Martin Nievera advises Catriona Gray to continue singing

by Arniel C. Serato
Mar 10, 2020
Martin Nievera on Miss Universe 2018 Catriona Gray: "I told her, yung advice na ibinigay ko sa kanya, sabi ko, ‘Catriona, kailangang… you have to keep singing,’ kasi hindi pa siya confident. Pero andun na yung boses, andun na yung technique, at yung quality ng boses, andun na.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @catriona_gray on Instagram

Puring-puri ng Concert King na si Martin Nievera ang singing talent ni Miss Universe 2028 Catriona Gray.

Noong Linggo, March 8, nag-duet sina Martin at Catriona sa ABS-CBN Sunday variety show na ASAP Natin ‘To. Kinanta nila ang "Shallow" nina Lady Gaga at Bradley Cooper mula sa Hollywood movie na A Star is Born.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Martin, “You know, one would think that the Catriona is a learned, trained singer.

“Kasi yung mga notes niya at sinabi ko na din ito sa kanya kanina, yung mga notes niya hindi piercing.

“Ibig sabihin hindi siya sumisigaw, kung hindi kumakanta ng tamang technique.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“So, parang yung ibang artists marunong kumanta, yung ibang artists, singers talaga.

“She has a singer’s voice already.”

Pinayuhan daw ni Martin si Catriona na ipagpatuloy nito ang kanyang pagkanta dahil nakitaan daw niya ng potensiyal ang dating Miss Universe.

Saad pa ni Martin, “So, I told her, yung advise na ibinigay ko sa kanya, sabi ko, ‘Catriona, kailangang… you have to keep singing,’ kasi hindi pa siya confident.

“Pero andun na yung boses, andun na yung technique, at yung quality ng boses, andun na.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Catriona sa paggabay sa kanya ni Martin sa kanilang song number.

Sabi ng beauty queen sa kanyang Instagram post, “Such an honor to share the stage in a duet with Sir @martinnievera! Thank you for the advice and for helping me calm my nerves! If you haven't seen the performance, the link is in my IG stories! #AsapNatinTo

Continue reading below ↓

Kuwento ni Martin ukol dito, “I think she’s very kilig sa portion na yun dahil she gets to sing with Regine [Velasquez].

“I think last Sunday or the Sunday before, ang last hirit ko sa kanya ay, ‘O ano, kaya mo nang sumayaw kasama si Gary Valenciano?’”

Sabi niya, “'Huwag muna, huwag muna.'”

Continue reading below ↓

“Pero sabi ko, ‘Reading-ready ka na, I mean sa mga ganung klaseng songs.’

“Tapos dapat ang peg niya lagi ay si Lady Gaga.

“Si Lady Gaga, I don’t know if everyone knows this, si Lady Gaga is an opera-trained singer. Catriona is not.

“I think Catriona is trained by teacher Annie [Quintos] of The CompanY.

“She did wonders to the voice of Catriona, really good.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin noong hapon ng Linggo, March 8, sa grand opening ng Hazelberry (A taste of Love), ang pastry/restaurant shop ni Ara Mina.

Isa si Martin sa naimbitahan sa ribbon cutting ng ika-apat na branch ng shop ni Ara, na matatagpuan sa Molito Lifestyle Center, Alabang, Muntinlupa.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin Nievera on Miss Universe 2018 Catriona Gray: "I told her, yung advice na ibinigay ko sa kanya, sabi ko, ‘Catriona, kailangang… you have to keep singing,’ kasi hindi pa siya confident. Pero andun na yung boses, andun na yung technique, at yung quality ng boses, andun na.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results