Money Heist actor Enrique Arce, may special shoutout sa Pinoy fans

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 26, 2020
Enrique Arce as Arturito in Money Heist (La Casa de Papel). Enrique Arce greeting Filipinos on Instagram.
Binati ni Money Heist actor Enrique Arce ang Pinoy fans ng kanilang sikat na Netflix series. Nakipagpalitan pa ito ng comments sa isang Kapuso actress.
PHOTO/S: @enriquearceactor Instagram

May special na shoutout ang Spanish actor na si Enrique Arce sa Pinoy fans ng Netflix series na kinabibilangan niya, ang Money Heist.

Video: GMA News.

Ginagampanan ni Enrique ang role na Arturito sa hit Spanish heist crime drama series.

Nagsimula ang series na ito sa isang planadong pagnanakaw sa Royal Mint of Spain.

Mula roon ay nakaapat na seasons na ang show na nag-shoot sa iba't ibang lugar ng mga bansang Spain, Panama, Thailand, at Italy.

Unang ipinalabas sa Spain ang Money Heist—o La Casa De Papel, sa orihinal na Spanish title nito—nung 2017.

Na-acquire ng Netflix ang global streaming rights nito nung taon ding iyon at naging instant hit worldwide hanggang ngayong taong 2020.

Sa kanyang video message, nagpasalamat si Enrique sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa kanilang show.

"This message is especially dedicated to the people of the Philippines.

"I really wanna commend you for loving the show so much. I know we've become number one over there.

Continue reading below ↓

"It's so fascinating to know that this show has traveled so far and so well."

Bago matapos ang kanyang mensahe sa mga Pinoy, in-attempt pa ni Enrique na batiin ang kanilang fans sa Pilipinas sa wikang Filipino.

"In my name and in the name of all my colleagues, sa 'ming mabubuting kaibigan sa Philippines, maraming salamat. We love you."

Continue reading below ↓

Nagpalitan pa ng comments ang Kapuso actress na si Lovi Poe at Enrique sa shoutout na ito.

Enrique Arce and Lovi Poe Instagram conversation

Enrique Arce, Lovi Poe Instagram conversation.

Continue reading below ↓

Lovi Poe comment on Enrique Arce Instagram comment wall.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binati ni Money Heist actor Enrique Arce ang Pinoy fans ng kanilang sikat na Netflix series. Nakipagpalitan pa ito ng comments sa isang Kapuso actress.
PHOTO/S: @enriquearceactor Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results