Sexbomb Girls, nag-reunion online; Jacque Estevez, isang COVID-19 survivor

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 30, 2020
Sexbomb Girls. Sexbomb Singers reunion online. Sexbomb Singers past photo.
Nag-reunion online ang Sexbomb Singers na sina (mula kaliwa sa taas, clockwise) Rochelle Pangilinan, Weng Ibarra, Yvette (Evette) Pabalan, Monic Icban, Izzy Trazona, at Jopay Paguia.
PHOTO/S: Screenshot from The Solinaps YouTube

Nagkaroon ng virtual reunion ang SexBomb Girls.

Makikita sa YouTube vlog na in-upload ni Rochelle Pangilinan noong April 28, na present sa video conference ang kapwa dancer-singers niyang sina Weng Ibarra, Yvette (Evette) Pabalan, Jopay Paguia, Izzy Trazona, at Monic Icban.

Video: GMA News.

Nakasama rin si Jacque Estevez, na may sarili nang pamilya sa Anaheim, California, U.S., kung saan isa siyang medical practitioner.

Sa hiwalay ng panayam ni Jacque sa 24 Oras, napag-alamang COVID-19 survivor ito.

Samantala, balak ng grupo magkaroon ng reunion concert.

Pero ayon kay Rochelle, mapa-finalize ang detalye once natapos na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang COVID-19 pandemic ang nagbunsod kay Rochelle para kontakin isa-isa ang Sexbomb members. Layunin kasi ng virtual reunion nila na makakalap ng funds para sa mga affected ng health crisis.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-reunion online ang Sexbomb Singers na sina (mula kaliwa sa taas, clockwise) Rochelle Pangilinan, Weng Ibarra, Yvette (Evette) Pabalan, Monic Icban, Izzy Trazona, at Jopay Paguia.
PHOTO/S: Screenshot from The Solinaps YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results