Miguel Tanfelix says it is too early to be in a serious relationship with leading lady Bianca Umali

Aminado sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na matindi ang pressure sa kanila sa upcoming primetime teleserye na Once Upon A Kiss na nakatakdang i-ere sa GMA Network sa darating na January 2015.



“Siyempre masarap and parang sobrang blessed ka talaga,” ito ang bungad ni Miguel Tanfelix nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa kanyang upcoming primetime teleserye kasama si Bianca Umali, ang Once Upon a Kiss.

Ginanap ang pocket press conference sa 17th floor ng GMA Building sa Quezon City noong December 4, Thursday.

Ang nasabing soap opera ang susunod na proyekto ni Miguel pagkatapos ng kanyang hit primetime teleseryeng Niño ngayong taon.

Sa January 2015 magsisimula ang Once Upon A Kiss at papalitan ang ongoing Kapuso soap opera Strawberry Lane.

Ani Miguel, 16, magkahalo ang nararamdaman niya sa opportunities na ibinibigay sa kanya ng GMA Network.

“Binibigyan ka ng maraming chance to prove yourself and masarap kasi naging successful yung Niño and then, eto pressured na dapat mag-click din siya,” ayon sa binatilyo.

Maging si Bianca Umali, 14, ay hindi makapaniwala sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA Network.

“Hindi ko pa rin naa-absorb hanggang ngayon na may bago na akong show kasi unexpected din po,” pahayag niya, na nakasama rin ni Miguel sa Niño.

ON CHEMISTRY. Nagtambal man sila sa ilang mga teleserye, ang kanilang upcoming primetime series ang maglo-launch sa team up nina Miguel at Bianca bilang love team.

Ani Bianca, sa pagkakaibigan at pagiging close nila ni Miguel siya humuhugot ng lakas ng loob para hindi niya maisip ang pressure na kailangang mag-hit ang kanilang launching project.

“Hindi po maaalis ang pressure, pero mas focused po kami sa isa't-isa ni Miguel and on the work na we do, so nakakalimutan naman po yung pressure.”

Dagdag pa ng aktres, “I see it in a positive way na ganun kalaki ang expectation sa amin ng GMA at ang laki ng tiwala po nila sa amin ni Miguel.”

Pagdating naman sa kanilang chemistry, hindi naman daw nila ito inaaral ni Miguel, pero malaking tulong daw na close na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Miguel and I are very close na we know each other very, very well already.

“No more adjustments and hindi na po siya mahirap katrabaho.”

Sabi naman ni Miguel, nagpapasalamat sila sa pagkakaroon ng ilang proyekto ni Bianca bilang preparasyon para sa launching ng kanilang team up.

“Since Paroa [Ang Kuwento ni Mariposa, 2012-2013] pa lang nag-start na kaming mag-bond at maging close.

“Hindi namin sinadya na, ‘Ay, kailangan pagbutihan natin ang love team namin,’ dahil sa sobra naming pinagsamahan, dahil sa sobrang tagal po naming magkasama ni Bianca, parang mas nagiging close kami.”

Dahil mga bata pa, sinabi ni Miguel na masyado pang maaga para pumasok sila ni Bianca sa isang seryosong relasyon, magpadala sa mga tukso dahil pinagtambal sila.

“Sa sarili ko, alam ko naman po yung dapat. Kung alam mo kung ano ang makakabuti sa yo, then go.

“Pwede maging kami ni Bianca pero as special friends muna,” sambit ng binata.

“Kunwari kami ni Bianca, then magkaaway kayo, tapos [kelangan] kilig sa eksena parang pangit, e.

“Happy naman at kuntento naman ako kung ano’ng meron kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN