Is Manny Castaneda's "masyadong mayabang” post on FB about Erik Matti?

by Arniel C. Serato
Apr 18, 2020
Is Manny Castaneda referring to Erik Matti in his recent Facebook post where he says, "Wag sana maging masyadong mayabang."
PHOTO/S: Courtesy: Manny Castaneda on Facebook

Nagbigay ng opinyon ang comedian/scriptwriter/director na si Manny Castañeda sa pinag-uusapan ngayong tweet ng isa ring direktor.

Hindi man niya pinangalanan, mukhang ang tinutukoy ni Castañeda ay si Direk Erik Matti, na nagsabing walang kinabukasan, “doomed,” ang mga lokal na palabas sa telebisyon at pelikula dahil sa mga Korean drama na gustong-gusto ng Pinoy.

Tweet ni Matti noong April 14, “The daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and tv are doomed in the future.

“K-drama galore. Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it’s all about love in the midst of this pandemic."

Continue reading below ↓

“WAG SANA MAGING MASYADONG MAYABANG”

Kahapon, April 17, heto ang post ni Castañeda sa Facebook.

Ayon sa kanya, hindi naman daw makakaapekto ang opinyon "ng isang tao" sa TV at film industry ng Korea.

Nakiusap din siya sa nasabing tao na "wag sana maging masyadong mayabang."

Buong post ni Castañeda: “Hindi naman guguho ang TV and film industry ng Korea ng dahil lang sa opinion nya, so why even bother.

“Besides, they have Parasite. We have... none. Kaya wag sana maging masyadong mayabang.”

Continue reading below ↓

Ang Parasite ay ang South Korean film na pinag-usapan nang husto matapos itong magwagi ng apat na tropeyo sa 92nd Academy Awards, na ginanap sa Dolby Theater sa Los Angeles, California, noong Pebrero 2020.

Ang pelikula na tumatalakay sa relasyon ng dalawang pamilya—isang mayaman at isang mahirap—at naging kauna-unahang Asian film at foreign-anguage film na nanalong Best Picture sa American Oscars.

Bukod sa Best Picture, nanalo rin ang pelikula ng Best Director para kay Bong Joon Ho, Best International Feature Film, at Best Original Screenplay para kina Bong Joon Ho at Han Jin Won.

Samantala, ang mga netizens ang nagbanggit ng pangalan ni Matti sa comments section ng post ni Castañeda.

Gaya ng huli, hindi rin nila nagustuhan ang pahayag ni Matti.

May isang netizen na nagsabing, "Gawa na lang siya ng makahihigit sa Parasite."

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay wala pang sagot si Matti sa mga opinyon ng netizens na bumatikos at umayon sa kanyang tweet.

Ilan sa mga pelikulang idinirek ni Matti ay ang On The Job, Seklusyon, Honor Thy Father, Kuwaresma, BuyBust, at iba pa. Ang dalawang huli ay mapapanood sa Netflix ngayon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Manny Castaneda referring to Erik Matti in his recent Facebook post where he says, "Wag sana maging masyadong mayabang."
PHOTO/S: Courtesy: Manny Castaneda on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results