

View this post on Instagram

OWE MY LOVE STORYCON

A post shared by Eliza Costales (@ppl_lizacostales) on

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @artistcenter on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results