Alpha Team at PRG ng Descendants of the Sun, magkakampi muna sa kanilang workout from home

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Mar 30, 2020
Nag-workout from home ang members ng Alpha Team at PRG ng Kapuso series na Descendants of the Sun. Nai-share nila ang live video ng kanilang workout sa official fan Facebook page ng kanilang show nung Miyerkules, March 25.
PHOTO/S: Screenshot from dotsphofficial Facebook

Ipinakita ng Alpha Team ng Pinoy version ng Descendants of the Sun (DOTS) ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkakaroon ng fit na pangangatawan sa pamamagitan ng kanilang online group workout.

Video: GMA News.

Pinangunahan ang workout ni "Big Boss" Dingdong Dantes, kasama ang Alpha Team at tatlong PRG members.

Sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela, magkalaban ang Alpha Team at PRG. Pero sa online workout from home na ito, magkakampi muna sila.

Kuwento ng isa sa miyembro ng Alpha Team na si ""Wolf" Rocco Nacino sa video interview sa kanya ni Cata Tibayan ng 24 Oras, "Nag-set kami ng workout video kunsaan magla-live ang DOTS cast.

"So saktung-sakto, tatlong PRG member na si Neil Sese, Carlo Gonzales, at si Ian Ignacio, magkasama kami ni Dingdong, ni Lucho Ayala, ni Jon Lucas, at ako."

Sa official fan Facebook page ng Descendants of the Sun nung Miyerkules, March 25, ipinakita nila ang iba't ibang cardio exercises at workout routine na kayang-kayang gayahin habang naka-enhanced community quarantine.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-workout from home ang members ng Alpha Team at PRG ng Kapuso series na Descendants of the Sun. Nai-share nila ang live video ng kanilang workout sa official fan Facebook page ng kanilang show nung Miyerkules, March 25.
PHOTO/S: Screenshot from dotsphofficial Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results